Visit http://paoe.blogdrive.com


Wednesday, July 20, 2005
Ulol

Nampowta...  Bagsak ata ako sa exam namin sa Pain and Surgery.  Hindi sa nagiging pessimistic ako, pero matapos kong sagutan ang mga items na sa tingin ko ay masasagutan ko, out of 100 items, 63 lang ang nasagutan ko.  At ang 63 na yun, hindi pa ako sigurado sa mga yun.  Napakahaba ng coverage ng exam namin na yun, kaya hindi ko malaman kung paano ko sisimulan ang pag-aaral.  (isang lame excuse para sa "Hindi talaga ako nag-aral"...  hehe)

Isa sa mga dapat kong sisihin ay ang DVD ng WWE Wrestlemania XX.  Kung hindi dahil doon ay nakapag-aral sana ako nang maaga. Hehehe...

Isa pa sa mga dapat kong sisihin ay ang antok.  Dahil sa antok, pinili kong matulog na muna.

Isa pang dapat sisihin ay ang alarm clock ng aking cellphone.  Medyo nilaksan ko na ang volume ng alarm para magising ako, pero hindi pa rin tumalab.

KASALANAN NIYO TO!!!!  Hehehe...

Bukas ay exam namin sa p*tang inang Pharmacology.  Magme-memorize na naman ako ng mga pangalan ng mga gamot.  Kaya ngayon pa lang ay naghahanap na ako ng pwedeng sisihin...  Aha!  Internet, kasalanan mo pag bumagsak ako sa test namin doon bukas!!!

I was here at 7/20/2005 5:32:28 pm

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed