Visit http://paoe.blogdrive.com


Wednesday, March 23, 2005
2nd year professors

1st semester

Sir Orpia (Anatomy) - mabait, considerate pagdating sa grades at exams; mahinahon; minsan nga lang nagkakaroon siya ng error sa speech (e.g. "yung... yung... yung... yung...")

Ma'am Dimas (Anatomy) - nakakaantok ang boses; sadista magbigay ng exams (mahaba at mahirap na exams)

Sir Rebuyas (PE-swimming) - kamukha ni Jose Gregorio Manaig; minsan lang magbabad sa swimming pool, mataas magbigay ng grades

Sir Guapo (Basic Statistics) - hindi pinapansin ang mga nagtatanong na mga lalaki, pero ngumingiti pag babae ang nagtatanong tungkol sa lesson; walang pakialam kung maingay ang klase

Sir Obligado (Phil. Government with Constitution) - kamukha si Papa Jesus; mahilig magpa-recitation na hindi masasagot kung hindi mo nagawang buklatin ang aklat (oo, aklat); sadista magbigay ng major exam (essay type palagi)

Sir Binavente (Phil. Literature) - mahilig magbigay ng mga tanong na mahirap sagutin; madali lang magbigay ng major exam; mababa magbigay ng grades lalo na sa mga assignments; minsan nakakaloko ang mga facial expressions

Ma'am Martin (Health Ethics) - mabait; wala masyadong pakialam kung may mga maingay sa klase; medyo madali magpa-exam, basta nag-aral ka pasado ka na; magaling mag-discuss, kaso nagpa-report na nga lang noong final term

 

Sir Papa (Health Care I) - professional ang image na pino-project; magaling mag-discuss; approachable; nakaka-intimidate minsan; kaso sa kalagitnaan ng semester umalis papuntang... hindi ko alam, abroad ata (hirap talaga pag magaling, napupunta sa ibang bansa)

Ma'am Rodriguez (Health Care I) - mabait, pero sabi ng iba mataray daw (?); laging ngumingiti; umalis din papuntang abroad

Ma'am Icasa (Health Care I) - sobrang bait, hindi strict, kaya may mga umaabuso

Sir Lepardo (REED103) - magaling mag-discuss at mag-kuwento, pero hindi lumalabas sa exams ang mga ine-explain niya

Ma'am Parot (Health Care I) - isa sa mga pumalit sa mga umalis na professors; magaling mag-explain; mahirap magpa-quiz lalo na pag na-bad trip

Sir Barlis (Health Care I) - isa rin sa mga pumalit; maangas ang unang projected image niya; magaling mag-discuss ng Health Care; madali magpa-quiz (pero isang beses lang ata namin siya naging professor)

 

Ma'am San Juan (Health Care I) - isa sa mga pumalit; "Ma'am Two-man Carry"

 

Ma'am Elema (Health Care I) - isa sa mga pumalit; hindi ko matandaan kung yan nga surname niya; may pagka-moody at nagawang barahin ang isa sa mga estudyante;

 

 

2nd semester

 

Sir Valera (REED104) - muling nagbalik; kamukha ni Vic Sotto at ng lalake sa commercial ng Del fabric softener; magaling mag-explain kaso wala masyadong nakikinig sa kanya; minsan mainit ang ulo; nakakaloko ang ngiti; mahirap gawin ang requirements niya; nagbigay ng exemptions

Ma'am Alcantara (Physics Lab) - nerd; walang pakialam kung maingay o nagkokopyahan ang klase... gumaganti na lang sa pamamagitan ng mga binibigay niyang mga seatworks at quizzes; nakikisama sa mga estudyante

Sir Vibal (Physics Lab) - hindi ko to naging professor, kasi sa kabilang half ng section namin siya nagturo; nakakaloko ang ngiti

Ma'am Dimas (Health Care II) - mas magaling magturo ng Health Care kesa Anatomy (oo, "kesa")... Pero nakakaantok rin naman talaga kasi ang Anatomy kaya ganun; sadista magbigay ng quizzes; palaban pag na-insulto

Ma'am De Leon (Health Care II) - magaling mag-explain; sadista rin magbigay ng exams; medyo masungit

Ma'am Icasa (Health Care II) - ang facilitator ng group na kinabibilangan ko para sa Community Exposure (naiinggit yung ibang groups)

Ma'am Sta. Maria (Health Care II) - mabait, ayos ding magturo

Ma'am Sta. Maria (Science, Technology and Society) - mahirap ang mga hinihingi niyang requirements (pero ganun ata talaga sa lahat ng sections... ewan ko lang); madali lang magpa-exam

Sir Barlis (Health Economics) - mahilig sa mga jokes na suggestive (define suggestive) para manatiling gising ang mga estudyante dahil nakaka-antok ang subject na economics (natapat pa ng tanghali hanggang hapon); kinaiinisan ng ilan (particularly mga babae) dahil sa mga jokes niyang medyo green; astig ang boses; sa kanya ko natutunan kung ano lang ang hindi tumataas

Ma'am Doctor (Microbiology) - mahirap magpa-exam; mahilig magpa-report; sadista magbigay ng mga tanong sa mga reporters; magaling magturo kaso masyadong mabilis; aming-amin ang mga microorganisms ("YOUR S. aureus, YOUR E.coli, YOUR... YOUR... YOUR!!!")

Ma'am America (Microbiology-Lab) - nasa Philippines; hindi madaling magalit... kung magalit man, hindi pa rin makikita sa mukha; nakakagulat magbigay ng grades dahil mataas sa ine-expect ang binibigay

Sir Doctor (Computer) - mabait; pasensyoso; medyo mahirap ang mga long quizzes niya pero ok na rin

Sir Pugay (PE-basketball) - kamukha daw ni Eddie Garcia; nagturo sa amin ng mga stretching exercises at basics ng basketball

Sir Ignacio (Speech) - magaling mag-English; nakikisama sa mga estudyante; ....

Sir Basila (Physics) - mahina ang boses; hindi nagagalit kahit maingay ang klase




I was here at 3/23/2005 7:24:33 pm
Unleashed animals (1)  




Tuesday, March 22, 2005
Ito...

Qualifying exams are over, the whole second year is over, and I am over.

Let me take you to the world I was in these past days...

FRIDAY

May must-attend activity kami na ginanap sa Volet's Resort.  Ang mga hindi um-attend ay may pabaon umanong "Good luck" mula sa authority.  Hindi ko alam kung totoo ba ito o isa lamang alamat.

May program sa simula.  Ang natatandaan ko lang sa mga nangyari doon ay ang solo dance number ng isang estudyante (magaling... humanga ako) at ang intermission ng mga bagong halal at mga lumang halal na mga officers ng Student Council (nanyo!).

Wala talaga akong balak na mag-swimming noon.  Pero nagbago isip ko nang malaman kong marami-rami rin pala ang mga may balak mag-swimming.  Dahil wala akong dalang kahit anong pampalit, bumili ako ng shorts sa Kadiwa sa halagang P80.  Ayan, may pampalit na ako sa t-shirt at pants ko.

Hinayaan na kaming mag-swimming noong bandang hapon na.  Masarap salubungin ang waves sa pool nang nakatayo lang.


SATURDAY

Ang plano ko ay mag-aral na para sa qualifying exams na gaganapin sa darating na Lunes.  Pero 4:00pm ko lang naisipang ayusin ang mga handouts/hands out na kailangan ko para sa review.  Nagkaroon ng handout segregation sa kuwarto ko.  Matapos kong magsimba nang 6:15pm-7:30pm, hindi ko na nagawang mag-aral dahil tinamad ako.  Napag-desisyunan ko na lang na sa kinabukasan na lang ako mag-aaral.  Pero biglang nagkaroon ng konting burst ng kasipagan, kaya ini-scan ko ang notes ko sa Health Care I.

SUNDAY

Plano ko ay mag-aral nang todo.  Kaso naisip ko na panonoorin ko muna ang laban ni Manny Pacquiao.

Dapat nga ay pupunta akong Sta. Rosa, Laguna ng araw na to para panoorin ang sessiOnroad nang live ulit, pero hindi ako natuloy at naisip kong dapat mag-aral ako.  Pero hindi rin ako nakapag-aral.

Umabot na ng 9:00pm pero wala pa rin akong naaaral bukod sa mga na-scan kong notes sa Health Care I kinagabihan at habang commercials sa pagitan ng mga rounds ng laban ni Manny Pacquiao.  Nakapagbasa pa ako ng kaunti para sa Health Ethics at Socio-Anthropology.  At nakatulog na ako.

MONDAY

Nagising ako ng mga bandang 3:00am, at inisip ko kung mag-aaral ba ako para sa Anatomy.  Pero umiral ang katamaran ko at natulog na lang ulit.

Bago ako umalis nang bahay para pumunta na ng school at mag-exam, nagawa ko pang buklatin ang makapal at mabigat na libro ko sa Anatomy.  Yun nga lang, binuklat ko lang.

Set A ng exam ay mga major subjects, kasama na rin ang mga subjects na umaastang major.

Evaluation ko sa mga items na lumabas per subject ng Set A exam:

HEALTH CARE - Medyo madali, dahil karamihan sa mga lumabas ay alam ko ang mga sagot (stock knowledge at dahil sa pag-scan ko ng notes)

MICROBIOLOGY - Isa itong malaking AMP.  Pagkatapos ng mga 60 items ng Health Care, biglang lumabas ang mga tanong tungkol sa Microbiology without warning.  Wala lang, nagulat lang ako.  At siyempre wala akong maisagot sa mga tanong kaya nanghula na lang ako.

HEALTH ECONOMICS - Medyo madali rin...  Wala nga lang tanong na ganito ang thought: "Alin sa mga sumusunod ang hindi tumataas?"

SCIENCE, TECHNOLOGY AND SOCIETY - AMP.  Para itong History na puro pangalan at kung anu-anong ka-ewanan.

HEALTH ETHICS - Yeah.  Ito ang pinakamadali sa lahat.  At ito rin ang pinaka-kaunti ang items.

ANATOMY - May mga tanong na mahirap, may mga tanong na madali.  Sige na nga, mahirap na.

Sumunod naman ang Set B exam, na naglalaman naman ng mga tanong galing sa mga minor subjects.

PSYCHOLOGY - Mga tanong mula rito ang unang lumabas sa exam.  Hindi ko ito naaral kaya wala akong naisagot masyado.  Puro hula.

LOGIC - Isa pa to.  Wala rin akong masagot dahil wala akong alam.

CONSTITUTION - May mga items na nagawa kong sagutan with an amount of certainty.  Very good.

PHILIPPINE HISTORY - Ironically, halos lahat ng tanong dito ay nasagutan ko, kahit na ito ang pinaka-ayokong subject sa lahat.

COLLEGE ALGEBRA - Lumabas na naman ang pagiging henyo ko dito.  Pero... wala lang...  Mga simpleng tanong lang ang lumabas e...

BASIC STATISTICS - Basic... YOUR ASS!!!  Wala akong maisagot dito...  Variance, standard deviation... YOUR ASS!!!

CHEMISTRY - Walang computations.  Buti naman.

PHYSICS - Wala ring computations (meron ba?)...  Ayaw ko rin sa subject na to pero marami akong nasagot.

BIOLOGY - Ang mga questions dito ay para ring sa Anatomy kaya medyo madali na rin... ata.

SOCIO-ANTHROPOLOGY - Nakakainis yung choices.  Parang more than 1 answer/choice kasi ang applicable sa supplied statements.

Sa dalawang exams, medyo satisfied naman ako sa naging performance ko.  Sana enough na yun para sa mga sadistang evaluators at staff ng College of Nursing.  I know I could have done better, pero...  Yun na yun.

May swimming (overnight) pagkatapos ng qualifying exams sa Double V Resort.  At kaninang 7:00pm lang ako nakauwi.

 


I was here at 3/22/2005 10:21:16 pm
Unleashed animals (2)  




Saturday, March 19, 2005
SUN Cellular

Sun Cellular has recently launched the new 24/7 Unlimited Text service.  And there are several changes along with the launch of the said service.

24/7 Call and Text Unlimited

P100 = unlimited calls and text for 7 days
P350 = unlimited calls and text for 30 days

To purchase 24/7 Call & Text Unlimited valid for 7 days:
text CTU <space> 7 & send to 247

To purchase 24/7 Call & Text Unlimited valid for 30 days:
text CTU <space> 30 & send to 247

24/7 Text Unlimited

P50 = good for 7 days
P150 = good for 30 days

To purchase 24/7 Text Unlimited valid for 7 days:
text TU <space> 7 & send to 247

To purchase 24/7 Text Unlimited valid for 7 days:
text TU <space> 7 & send to 247


Some may complain because of the price increase, but this is a move done by the network for them to be able to expand their network and accomodate more subscribers and be able to offer quality service.  Currently the network is still suffering from congestion because of the sudden increase in the number of subscribers.

Before the year ends, it is expected that the network will be able to accomodate 6 million subscribers.  Right now the network can only handle 2 million subscribers, and the number is still increasing.


I was here at 3/19/2005 3:12:34 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Thursday, March 17, 2005
Game Over... Continue? 9... 8... 7... 6...

Technically, the second semester, and more importantly the second year of my college life is over.  But problems aren't over yet.  I, along with my batchmates, blockmates, seatmates and cheatmates, still have to overcome a big obstacle.  It's not the summer class (although it is also a problem)... It's the qualifying exam.  It seems that our school is really decided in kicking our asses off the Health Sciences Campus turf.

Ayoko nang mag-English.

Bukas ay kailangan naming pumunta sa isang compulsory activity sa isang resort na malapit sa school namin.  Imbis na makapagpahinga kami at makapag-aral para sa qualifying exams, nandun kami.  At may mangyayari daw na hindi kanais-nais kapag hindi kami pumunta.  Nanyo...!!!

****

Hindi ko nagawang mag-aral para sa exam namin kanina sa Microbiology.  Nang magising ako ng madaling araw, sinubukan kong mag-aral, pero walang pumapasok sa isip ko, at naaasar na rin ako, kaya natulog na lang ulit ako.

Mahirap ang exam para sa mga hindi nakapag-aral tulad ko.  Siguradong bagsak ako.  Kaya hindi na rin ako sigurado kung sa La Salle pa ba ako magpapatuloy ng nursing.

****

Clearance.  Kailangan naming ma-complete ang clearance para kami ay... ma-clear.  Pabalik-balik kami kung saan-saan para makakuha ng mga pirma ng mga kinauukulan.  Nakakapagod.  At may mga kulang pa akong pirma.  Tatapusin ko na lang siguro bukas.

****

Tapos na ang sem.  Anu-ano ba ang mga natutunan ko sa mga subjects na kinuha ko?  Ito ang aking mga natutunan sa bawat subjects ko:

HEALTH INFORMATICS
- networking
- proper etiquettes when using the Internet
- natuto akong mag-isip kung bakit pinapasukan ko pa tong subject na to

REED
- kung paano magpahaba ng reflection paper na iisa lang naman ang content

PHYSICS LAB
- kung paano mag-harvest ng mga sagot mula sa ibang estudyante
- paano mag-ubos ng oras pag walang masagot sa mga seatworks at tests

HEALTH CARE
- paano kumausap sa mga hindi kilala
- paano lutasan ang walang kamatayang problema na dulot ng mga quizzes nina Ma'am Dimas at Ma'am De Leon

STS
- paano gumawa ng mga written documentation mag-isa
- paano magmakaawa sa mga groupmates na tulungan ako
- paano gumawa ng PowerPoint for the first time nang mag-isa

HEALTH ECONOMICS
- paano mag-compute ng taxable income, etc.
- kung ano lang ang hindi tumataas

MICROBIOLOGY
- wala akong natutunan

MICROBIOLOGY LAB
- paano maglinis ng mga agar plates at mga tubes na naglalaman ng mga specimen

BASIC COMPUTER CONCEPTS
- paano gumamit ng Excel at PowerPoint (isa akong mangmang)

PE
- paano pataubin si Maynard sa 3-pt shooting

SPEECH
- paano magsalita sa harap ng camera
- paano mag-readers theater
- paano mag-dub
- paano mag-isip ng mga kailangang sabihin on the spot

PHYSICS LECTURE
- paano mangopya

****

Bukod pa sa mga nabanggit sa taas, may mga iba pang mga bagay akong natutunan sa nagdaang sem.

1. paano pumunta sa Hotel Intercontinental at Hyatt Regency Hotel
2. paano umuwi nang madaling araw
3. paano mag-handle ng mga problemang sobrang bigat na sabay-sabay dumarating (pero bulok pa rin ako pagdating sa ganyan)
4. paano makipagtalo sa mga taong oportunista at mga feeling
5. paano maging late sa klase
6. kung ano ang ibig sabihin ng "out of pocket"
7. kung ano ang kukratch, jenny pig at keriyoki
8. na ating-atin pala ang mga E.coli, ang S. aureus, at iba pa
9. kung ano ang Maneds Helt Kerr
10. kung bakit bawal tumayo sa may shore ng dagat sa Naic

Wala na akong maisip...  Hindi ako makapag-isip nang ayos...  Nalulungkot kasi ako...  This was not the way I wanted things to be...  Umuwi na naman tuloy akong mag-isa pagkatapos ng exams...  Akala ko pa naman uuwi akong masaya...  WAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!

At isa pa ulit...  HUWAG NIYO I-SET SA WARM ANG AIRCON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

I was here at 3/17/2005 5:12:08 pm
Unleashed animals (1)  




Wednesday, March 16, 2005
Basahin mo... kahit yung pangalawa lang

Hindi ko na nagawang mag-aral para sa exam namin sa Science, Technology and Society at sa Health Economics dahil gustong bumawi ng katawan ko ng tulog.  Nag-decide ako na matulog sandali at pagkagising saka magre-review, pero ang nangyari ay natulog na lang ako nang tuluy-tuloy.  Very good.  Palakpakan.

Exempted naman ako sa exam namin sa Computer.  Nag-aral na lang ako nang kaunti sa library bago mag-exam.

Medyo madali ang exam sa STS.  Kaso may sinamang mga items tungkol sa mga topics noong midterm.

Pagkatapos ay pina-print ko ang part ko para sa project namin sa Health Economics dahil deadline na (hindi pala napasama sa diskette yung ginawa ko), at pina-print ko na rin ang ilan pang pages ng project namin.  Yeah, para na rin akong kumain ng lunch dahil sa naging gastos ko.

At nahirapan ako sa exam sa Health Economics, dahil na rin sa hindi ko nagawang mag-aral nang mabuti para dito.

Bukas na ang last exam namin.  Exempted nga pala ako sa REED exam.

****

Hindi ko maintindihan...

Sa aming room ay mayroong dalawang aircon.  May mga tao na ayaw nalalamigan kaya pinapatay ang isa sa mga aircon para hindi masyadong malamig.

Pero may mga tao na hindi ko malaman kung ano ba talaga gusto nilang mangyari na patay na nga ang isang aircon, itotodo pa sa WARM ang temperature ng isa pang aircon...

Meron namang mga engot na sa FAN lang nakalagay habang patay ang isang aircon...

At ang masama pa diyan ay may mga pagkakataon ding parehong naka-ON ang aircon...  At naka-todo sa WARM...

Tang ina...

I was here at 3/16/2005 7:02:24 pm
Unleashed animals (2)  




Tuesday, March 15, 2005
Good morning Keo!

Pagkatapos ko gumawa ng requirements kaninang madaling araw, ako'y nag-aral na at natulog ng mga 5:30am.  Gumising ako ng 6:00am para kumain, at natapos ng 6:10am.  Tutal maaga pa, natulog na muna ako dahil inaantok pa rin ako.  At nagising na lang ako ng 6:45am.  Hindi pa ako kumilos ng lagay na yan kaya 6:50am na ako nakabangon.

As expected, late na ako nakaalis sa amin.  At late na rin ako dumating.  Dire-diretso ako sa CNM 9, dahil akala ko ito ang aming testing room.  Hindi ko na tiningnan ang mga estudyante sa loob sa pag-aakalang mga kaklase ko ang nasa loob.  At pagbukas ko ng pinto...
"Boom... hindi ko kilala ang mga to...!!!"

Medyo na-taranta na ako dahil late na nga ako para sa exam namin sa Health Care.  Naisipan kong tumawag sa mga kaklase ko, pero hindi sinagot ang tawag ko kasi simula na nga ng exam.

At saka ko naisipang pumunta ng faculty room.  Bago pa ako nakarating doon ay nakasalubong ko si Ma'am Alico (Level 2 coordinator), at tinanong ko kung saan ang testing room namin.  Sa CNM 15 daw.  At takbo ako papunta doon.

Madali lang ang exam sa Health Care, kahit na may iilang items na medyo nakaka-tanga.

At sunod naman ang SADISTANG exam sa Microbiology Lab.  Si Mr. Norbel Tabo na naman ang gumawa ng exam kaya mahirap.  Gusto kong umiyak, gusto kong magwala kanina.  Pero ngumiti na lang ako habang binubulong ang
"tang ina..."
 

I was here at 3/15/2005 9:48:28 pm
Unleashed animals (1)  

Wala

Exam week na.  Pero hindi ko pa rin maintindihan bakit tuwing final exams na saka sila magbibigay ng sangkatutak (hindi ko alam meaning niyan) na mga requirements.  Ganito rin noong midterm, noong prelim, noong 2nd year 1st sem, noong 1st year 2nd sem, noong 1st year 1st sem, at noong 4th year HS.  Pati na rin 3rd year, 2nd year at 1st year.

Kaya imbis na nakapag-aral na ako (matapos kong manood ng No Way Out at matulog), ay gumagawa ako ngayon ng requirements.  Sadista talaga tong mga professors namin.  Nanyo!!!!

Wala lang.

Exempted nga pala ako sa Computer final exam.

****

Sa isang fast food chain... na naman... matapos kausapin ang manager:

CUSTOMER:  "O siya sige, patatawarin ko kayo...  Sa susunod ayusin niyo ha..."

MANAGER:  "Pasensya na po...  Sige po kayo po ang bahala..."

(at palabas na ng fast food chain ang customer)

GUARD:  "Thank you sir...  Come again!"

CUSTOMER:  "Anak naman ng...  Kaka-punta ko pa lang pababalikin niyo na naman ako?!  Wala na akong pera!!!  Ganyan ba kayo ka-gipit ngayon?!"

I was here at 3/15/2005 3:32:22 am
Unleashed animals (2)  




Saturday, March 12, 2005
Fast food

Sa isang fast food chain, matapos pumila nang matagal at turn mo na para um-order...

BABAE SA COUNTER: "Good evening po...  Ano pong order nila?"

CUSTOMER: "Anak ng... Hindi ko alam!  Hindi ko naman kilala yang mga yan e, tapos sa akin mo tinatanong?!  At teka, bakit order nila ang kinukuha mo?  Hindi ba dapat order ko ang iniintindi mo?!  Matapos kong pumila dito nang napakatagal, order pa nila aasikasuhin mo?!"

BABAE SA COUNTER: "...."

CUSTOMER: "Kakausapin ko manager niyo.  Asan siya?!"

BABAE SA COUNTER: "Sandali lang po..."

Tinawag ng babae ang kanilang manager.  Matapos ang ilang saglit...

MANAGER: "Pasensya na po...  Ano po bang problema nila?"

CUSTOMER: "%@#$!!!!  Problema ko asikasuhin niyo!!!  Parang awa niyo na... please?!?!  Intindihin niyo AKO!!!!!!"

By Keo and Kirk



2nd semester almost done

By Tuesday, simula na ng final exams namin.  The last fatal blows of the second semester will be unleashed.  Kailangan paghandaan namin ito.  Kailangang pumasa.

At kailangan ding paghandaan ang qualifying exams na sadista rin.  Balita ko kahit pasado sa 2nd sem at bumagsak kahit isa sa dalawang qualifying exams namin ay DEAD ka na.  Oo, DEAD.  Kakain ka ng kuko dahil ikaw ay DEAD na.  Kaya wala ka nang magagawa kundi GUMAUX.(gu-mow)  Kailangang mag-aral mabuti para ikaw ay maging WINNER.  Dammit...

I'm glad most of our subjects are over.  Noong nagsimula nga ang second sem at nang makita ko ang course syllabus namin sa mga subjects na yun, naramdaman kong parang hindi ko malalampasan lahat ng ito.  Pero I did.  Almost.  Konti na lang.

I thank God for everything He has given me, kahit hindi ko hinihingi.  Nakakuha ako ng satisfactory grades kahit hindi ako masyadong nag-exert ng effort.  At nakakauwi ako nang buhay kahit gabi/madaling araw na ako umuuwi.  Marami masyadong blessings...  Sobra-sobra pa sa kung ano ba dapat matanggap ko, kung deserving nga ba talaga ako ng kahit ano.

At salamat sa mga naging kaklase ko na kasama ko simula 1st year, simula 2nd year 1st sem, at simula nung 2nd year 2nd sem.  May shuffling na magaganap, at magkakahiwa-hiwalay na tayo.  Nakakalungkot, pero kailangang tanggapin.

Kaya sa inyong lahat...

YOUR ASS!!!

....

Ako nagpauso niyan ha...

I was here at 3/12/2005 9:58:48 pm
Unleashed animals (1)  




Wednesday, March 09, 2005
Hell week... 3

Natapos na formally ang aming community exposure sa Naic, Cavite kahapon.  Nagkaroon kami ng health teaching program, pamimigay ng mga kung anu-ano at... pamimigay ulit ng kung anu-ano.

Next week ay final exams na namin.  At tulad last sem, hindi kami hinayaan ng mga professors namin na maging relaxed para maging handa sa mga darating na exams.

Humihingi na naman sila nga mga requirements na makaka-interfere na naman sa aming pag-aaral.

Mamaya ay mayroon kaming quiz sa Science, Technology and Society, ang subject na umaastang major.  Noong last meeting namin, ang naging kasunduan ay kapag maingay kami, magbibigay ng quiz ang aming professor, kaya naging behaved naman sila (hindi ako kasama), at sa huli ay binigyan pa kami ng option kung gusto pa naming magkaroon ng meeting sa susunod na week para sa review para sa final exams o self-study na lang.  Napili nila ang magkaroon pa ng meeting (huge mistake... tsk tsk).  At mukhang naisipan kaming sadistahin dahil may quiz kami tungkol sa lahat ng mga ni-report (rineport?) ng lahat ng groups in the last 2 weeks.

May quiz din sa Health Economics.  Ok lang, at least announced to, kaya expected nang meron.  At pasahan na ata ng project tungkol sa mga Health Maintenance Organizations, na hindi naman sinabi sa amin ng aming tumatayong *leader* kung ano pwede naming gawin para dun.

At final exam na namin sa Physics Lab.  Ito na ang huling pagkakataon na mag-eexam ako at maiiwang blangko na naman papel ko.

Quiz bukas sa Microbiology, at sana naman makapag-aral na ako this time... Huling meeting na namin to e... Lagi na lang akong bagsak.

Pasahan na rin ata ng Powerpoint Presentation project.  Proud ako sa aming project... dahil wala akong na-contribute.

Sa Friday matutuloy na rin ang laging delayed na long quiz sa Computer, at may ide-demo kami para sa Speech, mga "How to" pero walang props.

Sa Sabado, final exam na namin siguro sa Physics Lecture.

Hell week 3.

I was here at 3/9/2005 3:43:55 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Sunday, March 06, 2005
Hell week 2... meron pang 3...

Hell week is over.

Or maybe the following week will be another hell week.

It was a rough ride, but it was punctuated with something good.  Really good.

Let's have a recap.

MONDAY
- REED quiz about marriage
- a surprise 10-item seatwork sa Physics Lab

TUESDAY
- submission of individual Family Health Care Plan
- dry run of health teaching (surprise to... hindi handa ang group namin)
- sadistang quiz tungkol sa COPAR (Community Organizing Participatory Action Research)... Wala akong maisagot sa quiz na to... At ito lang ang quiz namin para sa final term...

WEDNESDAY
- reporting ng group namin tungkol sa "Hatha Yoga"-> Hindi nagamit ang ginawa kong Powerpoint presentation dahil walang available na LCD projector ng time na yun.
- (para sa iba) submission ng prototype ng invention
- quiz sa Health Economics
- medyo madaling seatwork sa Physics Lab

THURSDAY
- quiz sa Microbiology (hindi ko nagawang mag-aral dahil hindi ako nagising sa tinakda kong oras sa pag-aaral... pagod na kasi ako pagkauwi)
- reporting about diseases caused by certain microorganisms (na-pressure ako sa preparation)
- practical exam sa Microbiology Lab (mayroong 25 stations na may 2 instructions/questions bawat station, at wala akong maisagot sa test na to)
- panonood ng play na pinamagatang "Kung Paano Ko Pinatay si Diana Ross", na nagtatampok ng man-to-man kissing (ni-require kaming manood bilang alternative para sa mas matimbang na Chamber Theater activity)

FRIDAY
- panonood ng concert ng mga REED faculty ata
- dubbing (umaga ng Friday lang kami nakapili ng movie na idu-dub, nag-transcribe, at nag-practice nang kaunti)

SATURDAY
- assignment na hindi ko masagutan

At ano ba ang nagpasaya sa akin matapos ng lahat ng to?

- Nakasama ko siya kanina nang matagal
- Nakapanood ako ng performance ni Kitchie Nadal


Kitchie Nadal

Sakto ang aking pagdating dahil pagkapasok ko sa venue saka nagsimulang tumugtog at kumanta si Kitchie.

Kaunti lamang ang kanyang mga pinerform:
- Breathe
- Deliverance
- Same Ground
- Fire
- Huwag na Huwag Mong Sasabihin
- Bulong

Pagkatapos ay may autograph signing, at original CDs ang kailangan para maka-akyat ng stage.

Antigas ng mukha ng kasama ko at umakyat galing sa backstage.  Sumunod na rin ako (naging matigas din mukha ko.)  At ayun, nasa stage na kami kahit wala akong dalang CD.

Nakisiksik ako sa mga may dalang CDs, at kumuha ng ilang pictures ni Kitchie.  Astig, ang kapal ng mukha ko.  Walang magawa ang security personnel kundi magmakaawa sa mga katulad kong pasaway.

Backstage pa talaga dinaanan namin no...

I was here at 3/6/2005 1:27:40 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Next Page

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed