Visit http://paoe.blogdrive.com


Sunday, February 27, 2005
Reklamo o report?

Meron pa rin akong hangover sa napanood kong show ng sessiOnroad.  Gusto ko pa ulit manood.

Anyway...  Final term na.  Malapit nang matapos ang semester na ito.  At matutuwa ako kung matatapos ko ito nang buhay.

Hindi ko malaman kung bakit ngayon ko lang naisipang mag-reklamo tungkol sa schedule ng block namin.

MONDAY

1000-1200 Health Informatics (na wala namang health)
1400-1600 REED (Religious Education)
1700-2000 Physics Lab (physics na pang-engineering courses ata to... nursing naman ang kinukuha ko pero bakit ganyan?)

TUESDAY

Prelim and Midterm:
0800-1800 Health Care II

Final Term:
0730-1930 Health Care II, live in Naic, Cavite

WEDNESDAY

0800-1100 Science, Technology and Society (minor subject na umaastang major)
1200-1500 Health Economics (minor subject na umaastang major din)
1700-2000 Physics Lab

THURSDAY

0800-1100 Microbiology (yan... umasta kang major)
1400-1700 Microbiology Lab
1730-1900 Basic Computer Concepts

FRIDAY

1100-1300 Physical Education (basketball (2x) ansarap-sarap mag-basketball)
1400-1500 REED
1500-1630 Basic Computer Concepts
1700-2000 Speech and Oral Communication

SATURDAY

1200-1500 Physics (physics my ass)

Ngayon naman ang aking mga reklamo...

-- Bakit may Health Informatics pang subject, wala namang nangyayari?  Nag-aaksaya lang kami ng panahon para sa subject na yan every Monday.  Imbis na makapanood ako ng Eat Bulaga!, nasa school na ako ng oras na yan.

-- Bakit laging maaga ang pasok namin araw-araw (except Fridays and Saturdays), tapos gabi pa rin ang uwi?!  Bakit pangit ang schedule namin???

-- Bakit madalas mahahaba ang breaks sa pagitan ng mga subjects?  Imbis na tuluy-tuloy ang mga subjects, merong breaks...  Gabi na tuloy kami nakakauwi.

-- At dahil diyan, may pasok rin kami ng Sabado!  At tanghali pa ang simula AMP!!!  Hindi na naman ako nakakapanood ng Eat Bulaga!


I was here at 2/27/2005 9:31:51 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Saturday, February 26, 2005
Imus to Ortigas to Silang to Imus

sessiOnroad


Napanood ko ulit sila kanina... this time sa Robinsons Galleria naman.  Mga 4:30pm na nagsimula ang performance.

Ito ang kanilang mga inawit:
  • Eager Angels
  • Lullaby
  • Cool Off
  • Sana Naman
  • High
  • Leaving You
  • Suntok sa Buwan

Astig talaga ang bandang ito na binubuo nina Coy, Richard, Chavi, JV at Hannah.

Kumuha na naman ako ng maraming pictures at nagpa-sign ng autograph sa akin dalang T-shirt (LS2K4 t-shirt).  Pina-pirmahan ko rin kay Hannah ang dalawa sa pictures ko sa kanya noong sila'y nag-perform sa Robinsons Dasmariñas.

Kitchie Nadal

Galing Ortigas, dumiretso ako papuntang Silang, Cavite, sa Rogationist College (ang aking dating high school) para mapanood si Kitchie Nadal.

Kaso late na akong dumating.  Ang inabutan ko ay ang third (or second) to the last song.  Nag-tangka pa akong bumili ng ticket kahit patapos na, pero natauhan ako at naisip kong huwag na lang.

Matapos ang concert, nagkaroon ng autograph signing.  Dinumog siya ng mga tao.  Siksikan, tulakan...  Iyan ang aking nasaksihan.  At hindi ako nakisali sa mga nagsisiksikan at nagtutulakan na iyan.

Nasulyapan ko lang si Kitchie.  Maganda pa rin siyempre...  Kukuha pa sana ako ng picture niya kaso biglang humarang ang mga taong sabik.

Manonood na lang ako sa March 5 ng concert ulit niya sa EAC gym sa Dasmariñas.


I was here at 2/26/2005 12:54:45 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, February 21, 2005
sessiOnroad

Yesterday, I watched sessiOnroad perform live in Robinsons Dasmariñas.

Sa iilang mga niyaya kong manood, walang nagpunta.  Hindi lang nila alam kung ano ang pinalampas nila.

Dumating ako sa Robinsons Dasma ng mga 3:30pm.  Bumili muna ako ng film.  Nang pabalik na ako sa venue para umupo, nakasalubong ko ang vocalist ng sessiOnroad na si Hannah Romawac.

Wala masyadong tao nang hindi pa sila nagsisimula, pero nang tumugtog sila, biglang dumami ang mga nanonood.

Nagsimula ang show ng mga 4:15pm.

Ayos.  Tinugtog nila ang mga sumusunod:

  • Eager Angels
  • High
  • Cool Off
  • Sana Naman
  • As We Kiss
  • Leaving You
  • Suntok Sa Buwan

Bumirit ng mahaba at mataas si Hannah sa katapusan ng kanta na "Leaving You", ang kanilang second single mula sa album nila.  Palakpakan ang mga tao (yeah!).

Autograph session.  Kinapalan ko na mukha ko at kumuha na rin ng maraming pictures.  Pati dala kong pouch bag, pinapirmahan ko na rin.

Pagkatapos ng autograph session ay naabutan ko pa si Hannah at ang kanyang mga ka-banda sa may fountain area, hinihintay ang kanilang sasakyan.  Kinausap ko na muna konti...  Nagtanung-tanong...  Astig si Hannah at ang mga ka-banda niya...  Mabait si Hannah... at maganda!  Yeah!


I was here at 2/21/2005 8:32:09 am
Unleashed animals (1)  




Saturday, February 12, 2005
Paramdam lang

   I would like to congratulate my classmates for winning (first place) in the Speech Choir competition held last Thursday.  All of the hardships, sacrifices, sleepless nights, and calories spent have paid off.

   Ang galing... ko!

****

   Nakuha ko na ang resulta ng exam ko sa Microbiology Lecture.  Ang initial score ko ay 59/100, at nagkaroon pa ng mga corrections, at umabot ng 63/100.

   Masaya na sana ako... nang lumipas ang sumunod na araw at sinabing isa lang pala ang correction doon sa exam.  Kaya malamang 59/100 pa rin ang score ko.  Hindi na masama, kumpara last sem na 74% ang nakuha ko sa exam.

****

   Wala kaming PE noong Friday dahil may mga naglalaro galing sa ibang bahagi ng Pilipinas sa Palaruang La Salle.  Sayang naman ang pagdadala ko ng PE uniform at kung anu-ano pa sa araw na iyon.

****

   Ang concert ni Kitchie Nadal ay imu-move sa March 5 (dati ay February 16).  Balita ko ay hindi sa loob ng La Salle gaganapin ang concert kundi sa EAC gym.

   Mayroon ding concert si Kitchie sa Rogationist College sa Silang, Cavite sa Feb. 25, alas-6 ng gabi.  Makapunta nga...

****

   Habang pauwi ako noong Friday, habang naghihintay ng mga pasahero ang driver ng jeep na sinasakyan ko sa may labas ng Robinsons Imus, nakita ko ang isang banner na nakalagay sa may overpass.

"Session Road Mall Tour, Feb.11, 4pm"

   Natuwa ako noong una.  At saka ko lang naisip na Feb.11 na pala, at alas-6 na ng gabi.  Wala na...

I was here at 2/12/2005 5:16:25 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Wednesday, February 09, 2005
Community

Kanina (technically yesterday), ginanap ang unang community exposure namin para sa Health Care subject namin.

Noong una ay naisip ko na tulad lang ito ng NSTP kung saan ang isang grupo (or pair) ay magpupunta sa bawat household para makipagkilala at para makakuha ng impormasyon.

Ang aming community exposure ay ginanap sa Bucana Sasahan, Naic, Cavite.

Nagulat ako nang malaman kong may maa-assign na isang household sa bawat isang mag-aaral.  Buong akala ko mula dati pa ay by pair ang gawaing iyon.

Idagdag pa diyan na kung ano pa ang pinakamahalagang bagay para sa araw na iyon (ang Community Survey Form) ay hindi ko dala, samantalang ang ibang mga handouts na hindi kailangan ay dala ko.

Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa nang malaman ko namang magkakaroon ng "buddy system"...  Kaso na-misinterpret ko, kasi akala ko magkakaroon ako ng kasama sa pagpunta ko sa isang household.

Nakita ko ang iba kong mga kaklase na isa-isang naa-assign, at naiiwan doon sa kanilang assigned household.  Naiisip ko, "Paano na kung ako na ang maiwan?"

At nangyari nga ang ayokong mangyari.  Naiwan ako sa isang household.  Mag-isa lang ako, wala akong kasama.

Pagpasok ko sa na-assign sa aking household, nakita kong maraming tao sa loob na abala sa panonood ng VCD tungkol kay Manny Pacquiao.  Nahirapan akong humanap ng tiyempo paano ko sisimulan silang kausapin, paano ko ipapaliwanag ang dahilan ng aking pagpunta roon, atbp.  Nakinood na lang muna ako... nang naka-turn ang ulo ko ng 100º.

Gusto kong maiyak noong una (oo, iyak, as in "Waaaahhhh!!!") dahil mahina ako sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala (ever since magawa tong bahay namin, hindi ko alam bakit) at dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.  Napaisip ako, "Bakit ako nag-nursing?".  Pero nagawa ko rin silang kausapin kahit papaano at nagawang makipag-kwentuhan para maging palagay ang loob nila sa akin.  Mababait naman ang mga taong nakausap ko doon sa community na yun.

Lunch break.  Sobrang init sa may barangay hall.  Doon kami nag-assemble at doon kami kumain ng aming dalang baon.  Pahinga, kwentuhan, nood TV...  Hanggang sa mag-discuss ang aming instructor tungkol sa magiging output namin pagkatapos ng lahat ng community exposure (after 5 exposures).  Pagkatapos noon ay bumalik kami sa aming respective households.

Umalis kami sa community area ng 4:00pm.  Pero 6:00pm na kami umalis ng Naic.  Sa pagitan ng dalawang oras na yun, naglaro na lang kami (mind games), kumain ng ice cream, nakinig ng music (nahuli amp), kwentuhan, etc.

Na-realize ko lang na gutom ako pagkababa namin sa aming paaralan sa DLS-HSC sa Dasmariñas.

Kumain ako sa KFC.  At dahil sa sobrang gutom ko, marami akong kinain.  Isang Oriental Rice Bowl (ORB), 4 extra rice, isang Chicken Fillet Sandwich at isang large Sprite, dagdagan pa ng tubig na Absolute.  Ang resulta: Disaster.  Sumakit ang sikmura ko.  Takaw ko kasi.

Lessons learned:

  1. (galing kay Aaron) Huwag aasa...  Hindi ka laging mapagbibigyan.
  2. Huwag nang magdala ng maraming pagkain...  Hindi ikaw ang makikinabang.
  3. Nakakasakit ng leeg manood ng VCD ni Manny Pacquiao.
  4. Huwag kakain ng marami...  Mauubos ang pera.
  5. May mas nakakapagod pa pala kaysa sa PE namin.

I was here at 2/9/2005 1:55:37 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Tuesday, February 08, 2005
I want typhoid

Kanina pa ako kumakain ng kung anu-ano sa labas ng aming paaralan.

Cheese corn (mais bits galing sa mainit na tubig added with cheese powder and margarine/butter o kung ano man yung nilalagay na yun), "Hot Shots" (chicken bits na nababalot sa flour), at kwek-kwek senior (tokneneng ba tawag dun? yung malaking itlog na nababalot sa orange...balot)...  Kinain ko lahat yan kanina.

Ang mga pagkaing nabanggit ay nabibili sa labas, kung saan ang mga ito ay exposed sa mga vectors (carriers ng mga pathogenic microorganisms tulad ng mga insects) at sa iba pang vehicles ng transmission ng disease-causing microbes tulad ng hangin.  Hindi rin ligtas ang mga ito sa mga kamay ng mga food handlers dahil ang mga kamay nila ay pugad din ng mga sari-saring mga mikrobyo.

Pero patuloy pa ring tinatangkilik ang mga ito, kahit na ang mga bumibili ay aware sa mga sakit na pwedeng idulot ng mga pagkaing nabibili sa labas.

Totoo nga kaya ang aking naisip na "Kaya masarap ang mga iyan ay dahil madumi."?

Hindi rin ligtas ang mga pagkaing nabibili sa LOOB ng aming paaralan.  Madalas kong nakikita sa mga canteen doon ang mga langaw/bangaw (vectors) na umaaligid sa mga pagkain.

Isisingit ko lang: Bakit madalas atang i-serve sa isang canteen na madalas kong kainan ang pritong arina, pritong goma at pritong buto?

Anyway, masarap nga ba talaga ang marumi?  Bakit may mga taong gustung-gustong dilaan ang mga daliri nila matapos kumain?  Bakit may mga taong ayaw maghugas ng kamay bago kumain?

Hindi ko alam ang sagot.

At may isa pa akong tanong...

Tingnan niyo ulit to...

Q: Anong salita ang nagpapa-bading sa mga driver?
A: "Bayad..."

(Bakit? Pansinin ninyo mga kamay nila pag narinig yan)

Bakit nga ba nababading ang mga driver (particularly mga jeepney drivers) sa salitang iyan?

At para dun sa maangas na umaasa pa...

HOY!!! RESPETO NAMAN!!! SINISIKSIK MO PA SARILI MO... ASA KA PA!!!

I was here at 2/8/2005 12:02:35 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, February 07, 2005
Tapos na ang exams

The exam week is finally over.

Recap tayo.

WEDNESDAY

  • Basic Computer Concepts - Hindi mahirap at hindi rin madali ang exam na to.  Pamatay nga lang dito ang enumeration, dahil wala akong masyadong maisagot sa part ng exam na yun.
  • Microbiology Lecture - Nag-aral lang ako nung break time pagkatapos ng exam sa Computer (9:30am-2:00pm).  At kahit nag-aral ako... mukhang babagsak na naman ako.

THURSDAY

  • Science, Technology, and Society - This time around, mas madali ang naging exam.  Noong prelim, puro mga tao at mga dates AMP...  Ngayon puro diagnostic at treatment techonology plus biotechnology and genetics.  Puro terms.  Mukhang papasa naman.  Sana.
  • Speech - Nag-aral lang ako dito nung break time (ulit).  Pero hindi ko sinulit ang oras dahil nung last 2 hours na lang ako nagbasa ng handouts.  Nag-internet lang ako bago ako nag-aral.  Wahahaha.
  • REED - Walang exam.  Exempted kaming lahat sabi ni Sir Madison Valera.

FRIDAY

  • Health Care - Ayos, hindi ko nagawang mag-aral dahil nagising na ako ng 5am kung kelan dapat mag-aaral ako ng mga 1am.  Kumaunti ang items ng exam compared last term.  Nung prelim, 130 items lahat.  Ngayon, 100 items na lang.  Pero... mahirap pa rin.  Lumampas pa rin ng isang oras ang oras na aking iginugol para sa exam.  Mukhang... tagilid ako sa exam na to ah...
  • Health Economics - Nag-aral lang ako sa 2 hour break namin matapos ang exam sa Health Care.  Magna Carta (manyakarta), Supply of Health Services, Demographic Transition...  Hmmm ok naman ang exam...  Sana pasado.

SATURDAY

  • Physics Lecture - Applying the concepts (multiple choice), parallel exercises (mga problems na madali lang i-solve), at problem solving (problema talaga).  Nung wala na akong maisagot sa Problem Solving, nag-imbento ako ng sarili kong paraan ng pagsagot.

 

Isipin to...

Q: Anong salita ang nagpapa-bading sa mga jeepney driver?
A: "Bayad..."

(Bakit? Pansinin ninyo mga kamay nila...)







I was here at 2/7/2005 12:24:02 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Tuesday, February 01, 2005
Taytayojan

Namp...  Nagulat ako pagka-receive ko sa test paper ko sa Microbiology Lab.

I scanned the whole exam, only to find out that my chances of passing the damned exam is very slim.  (naks English yun ah)

Bumati sa akin ang isang graph na gagawing basehan ng mga susunod na 10 tanong.  Multiple choice, pero wala akong masagot.

Hindi mahirap ang exam.  Hindi ko lang talaga alam ang sagot.

At nang makita kong may part dun tungkol sa Phenol Coefficient, na 20 points ang computation, naisip ko na lang "Namp... Hindi ko to alam...".  Pinilit kong gawan ng paraan ang bahagi ng exam na iyon dahil sayang naman kung wala akong isasagot.  Nag-analyze akong maigi.  At muntik ko nang makuha ang tamang proseso...  Muntik lang.

May pina-drawing pa.  Iguhit daw namin ang itsura ng mga microbes na tumubo sa loob ng kung ano man tawag sa tube na yun.

May analysis pa.

Hindi naman ako magiging isang microbiologist e...

(sorry bitter ako)

Bukas ay exam naman namin sa Basic Computer Concepts saka Microbiology Lecture.  May assignment pa nga pala sa Computer na hindi ko pa nagagawa dahil hindi ako marunong gumamit ng Microsoft Excel (kawawang nilalang.)

Tingnan ko kung saan ako mapapadpad sa exam sa Microbio bukas.

I was here at 2/1/2005 10:26:49 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Sunday, January 30, 2005
The week which is spelled H-E-L-L

Isipin niyo mga nangyari sa akin...  Maki-simpatiya kayo...

MONDAY.  Wala pa masyadong naging problema ng araw na to...  Maliban na lang sa biglaang requirement sa REED (Religious Education) na dalawang 1-page reflection papers, at isama na rin ang isang 3-page reflection paper na ipapasa sa Friday.  Ang naging concern ko lang ay ang exam sa Health Care sa susunod na araw.  Plano ko na mag-aral nang madaling araw, pero...

TUESDAY.  Tuluy-tuloy ang naging tulog ko, at hindi ko na nagawang mag-aral pa para sa Health Care.  5:00am na nang ako'y nagising, at kailangan by 6:00am ay kumikilos na ako para hindi ako ma-late (minsan lang mangyari na hindi ako ma-late.)  Isang oras lang ang pwede kong ilaan para sa pag-aaral (na hindi ko rin na-maximize.)  Hindi naman nag-exam agad pagdating ko.  Pero isang masamang pangitain nang makita kong pina-photocopy ang exam para sa topic na COMMUNICABLE DISEASES.  At isa pang naging problema ko ay nakakatulog ako sa klase...  Nasa harap pa man din ako...  Naging concern ko naman sa katapusan ng araw na to ang part ko para sa project sa Health Economics, ang quiz sa STS at Economics (STS lang ang natuloy) at ang major exam sa Physics Lab.

WEDNESDAY.  Hindi ko na naman nagawang mag-aral dahil nakatulog ako.  Paggising ko ng 5:00am, ini-scan ko yung handouts ko sa STS (Science, Technology and Society.)  Mahaba yun, pero siniksik ko na naman sa isang oras.  Mukhang pasado naman ako sa exam.

Sa lunch break namin na isang oras lamang, pina-burn namin ang PowerPoint Presentation para sa project sa Health Economics.  Kung saan-saan pang mga computer shops kami napadpad para lang bumili ng CD-R at para magpa-burn.

Tila ninakawan ako ng P40 sa isang computer shop (itago natin sa pangalang Paperport), dahil bumili ako ng highlighter na wax ata yun na P10 lang ang benta nila (sa National Bookstore P8.50 lang).  Nagbayad ako ng P50, pero sinukli sa akin ay P10 lang.  Bente pesos lang daw ang ibinayad ako.  Kahit iginiit kong singkwenta binigay ko, walang nangyayari.  Bahala na si Lord kung ano dapat gawin sa cashier na yun...

Hindi natuloy ang presentation ng project sa Health Economics dahil walang LCD projector.

Major exam sa Physics Lab.  Sobrang hirap para sa tulad kong hindi nerd.  At nakakasama pa ng loob na habang karamihan sa amin ay nakasimangot habang nagsasagot, ang kabilang klase ay tapos na, nakangiti pa.

Para sa susunod na araw, exam naman sa Microbiology at lab report.

THURSDAY.  Yehey!  Hindi na naman ako nakapag-aral.  Kaya pagdating ng exam, bagsak na naman ako.

Submission pala ng course requirement sa Microbio Lec.  Wala akong kaalam-alam.  Binalak kong gumawa sa Virtus Blaze computer shop (from scratch), pero tinamad ako.  Pwede pa naman daw kinabukasan, kaya tumigil na ako sa paggawa.

At may quiz daw sa Microbio Lab sa hapon.

Nagbayad ako ng tuition.  Sa araw na ito ay nanakawan naman ako ng P100.  Nadagdagan ang binayaran ko ng P100 nang hindi ko nalalaman kung bakit, samantalang kumpleto naman lagi ang ibinabayad ko bawat term.  Naisip ko tuloy na may multa pala ang pagtulog sa klase.

At kopyahan na naman ng sagot para sa Microbio lab manual.  Inabot kami ng 2:15pm.  Ang Microbio Lab namin talaga ay 2:00pm.  Na-bad trip ang professor namin (pero hindi halata sa mukha) at hindi kami pinayagang kumuha ng quiz.  Pero lumambot din ang puso at pinakuha kaming mga late ng 10-point quiz, na binubuo ng dalawang tanong (na hindi ko rin nasagot nang tama.)

Sarap talagang kumain matapos ang Microbio Lab.

FRIDAY.  Balak ko talagang gumawa ng reflection papers at project sa Microbiology nang madaling araw.  Pero 5:00am na naman ako nagising.  At nagawa kong matapos ang lahat ng ginawa ko by 9:00am.  Hindi ko ma-print dito sa amin, kaya kinailangan ko pang pumunta ng computer shop para magpa-print.  Wala akong diskette, kaya sinend ko sa email ko.

Binilisan ko nang kaunti kilos ko, at by 10:45am nasa EMANET na ako (computer shop sa tapat ng Angelo King building) para i-download ang project ko para i-print.  Sira ang unang computer na napuntahan ko, kaya lumipat ako.  Na-download ko na, at ipapa-print na.  Sabi ng tao dun, i-save ko na lang sa diskette na ipo-provide niya.  Ang problema, hindi nare-recognize ng computer na may diskette na nakasaksak.  Ubos na allowance kong oras, dahil PE namin ng 11:00am.

Hindi pa ako nagba-basketball, pagod na ako.

Mabuti't hindi natuloy ang mga mala-sadistang mga pangyayari na nakatakda para sa araw na iyon tulad ng long quiz sa REED at quiz sa Computer.


SATURDAY.  Quiz namin sa Physics.  Pero dahil maraming nagtatanong sa professor namin, at obvious ang lantarang kopyahan, ginawa na lang seatwork.

I was here at 1/30/2005 1:09:41 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Sunday, January 23, 2005
.

Here is one of my the best/worst stories I have ever written...  Read on...  The following program may contain scenes not suitable for very young audiences.  Parental guidance is recommended.

TODAY ON KEO'S BLOG...

BURGER MACHINE... THE STORY

This story is about my face to face encounter with a burger from Burger Machine. The burger is oily, and so is my face, leading to a battle between me and the burger (oh... crap). Here it goes...

----PART 1----

   Aking mapag-alaman na ang ating minamahal na burger ay hindi pala ganoong kaganda sa ating kalusugan. Napag-isip-isip kong muli ang article na nabasa ko tungkol dito habang ako'y nasa isang branch ng Burger Machine malapit sa may DLSU-HSC (katabi ng Max-Zel Burger na nagsara kasi nalugi ata). Naroon kami kasama ng mga kaibigan ko dahil gusto nilang kumain.

   Ang burger patty na ginagamit sa burger ay maaaring maging 'worst type of meat' na pwede ninyong kainin. Bakit kanyo? Gawa kasi iyon sa mga karneng mababa ang kalidad. Iyon ay mga leftover meat, plus fat and ligaments. ang mga patties na ito ay ground, para di makita ang orihinal nitong anyo. Katulad din ito ng sausages, longganisa at liver spread. Kaya mura ang mga burger.

   Masarap ang burgers dahil sa taglay nitong taba. Ang taba ang nagpapasarap sa karamihan ng mga kinakain natin. Ngunit alam naman natin na ang sobrang taba ay hindi maganda para sa ating kalusugan. Baka nga pwede nang label-an ang Big Mac ng "This hamburger is dangerous to your health." Haayy...

   Ayan, luto na ang burger na in-order ng mga kasama ko. Tsk tsk.. ano ba naman yan.. Di ko na kaya to. Nararamdaman kong may dapat akong gawin. Dapat akong kumilos. Dapat sundin ko ang aking nararamdaman!

   "Ate, isang Jumbo Hot Pepper Burger nga, at isang Pepsi!"

----PART 2----

   Niluto na ni Ate ang burger. Kitang-kita ko ang hitsura nung burger patty nang ilabas galing sa refrigerator. Hindi ito masyadong kanais-nais sa paningin. Nabasa ko pa nga sa isang diyaryo na "it takes less than 30 seconds to turn a greenish McDo hamburger patty to the brown meat we eat." Yung sa Burger Machine ay pale brown nung hindi pa luto, pero di pa rin kanais-nais tingnan.

   Sure, mabango nga ang amoy nung burger habang niluluto. Ngunit in-obserbahan kong mabuti ang burger patty habang niluluto. Ipinatong ito sa grill na di man nilalagyan ng kahit konting mantika. Ang mantika ay nagmula mismo dun sa burger patty. Kitang-kita na nangingintab ito sa langis. Isang pruweba na ang burger patty ay loaded with unhealthy fat.

Ang fat ay nahahati sa 3 uri:

1. Saturated Fat. Ito ang mga fat na solid at room temperature. Nakakapagpataas ito ng blood cholesterol levels na maaaring mauwi sa atake sa puso. Ang halimbawa ng mga pagkaing mataas sa ganitong fat ay bacon, beef, butter at cheese.

2. Polyunsaturated Fat. Ang mga ito ay liquid at room temperature. Nakakatulong ang mga ito sa pagpapababa ng blood cholesterol levels, pero ang excessive intake nito ay maaaring mauwi sa gallbladder disease at ibang uri ng cancer. Mga halimbawa ng mga pagkukunan nito ay mayonnaise, salad dressing, soft margarine at salmon.

3. Monounsaturated Fat. Ang mga ito ay liquid at room temperature pero nagiging partly solid
when chilled. Nakakatuolg din ito ng pagpapababa ng blood cholesterol levels. pero too much fat is bad. Examples ng mga pagkaing mayaman sa ganito ay almonds, peanuts at chicken fat.

Luto na ang burger. Iniabot na sa akin ni Ate ang burger at binigay ko naman ang bayad ko. There's no turning back, naluto na e. Habang hawak ko ang burger ay maraming gumugulo sa isip ko na para bang pumipigil sa akin sa pagkain nito.

Nag-isip akong mabuti. Ayokong magkaroon ng maling desisyon. Ayun, sumagi rin sa isip ko
ang dapat kong gawin.

"Ate, palagyan na rin ng cheese!"

----PART 3----

   Nilagyan ni ate ng cheese ang burger. Di ko na lam ang gagawin ko. Napakalakas ng puwersa ng burger na ito na para bang inuutos sa akin na "KAININ MO AKO!" kahit alam kong ito'y mamantika at maraming unhealthy fats. Sinubukan kong labanan ang temptation.

   Pero ano pang magagawa ko?! Hawak ko na ang burger. Naaamoy ko ang aroma (aroma?!) ng burger na hawak ko. Mainit-init pa. Kulang na lang talaga ay kagatan ko na ang burger para ma-satisfy na ang aking craving. Parang automatic na isinubo ng aking braso't kamay ang burger sa aking bibig. "Aawwrmm" (tunog ng kagat yun). Nginuya-nguya ko. Sarap. Sinundan ko ulit ng isa pang kagat, hanggang sa naubos ang burger.

   Natahimik ako sandali at naisip kung ano ba itong ipinasok ko sa katawan ko. Burger patty na siksik sa taba, mantika, mga ligaments at mga bahagi ng meat na hindi pumasa para maging steak o ano mga premium cuts.

   Naubos ko ang burger, pero hindi ako masaya. I felt empty inside. Bumalik ako sa classroom namin na dala-dala sa isip ko ang mga bagay na ito. Huli na nang ma-realize kong... "Anak ng... di ko napalagyan ng coleslaw!!!"


I was here at 1/23/2005 11:01:06 pm
Unleashed animals (1)  




Next Page

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed