 |
 |
 |
 |
 |
|
Sunday, January 30, 2005
The week which is spelled H-E-L-L
Isipin niyo mga nangyari sa akin... Maki-simpatiya kayo... MONDAY. Wala pa masyadong naging problema ng araw na to... Maliban na lang sa biglaang requirement sa REED (Religious Education) na dalawang 1-page reflection papers, at isama na rin ang isang 3-page reflection paper na ipapasa sa Friday. Ang naging concern ko lang ay ang exam sa Health Care sa susunod na araw. Plano ko na mag-aral nang madaling araw, pero... TUESDAY. Tuluy-tuloy ang naging tulog ko, at hindi ko na nagawang mag-aral pa para sa Health Care. 5:00am na nang ako'y nagising, at kailangan by 6:00am ay kumikilos na ako para hindi ako ma-late (minsan lang mangyari na hindi ako ma-late.) Isang oras lang ang pwede kong ilaan para sa pag-aaral (na hindi ko rin na-maximize.) Hindi naman nag-exam agad pagdating ko. Pero isang masamang pangitain nang makita kong pina-photocopy ang exam para sa topic na COMMUNICABLE DISEASES. At isa pang naging problema ko ay nakakatulog ako sa klase... Nasa harap pa man din ako... Naging concern ko naman sa katapusan ng araw na to ang part ko para sa project sa Health Economics, ang quiz sa STS at Economics (STS lang ang natuloy) at ang major exam sa Physics Lab. WEDNESDAY. Hindi ko na naman nagawang mag-aral dahil nakatulog ako. Paggising ko ng 5:00am, ini-scan ko yung handouts ko sa STS (Science, Technology and Society.) Mahaba yun, pero siniksik ko na naman sa isang oras. Mukhang pasado naman ako sa exam. Sa lunch break namin na isang oras lamang, pina-burn namin ang PowerPoint Presentation para sa project sa Health Economics. Kung saan-saan pang mga computer shops kami napadpad para lang bumili ng CD-R at para magpa-burn. Tila ninakawan ako ng P40 sa isang computer shop (itago natin sa pangalang Paperport), dahil bumili ako ng highlighter na wax ata yun na P10 lang ang benta nila (sa National Bookstore P8.50 lang). Nagbayad ako ng P50, pero sinukli sa akin ay P10 lang. Bente pesos lang daw ang ibinayad ako. Kahit iginiit kong singkwenta binigay ko, walang nangyayari. Bahala na si Lord kung ano dapat gawin sa cashier na yun... Hindi natuloy ang presentation ng project sa Health Economics dahil walang LCD projector. Major exam sa Physics Lab. Sobrang hirap para sa tulad kong hindi nerd. At nakakasama pa ng loob na habang karamihan sa amin ay nakasimangot habang nagsasagot, ang kabilang klase ay tapos na, nakangiti pa. Para sa susunod na araw, exam naman sa Microbiology at lab report. THURSDAY. Yehey! Hindi na naman ako nakapag-aral. Kaya pagdating ng exam, bagsak na naman ako. Submission pala ng course requirement sa Microbio Lec. Wala akong kaalam-alam. Binalak kong gumawa sa Virtus Blaze computer shop (from scratch), pero tinamad ako. Pwede pa naman daw kinabukasan, kaya tumigil na ako sa paggawa. At may quiz daw sa Microbio Lab sa hapon. Nagbayad ako ng tuition. Sa araw na ito ay nanakawan naman ako ng P100. Nadagdagan ang binayaran ko ng P100 nang hindi ko nalalaman kung bakit, samantalang kumpleto naman lagi ang ibinabayad ko bawat term. Naisip ko tuloy na may multa pala ang pagtulog sa klase. At kopyahan na naman ng sagot para sa Microbio lab manual. Inabot kami ng 2:15pm. Ang Microbio Lab namin talaga ay 2:00pm. Na-bad trip ang professor namin (pero hindi halata sa mukha) at hindi kami pinayagang kumuha ng quiz. Pero lumambot din ang puso at pinakuha kaming mga late ng 10-point quiz, na binubuo ng dalawang tanong (na hindi ko rin nasagot nang tama.) Sarap talagang kumain matapos ang Microbio Lab. FRIDAY. Balak ko talagang gumawa ng reflection papers at project sa Microbiology nang madaling araw. Pero 5:00am na naman ako nagising. At nagawa kong matapos ang lahat ng ginawa ko by 9:00am. Hindi ko ma-print dito sa amin, kaya kinailangan ko pang pumunta ng computer shop para magpa-print. Wala akong diskette, kaya sinend ko sa email ko. Binilisan ko nang kaunti kilos ko, at by 10:45am nasa EMANET na ako (computer shop sa tapat ng Angelo King building) para i-download ang project ko para i-print. Sira ang unang computer na napuntahan ko, kaya lumipat ako. Na-download ko na, at ipapa-print na. Sabi ng tao dun, i-save ko na lang sa diskette na ipo-provide niya. Ang problema, hindi nare-recognize ng computer na may diskette na nakasaksak. Ubos na allowance kong oras, dahil PE namin ng 11:00am. Hindi pa ako nagba-basketball, pagod na ako. Mabuti't hindi natuloy ang mga mala-sadistang mga pangyayari na nakatakda para sa araw na iyon tulad ng long quiz sa REED at quiz sa Computer. SATURDAY. Quiz namin sa Physics. Pero dahil maraming nagtatanong sa professor namin, at obvious ang lantarang kopyahan, ginawa na lang seatwork.
I was here at 1/30/2005 1:09:41 am
Isolate this entry
Sunday, January 23, 2005
Here is one of my the best/worst stories I have ever written... Read on... The following program may contain scenes not suitable for very young audiences. Parental guidance is recommended.
TODAY ON KEO'S BLOG...
BURGER MACHINE... THE STORY
This story is about my face to face encounter with a burger from Burger Machine. The burger is oily, and so is my face, leading to a battle between me and the burger (oh... crap). Here it goes...
----PART 1----
Aking mapag-alaman na ang ating minamahal na burger ay hindi pala ganoong kaganda sa ating kalusugan. Napag-isip-isip kong muli ang article na nabasa ko tungkol dito habang ako'y nasa isang branch ng Burger Machine malapit sa may DLSU-HSC (katabi ng Max-Zel Burger na nagsara kasi nalugi ata). Naroon kami kasama ng mga kaibigan ko dahil gusto nilang kumain.
Ang burger patty na ginagamit sa burger ay maaaring maging 'worst type of meat' na pwede ninyong kainin. Bakit kanyo? Gawa kasi iyon sa mga karneng mababa ang kalidad. Iyon ay mga leftover meat, plus fat and ligaments. ang mga patties na ito ay ground, para di makita ang orihinal nitong anyo. Katulad din ito ng sausages, longganisa at liver spread. Kaya mura ang mga burger.
Masarap ang burgers dahil sa taglay nitong taba. Ang taba ang nagpapasarap sa karamihan ng mga kinakain natin. Ngunit alam naman natin na ang sobrang taba ay hindi maganda para sa ating kalusugan. Baka nga pwede nang label-an ang Big Mac ng "This hamburger is dangerous to your health." Haayy...
Ayan, luto na ang burger na in-order ng mga kasama ko. Tsk tsk.. ano ba naman yan.. Di ko na kaya to. Nararamdaman kong may dapat akong gawin. Dapat akong kumilos. Dapat sundin ko ang aking nararamdaman!
"Ate, isang Jumbo Hot Pepper Burger nga, at isang Pepsi!"
----PART 2----
Niluto na ni Ate ang burger. Kitang-kita ko ang hitsura nung burger patty nang ilabas galing sa refrigerator. Hindi ito masyadong kanais-nais sa paningin. Nabasa ko pa nga sa isang diyaryo na "it takes less than 30 seconds to turn a greenish McDo hamburger patty to the brown meat we eat." Yung sa Burger Machine ay pale brown nung hindi pa luto, pero di pa rin kanais-nais tingnan.
Sure, mabango nga ang amoy nung burger habang niluluto. Ngunit in-obserbahan kong mabuti ang burger patty habang niluluto. Ipinatong ito sa grill na di man nilalagyan ng kahit konting mantika. Ang mantika ay nagmula mismo dun sa burger patty. Kitang-kita na nangingintab ito sa langis. Isang pruweba na ang burger patty ay loaded with unhealthy fat.
Ang fat ay nahahati sa 3 uri:
1. Saturated Fat. Ito ang mga fat na solid at room temperature. Nakakapagpataas ito ng blood cholesterol levels na maaaring mauwi sa atake sa puso. Ang halimbawa ng mga pagkaing mataas sa ganitong fat ay bacon, beef, butter at cheese.
2. Polyunsaturated Fat. Ang mga ito ay liquid at room temperature. Nakakatulong ang mga ito sa pagpapababa ng blood cholesterol levels, pero ang excessive intake nito ay maaaring mauwi sa gallbladder disease at ibang uri ng cancer. Mga halimbawa ng mga pagkukunan nito ay mayonnaise, salad dressing, soft margarine at salmon.
3. Monounsaturated Fat. Ang mga ito ay liquid at room temperature pero nagiging partly solid
when chilled. Nakakatuolg din ito ng pagpapababa ng blood cholesterol levels. pero too much fat is bad. Examples ng mga pagkaing mayaman sa ganito ay almonds, peanuts at chicken fat.
Luto na ang burger. Iniabot na sa akin ni Ate ang burger at binigay ko naman ang bayad ko. There's no turning back, naluto na e. Habang hawak ko ang burger ay maraming gumugulo sa isip ko na para bang pumipigil sa akin sa pagkain nito.
Nag-isip akong mabuti. Ayokong magkaroon ng maling desisyon. Ayun, sumagi rin sa isip ko
ang dapat kong gawin.
"Ate, palagyan na rin ng cheese!"
----PART 3----
Nilagyan ni ate ng cheese ang burger. Di ko na lam ang gagawin ko. Napakalakas ng puwersa ng burger na ito na para bang inuutos sa akin na "KAININ MO AKO!" kahit alam kong ito'y mamantika at maraming unhealthy fats. Sinubukan kong labanan ang temptation.
Pero ano pang magagawa ko?! Hawak ko na ang burger. Naaamoy ko ang aroma (aroma?!) ng burger na hawak ko. Mainit-init pa. Kulang na lang talaga ay kagatan ko na ang burger para ma-satisfy na ang aking craving. Parang automatic na isinubo ng aking braso't kamay ang burger sa aking bibig. "Aawwrmm" (tunog ng kagat yun). Nginuya-nguya ko. Sarap. Sinundan ko ulit ng isa pang kagat, hanggang sa naubos ang burger.
Natahimik ako sandali at naisip kung ano ba itong ipinasok ko sa katawan ko. Burger patty na siksik sa taba, mantika, mga ligaments at mga bahagi ng meat na hindi pumasa para maging steak o ano mga premium cuts.
Naubos ko ang burger, pero hindi ako masaya. I felt empty inside. Bumalik ako sa classroom namin na dala-dala sa isip ko ang mga bagay na ito. Huli na nang ma-realize kong... "Anak ng... di ko napalagyan ng coleslaw!!!"
I was here at 1/23/2005 11:01:06 pm
Isolate this entry
Wednesday, January 19, 2005
Yehey. Lasallian Days ngayong week na to!!! Ansaya-saya... Dahil habang nagsasaya ang madla sa mga activities, kami... may klase!!!
Gusto ko nga palang mag-apologize sa mga ka-group ko... Ako ang tumayo niyong leader, pero binigo ko ang ilan sa aking mga members... Hindi ko gusto na magkaganito... Wrong timing nga e... Hindi ko alam kung kamalasang matatawag ang mga nangyari o sadyang napakalupit ng tadhana sa aspetong iyon ng buhay ko...
Ganito ang kwento.
Ginawa ko na ang written documentation ng aming project para sa Science, Technology and Society nung Linggo ng gabi hanggang madaling araw ng Lunes. In-edit naman ng isa kong ka-group ang gawa ko sa computer lab ng Angelo King building. Na-save na sa diskette ko, ipapa-print na lang. Ngunit... sa isang kadahilanang hindi maipaliwanag, nasira ang diskette ko, at hindi na ma-read ng computer ng mga computer shops. Dahil dito, nag-shift ako sa Plan B (na hindi naman napag-planuhang mabuti). In-upload ko ang file ko sa e-mail ko para handa ako sa mga insidenteng ganito. Alas dose na ng tanghali nun.
Problema.
Ayaw nang ma-open ng diskette, ayaw pang ma-open ng Yahoo! Mail ko. Napakalupit ng tadhana. Mabuti't paglipat ko ng computer ay bumukas na rin e-mail ko. Sinave ko lang file ko sa ibang diskette, at mag-iisip na ako ng panibagong strategy.
Naisip ko na pagkatapos ng REED namin (hanggang 4pm), gagawin ko na ang pag-eedit at punan ang mga kulang. Binanggit ng ka-group kong nag-edit na na-save niya sa computer sa Angelo King building ang in-edit naming project, at i-save ko na lang sa diskette at ipa-print pagkatapos. Nagpunta pa talaga ako sa Angelo King building, sa computer lab dun, para i-recover ang in-edit na file ng isa kong member para ma-print na. At eto... Nagka-klase ang BSN 2-4 nung time na yun. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para pasukin ang silid, magpaalam sa professor at hanapin ang file na kailangan ko.
Nung ipapa-print ko na, nabulaga ako sa nakita kong sabog na paradigm at kulang na mga opinion. Hindi pala yun yung final version. Hindi nai-save sa computer ang final version ng project namin. Mga 4:30pm na nun, at kailangan bago mag-5pm makapagpasa na ako. So dahil sa mukhang wala na akong choice (oo alam ko meron pa, pero kailangan tapusin na), ako na ang gumawa ng opinion ng iba sa mga ka-group ko. At nagka-problema pa sa pags-save nung una... Pero naayos din... Humihingi na lang ako ng pasensya sa mga ka-grupo ko...
Pinasa ko na by 5pm.
Kinabukasan... Nag-abot ako ng panibagong diskette na naglalaman ng pictures na gagamitin para sa PowerPoint presentation, pampataas ng grade. Sa pagmamadali ko, hindi ko nai-save ang written documentation namin na magiging basehan ng paradigm na ipapakita sa pamamagitan ng PowerPoint.
At... Naiwan ko ang cellphone kong Globe sa bahay. Hindi ko na lang inintindi nung umaga, late na rin naman ako...
At nung gabi, nagtetext na pala ang mga ka-grupo kong gagawa sana ng PowerPoint, na hindi ko pala na-save sa diskette ang written documentation, kaya wala rin silang basehan ng gagawing PowerPoint presentation. Mga bandang alas-7 sila nagtext, at nalaman ko lang ng mga bandang alas-9 na ng gabi - sinabi sa akin ng isang kaklase. Nagulo na naman ang isip ko... "Ano'ng gagawin ko?!" ang paulit-ulit na tanong sa isip ko. Hindi ko naman sila magawang itext, at walang load ang aking SUN.
Pinaloadan ko ang Globe ng kaklase ko at tinawagan ko ang ka-grupo ko. Pagod na sila kakahintay. Gusto na nilang magpahinga. Sa madaling araw na lang daw gagawa - isend ko na lang daw ang file sa e-mail add niya.
Kaya humihingi ako ng tawad sa inyo...
I was here at 1/19/2005 12:44:13 am
Isolate this entry
Monday, January 17, 2005
Once in a while... mag-seryoso tayo
It's 2:48AM in my cellphone's clock, and I'm still awake. I am doing our group project for STS (Science, Technology and Society). I have taken Lipovitan XL150 earlier, but despite its claim of "Gets you going", I still feel tired and wasted. As I type this, our project is still unfinished. I need to unwind, which brings me to writing (typing in this case.)
I hate doing this STS project. I am not blaming anybody. It is my responsiblity as a leader to do anything through my abilities to lead my group to *victory*. And it seems like time has run out, so it is up to me to do something, and pull out a miracle out of nowhere.
I do not want to be a leader. Yes, my groupmates accomplish the tasks assigned to them. They even exceed my expectations. But, the bottom line remains... I do not want to be a leader. I have tried to get out of this situation by asking (begging) our professor to make some adjustments (role shifts) in our group. But she told me that it depends, if someone else wants to take my place, then s/he becomes the leader. But no one wants to take my place.
So I am stuck with this *blessing in disguise* (let's be optimistic) until the final term. At least for now. I do not know, maybe in my 3rd year, I will be a leader again.
Anyway, I have read an entry in a blog which is included in my links. It got me thinking, because the entry was just way too familiar.
Love. What is love? Can it be explained through words? Why do people love? I have a lot of questions about love. And answers never become 100% clear.
How do I know if what I'm feeling is really love? Am I really right when I say "I love you"?
I do not know. Let my actions do the explaining.
I was here at 1/17/2005 3:05:26 am
Isolate this entry
Sunday, January 16, 2005
Grades... gawin niyo akong inspiration
Naibigay na ang prelim grades namin sa ilang subjects namin.
Simulan natin...
REED = 85.something
Wow... Ni hindi ko inasahan na makakaabot ng ganyan grade ko, matapos akong pumalpak sa major exams at quizzes namin. Considerate din naman pala ang prof naming si Bossing...
PHYSICS LAB = 79.93
Patay tayo diyan... May na-miss akong sagutan na isang activity sa lab manual ko kaya naging ganyan grade ko. Nagmakaawa akong gawing 80 grade ko, pero hindi ako napagbigyan. Ok lang daw yun, yung final grade naman daw ang lalabas sa class card. Kelangan kong pagbutihan para tumaas naman grade ko. Inaamin ko naging tamad ako kaya naging ganyan.
Nagulat ang iba kong classmates dahil pagkakita ko sa grade ko, bigla akong nagsagot ng seatwork.
HEALTH ECONOMICS = 85.something
Binalik sa amin ang mga requirements namin, at hindi ko maisip bakit 75 at 80 lang ang grade ng dalawang pinasa kong requirements. Pinag-compare ko ang gawa ko at ang gawa ng aming ultra nerd sa klase, at nag-analyze ko. Ano bang word ang hinahanap ni sir? Nasa margin ba yun? Nasa uri ng papel? Font? O gender ng gumawa?
MICROBIOLOGY LAB = 90.something
Nagulat ako nung nakita ko to. Hindi ko in-expect na aabot ng ganito grade ko. Tamad ako sa subject na yun pero nakaabot ako ng ganyan? Wow. Naiisip ko tuloy, hindi ko grade yan. Pero salamat na rin...
MICROBIOLOGY FUSION OF LEC and LAB = 80.something
Nakapasa pa ako... 80 ang required na grade, at nakaabot ako... Salamat sa Mircobiology Lab...
MICROBIOLOGY LEC = 77.something
From the given data (grades ng Microbio Lab at Mircobio final grade), na-compute ko ang grade kong 77 sa Micro Lec. Sabog kasi ako... Isipin niyo, sa 3 quizzes ko, eto ang results: 83, 62, 75. Ang major exam result ko ay 74. Yeah.
PE = 95.something
Yeah. Astig.
SPEECH = 92.96
Wala lang... Mas mataas pa sana yan kung na-record yung corrections ko sa exam. Hindi ako grade conscious masyado, basta pasado ok na... Gusto ko lang ng pang-hatak sa alanganin kong grades... Ayokong ma-disappoint ang aking mader and pader... Gusto ko mataas-taas naman yung magiging GPA ko...
I was here at 1/16/2005 6:51:39 pm
Isolate this entry
Sunday, January 09, 2005
May mag-nanay na nag-aaway sa kabilang bahay.
Nanay: "Hoy bata ka!!! Wala ka nang ginawang mabuti!!! Demonyo!!!"
Anak: "Inay..."
Nanay: "Sasagot ka pang hayop ka?!"
Anak: "...."
Nanay: "Hoy, gago ka!!! Putang ina mo!!!"
I was here at 1/9/2005 3:50:51 pm
Isolate this entry
Napakahaba ng araw kahapon...
Usapan alas-7 ng umaga ay magkikita sa Jollibee Trece para sa interview para sa Health Economics. Naging pasaway ako at umalis sa amin (galing Anabu) ng 6:55am.
At ano nangyari?
Una akong dumating.
Nalaman ko na ang results ng majority ng exams ko. Tama ang hinala ko, hindi na tumalab ang principle ko dati na "Come what may." Ngayon ay obvious na na kung ano ang inaral ko, yun ang ipapasa ko.
Unang beses na bumagsak ako sa major exam sa isang major subject. At hindi ko na rin alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng grade ko dun. Pero kung bagsak man ako, fine... Babawi ako. Kahit hindi ko makuha ang isang milyon na jackpot.
Mahirap ang mahigpit
Napakahirap ng mahigpit. Nasasakal ka, hirap kang gumalaw. Limitado lamang ang pwede mong gawin. Mababakas sa iyong mukha ang hirap at pagtitiis.
Gustuhin mo mang umalis sa kinalalagyan mong sitwasyon, ngunit hindi mo magawa.
Sa una ay hindi mo malaman kung ano pa ang gagawin mo, at ika'y balisang-balisa na. Gusto ma na agad gawan ng paraan, pero walang gumagana sa mga naisip mong istratehiya.
Napakahirap.
Napakahigpit...
...ng brief ko.
I was here at 1/9/2005 1:34:48 am
Isolate this entry
Tuesday, January 04, 2005
We've had a lot of good times together... It's so wonderful when I reminisce the moments we've shared... It makes me cry...
I remember those times when I was with you... I was able to forget all of my problems... I was carefree, I enjoyed living. It's so fun being with you. You changed my life... I used to hate life when we were not yet together, but when you came, I wanted to wake up every morning and enjoy what life has to offer.
But like what others say, "All things must go"... "All things must come to an end"...
I don't want to let go of you.
But there's nothing I can do... but let you go...
It's so sad that I have to let you go... I don't want to, but I really have to...
Don't worry... I will never forget you...
Goodbye... vacation...
....(sniff)
Wag ka mag-alala, tatawagan kita!!! Naka-24/7 Call and Text Unlimited ako!!!
Things that make you go "WAAAAA!!!!!"
1. pag nalaman mo ang result ng exam mo sa Microbio
2. pag nawala ang cellphone mo habang nagre-review para sa Health Care
3. pag tinago ng isa mong kaklase angCD mo ni Kitchie Nadal na may pirma, at hindi na naibalik sayo bago ka umuwi
4. pag sinabi ng prof na "Ok class, get <size> sheet of paper..."
5. pag nagka-LBM ka, at ang toilet na nailalabasan mo ng sama ng loob ay hindi ma-flush ng kahit isang drum ng tubig
6. pag tinawag ka para mag-recite, at wala kang alam... at aakusahan ka pang natutulog
7. pag nahuli kang ngumunguya ng chewing gum ng isang legalist na ipapahiya ka pa sa buong klase at tatawagin kang "kid"
8. pag binalak mong gumising ng 2:00AM para mag-aral para sa major exams, pero matatanga ka na lang bigla nang malaman mo paggising mo na 6:00AM na
9. pag may nakasagot ng "missed call" mo
10. pag nagkamali ka ng send ng isang message na personal... at sa isa ring kakilala na-send
11. kung mag-type ka ay kasin-lala ng pagta-type ni Ryan (click here)
12. pag nagsh-shut down nang automatic ang PC mo dahil sa Sasser helminth
13. pag ginawa kang leader sa isang subject grouping na hindi ka naman interesado
14. pag tumawid ka sa EDSA pag gabi
15. pag may nakatabi kang lasing sa jeep galing Baclaran at tila sinisiksik ang sarili kahit sobrang sikip na... at ang lasing na to ay may kasamang nakasabit sa likod ng jeep na parang nagsu-survey kung tiba-tiba sila pag nang-holdup
16. pag sumakay ka na sa unahan ng jeep sa Baclaran para maiwasang makatabi ng lasing... pero may biglang lalaking sumakay sa likod ng jeep, nakikiusap sa driver na "Manong, bilisan niyo ho...", na hinahabol pala ng isang galit na lasing
17. pag gusto mo mag-taxi mula SM Bacoor hanggang Malagasang sa Imus, at hihingan ka ng P300
18. pag gusto mo mag-taxi mula Hyatt, pero sisingilin ka ng P800, at ang pera mo ay P600
19. pag may nag-testi ng "Jeepney"
20. pag nag-bike ka hanggang Noveleta mula Malagasang, pero wala pala roon ang pinuntahan mo
21. pag ang diskette na pinag-save-an mo ng assignment mo ay hindi ma-read ng mga computer shops, kaya hindi ma-print, at ang deadline ay... well, within 5 minutes
22. pag hindi mo makakasama ang dapat na kasama mo papuntang mall tour
23. pag may pinabibigay kang shells na nakadikit sa kahoy na pilit binalutan ng plastic cover, pero ayaw naman ibigay nung taong hiningan mo ng pabor
24. pag narinig mo ang "Kikay" o kahit anong kanta ng Viva Hot Babes
25. pag narinig mo ang "Ye Ye Vonnel" ni April Boy Regino
26. pag may pinahiram kang libro na bagung-bago pa, tapos pagbalik sayo tanggal na ang mga pages
27. pag may pinahiram kang CD na alagang-alaga mo, pero gasgas na pagbalik sayo
28. pag kasingbulok mo si Ryan sa pagkuha ng pictures
29. pag sumakay ka ng jeep at tila habang nangangawit ka na sa pag-abot ng bayad mo ay tinitingnan ka nang masama ng driver...
30. pag naging teacher KO ulit si Sir Cuarto
I was here at 1/4/2005 12:27:45 am
Isolate this entry
Sunday, January 02, 2005
Hmm... Lately ay tinamad na akong gumawa ng entries dahil wala akong masyadong mai-reklamo (wala kasing pasok... pag walang pasok, walang Microbio... pag walang Microbio, walang pahirap sa buhay).
Pero eto na naman ako. Due to insistent public demand (demand na tumigil na ako kakagawa ng entries), gagawa ulit ako. Magdusa kayo.
Astig tong SUN CELLULAR. Noong December 21 ay nag-load ako ng P100 24/7 Call and Text Unlimited na card, which is good for 10 days. At hanggang ngayon, nakakapagtext at nakakatawag pa rin ako!!! Napakalaking katipiran. Hindi tulad noon... Ang P50 na load, ubos agad... At limitado lamang ang napapag-usapan... Ngayon, wow, LUGI ANG SUN sa akin!!! Hahaha... May topak nga lang number ko...
(Sending message... MESSAGE NOT SENT THIS TIME)
Nawiwili ako sa trivia na sinasagutan ko sa mIRC. Napakasarap talaga ng pakiramdam ng nauunahan ang ibang tao sa pagsagot. At nakakainis rin pag nauunahan ako (kahit alam kong ako ang una... Isinisisi ko ang lahat sa LAG na yan... LAG AMP!!!)
<bot>: Ang lason, kapag na-expire, nakakalason pa rin ba?
<mordecai>: subukan mo
<bot>: mordecai got the right answer! subukan mo was the right answer.
Malapit na ang pasukan. At ang unang subject namin for 2005 ay Health Care. First meeting ng midterm, may activity agad. Well, naiintindihan ko naman, kasi midterm ang pinakamaikli. Feb.1 ata, midterm exams na. Wow. Madaliin ulit natin ang Microbio.
Wala na akong maisulat. Ako ay gutom na gutom na. Mula pa umaga ay hindi pa ako kumakain. Oo alam ko simple lang ang solusyon sa problema ko - ang kumain. Ayoko na. Hindi sinasadya.
I was here at 1/2/2005 2:08:09 pm
Isolate this entry
Thursday, December 30, 2004
The year 2004... Now with Sangkap Pinoy Seal!!!
Ilang oras na lang, YEAR 2005 na.
So bago pa ako magtatatalon pagsapit ng 12:00mn habang umaasang tatangkad pa, siguro ay balikan muna nating ang nagdaang taon, at magreklamo sa mga hindi kanais-nais na mga sinapit sa loob ng nagdaang 366 days.
Oo, alam ko Dec.30 ko ginawa itong entry na to, pero pakialam mo ba?!
Isang recap na naman to. Now Improved!!!
JANUARY = Ang TI na handsplay. Oo, TI. As in 't*** ina. Sino ba ang may gusto na habang ang ibang estudyante ay nagpapakasaya sa Lasallian Week, e malalagay sa isang buong linggo ng practice na inaabot ng madaling araw?! Noon ko na-realize kung gaano kasarap ang buhay bago pa sumapit ang TI na handsplay na yan. At ang pinakamasaklap diyan ay hindi ko nagawang makapanood ng favorite kong DAISY SIETE dahil sa mga practice na yan.
FEBRUARY = Hmmm, ano ba meron ng mga panahon na to... Research paper sa English? Wala naman akong masyadong reklamo, dahil nage-enjoy naman ako sa ginawa ko. Sinolo ko ang dapat na group work. Yeah. Tapos andyan din ang walang kamatayang community exposure para sa NSTP, kung saan pineperahan kami every meeting na magbayad ng P16 bawat isa para sa trip sa isang malapit na lugar.
MARCH = Kung hindi ako nagkakamali, um-absent ako (pasadya) sa isang klase namin ng PE na Table Tennis para gawin ang research project na pinasa rin sa month na to. No hard/bitter feelings sa mga ka-group ko... Nagpapasalamat nga ako at madali silang kausap.
Keo: "Oi, i-edit mo yung isang word diyan... May mali kasi... Bago mo i-print edit mo na muna..."
Member: "Sige..."
(kinabukasan)
Keo: [tiningnan ang pinrint] "Bakit hindi mo in-edit?!"
Member: "...ha?"
Dito rin naganap ang isang interview project para sa Philippine History. Ako ay naatasan na mag-transcribe ng mga binanggit ng mga matandang in-interview tungkol sa panahon ng mga Hapon. Mahirap na gawain yun. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga na-interview. At isabay pa diyan ang research namin sa English. Wala akong choice, kasi kung hindi ko gagawin ang pagta-transcribe, wala na akong naging contribution sa group namin. So with bitter feelings, tinanggap ko ang assignment na yun.
Marami pang ka-ututang nangyari sa buwan na ito. Kasama ng mga yan ang sunud-sunod na play sa Filipino (gusto pa ng aming guro doon ay magarbo ang presentasyon... Teka, ano ba yung "garbo"?), ang reporting sa Philosophy of Man (na hindi ko naintindihan kung ano yung in-explain ko), etc.
APRIL = Bakasyon na. Yehey. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at nalampasan ko iyon nang buhay. Binalak ko pa ngang mag-drop ng isang subject noon dahil parang hindi ko na kakayanin. Pero nalampasan ko.
Pumunta akong Cebu tatlong araw matapos ang aking kaarawan. Kinabahan pa nga ako sa airport dahil first time ko doon mag-isa. Naiisip ko na baka maligaw ako doon at baka hindi ko maabutan ang flight ko.
MAY = Nasa Cebu ako hanggang May 14, kung hindi ako nagkakamali, isang araw bago ang fiesta sa amin. Habang nasa Cebu ako ay maraming nangyari... Naranasan kong mapadpad sa northern at southern parts ng Cebu, makasakay sa pump boat na pumunta sa maalon na bahagi ng dagat, magpalutang sa malalim na bahagi ng dagat (kahit hindi pa ako marunong noong time na yun), mag-trekking papunta sa isang falls na maputik pala dahil sa malakas na pag-ulan, maglakad sa mainit na putik, maligo sa ulan habang papauwi galing sa isang beach, mag-internet na DSL ang gamit, mag-dishwash, at magdusa sa LBM.
Nang ako'y mabalik sa Cavite ay inubos ko ang bakasyon sa paglalaro ng PS2, pagba-bike, basketball at... yun lang.
JUNE = Nag-resume ang classes. Yehey. First day namin, discussion agad sa Anatomy. At isa ako sa mga nasawi sa unang araw pa lang.
SIR ORPIA: [natawag ako sa group namin] "Differentiate anterior from posterior."
KEO: [hindi alam ang sagot, bumubulong sa mga kaklase "Huy... ano yun?"] "Uhh, posterior po yung sa harap..."
SIR ORPIA: "Are you sure?"
KEO: [nabulungan ng kaklase ng tamang sagot] "Ay, anterior po yung sa harap, posterior po yung nasa likod..."
SIR ORPIA: "Okay... Give some examples."
KEO: [tumanga]
Una kong napanood ang Sexbomb Singers sa buwan na ito... Ang dating pangarap ko lang ay natupad na rin sa wakas... At *kinarir* pa... Kahit malayo, pinuntahan... Unti-unti na akong nagiging aware sa ilang bahagi ng Manila...
Sa month din na to unang nangyari ang swimming class namin. Nahihiya pa nung una... kasi kelangan naka-swimming trunks kami... AMP...
JULY = I got somewhat *addicted* (take note: "somewhat") to the Sexbomb Girls. I attended 3 mall tours during this month. (July 16, 30 and 31).
AUGUST = Ang continuous struggle para sa Anatomy. Taena naman kasing mga quizzes yan... Bawat meeting na lang... Laging ganun... At Monday na Monday, Anatomy agad ang sasalubong sayo... Hindi nakakatuwa yan.
SEPTEMBER = Nanghihinayang ka? Magsama kayo!!!
OCTOBER = Magsama din kayo nung "kaibigan" mong kinatutuwaan mo!!!
NOVEMBER = O ano? Sana pinakawalan mo na lang ako ng panahon na to para hindi na tayo umabot sa ganito... Bakit ba kasi pinigilan mo pa ako?!
Tungkol naman sa ibang bagay... Sa bandang simula at katapusan ng buwan ay napanood ko ang Sexbomb Dancers sa kanilang mall tours.
DECEMBER = Nilabas na ng Microbio ang kanyang tunay na kulay. Kulay TAE. Anyway, nakakainis at hindi ko nagawang araling maayos ang mga dapat aralin dahil sa late na ibinigay ang mga requirements.
Hmm... medyo nawiwili ako sa bakasyon na to ah... Nakalimutan ko na na pagdating ng pasukan ay impyerno na naman buhay ko.
I was here at 12/30/2004 11:35:17 pm
Isolate this entry
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |