 |
 |
 |
 |
 |
|
Wednesday, March 30, 2005
Who are these people in their "other lives" ? Read on...
Aaron Faustino = Kane of World Wrestling Entertainment (WWE)
Michael Benedict Sakay = Gene Snitsky of WWE
Maynard Dizon = Jiro Manio
Dior Condez = Engr. Mervin Basila
Sir Madison Valera = Vic Sotto ; Del Fabric Softener commercial model
Francis Juelar = "Martin" from Lovers in Paris ; candidate for VP from the Partido Independiente
Cyrus Suarez = Kuya Nestor ; Django Bustamante
Sir Victor Cuarto = Juwan Howard
Jonna Jane Matilla = Dirk Nowitzki
Ronie Cadiz = Pop Cola commercial model
Mark Jay Del Castillo = Anjo Yllana / Fernando Poe Jr.
Sir Mark Ignacio = Dingdong Dantes
Carlito Carribean Cool = Guy Sebastian
Danrianne Gelito = Miriam Quiambao ; emoticon --> :D
Mary Joyce Paz = Olive Oyl (girlfriend of Popeye) <coined by Maynard Dizon>
Drindel Amaranto = Michelle Madrigal of SCQ
Jose Gregorio Manaig = Sir Rebuyas
Melanie Dimaranan = Angelica Jones
Marla Carillaga = Danrianne Gelito
Kitchie Nadal = Jopay Paguia
Sir Martinez (Chemistry) = Jeffrey Cuzon
Jeffrey Cuzon = Ma'am Icasa
Ma'am Elema = "Carmen" (nanay ni Shin Chan)
Sir Barlis (with eyeglasses) = Drew Arellano
Cheche Tolentino of Sexbomb = Nina
Eula Santos = Jonathan Coachman ; Jonah of WWE Tough Enough 3
Maven = Arnold Vosloo
Kareem Rush = Usher
Congratulations, Keo!
Your IQ score is

This number is based on a scientific formula that compares how many questions you answered correctly on the Classic IQ Test relative to others.
Your Intellectual Type is Visual Mathematician. This means you are gifted at spotting patterns — both in pictures and in numbers. These talents combined with your overall high intelligence make you good at understanding the big picture, which is why people trust your instincts and turn to you for direction — especially in the workplace. And that's just some of what we know about you from your test results.
(Amp... Hehehe... Anyway inulit ko yung test, naging 129 ang result...)
I was here at 3/30/2005 2:01:18 am
Isolate this entry
Tuesday, March 29, 2005
Hey! You come here often?
Questions were answered, and worries have ended. Naibigay na ang class cards namin kanina.
HEALTH ECONOMICS = 85.63
Ibinigay sa amin ang class card kasama ang ilang mga test papers. Isang malaking AMP sa major exam ko sa subject na yan. Ang aking raw score (hilaw) ay 43/70. Para makuha ang percentage, divide the raw score over the total number of items, then multiply the quotient by 50, then add 50 to the result.
Ngayon paki-explain. [ (43/70) x 50 ] + 50 = 72 ???!!!! AMP!!!!!!
Kaya pinabago ko ang grade ko. Yeah.
SCIENCE, TECHNOLOGY AND SOCIETY = 88.50
Wow. Mataas pala ako noong final term? Naka-line of 9 ako noong final term. Yeah. Pati final exam ko, line of 9. Ganito ba talaga pag may mga ka-group kang magaling gumawa ng prototype ng invention?
HEALTH CARE II = 85.17
Halimaw. Nasa line of 9 ang final exam ko sa subject na to. Mabuti at ganun ang nangyari, dahil 77 lang ako sa midterm exam namin diyan.
Unfortunately, may casualty sa subject na to, i.e. may hindi umabot ng required na 80. Dahil sa isang absence na dulot ng sakit na typhoid, nalagay sa alanganin ang grades niya. At ayaw ipa-re-compute ang quizzes niya baka sakaling umabot pa ng 80, dahil .7 na lang ang kulang para maka-80.
MICROBIOLOGY = 81.98
Hindi agad binigay sa amin ang class card dahil hindi pa raw naisa-submit ng laboratory professors ang grades sa lecture professor para i-combine, kaya kinailangan naming bumalik ng 4:00pm sa campus.
Naka-survive ako. Pero ang iba, hindi. Nakakalungkot. Samantalang ang ibang sections, wala man lang kahit isang bumagsak.
COMPUTER = 96.03
Hindi ko alam paano naging ganito ang grade ko. Yehey. Four (4) units to, kaya malaking pang-hatak sa aking GPA.
SPEECH = 93.99
Yeah. Mataas din. Pang-hatak na naman.
PE = 97.54
Mataas na naman. Two (2) units lang, pero pang-hatak na rin.
PHYSICS LECTURE = 88.69
Hmmm... san nanggaling to? Anyway, maraming salamat po, Engr. Mervin Basila, dahil binigyan niyo ako ng grade na mataas kahit na hindi ito ang nararapat na grade sa akin... (sniff)
PHYSICS LAB = Prelim 79.93 Midterm 89.56 Final 85.00
Loko ang aming guro dito. Ang sabi sa akin dati nang ipakita ang prelim grades, huwag akong mag-alala dahil ang final grade lang naman ang isusulat niya sa class card. Nagkaroon kasi ako ng line of 7 nung prelim dahil sa isang worksheet na hindi ko nagawa. Nang binigay ang class cards, nakita kong nakasulat ang prelim, midterm at final grades. AMP.
REED = 90.42
Matagal kaming naghintay para maibigay ang class cards sa subject na to. Wala lang, habang nagrereklamo yung iba sa inip, ako ay nakaupo lang, tinatamad gumalaw.
****
Pahirapan kanina sa pagpapa-pirma ng clearance. Isang pirma na lang mula sa DLSU-D campus ang kulang ko kanina. Pumunta kami sa 4th floor ng PCH building para hanapin ang pipirma, pero nasa ERH building daw, medyo may kalayuan mula sa kinatatayuan namin.
Pumunta kaming ERH. Tinahak namin ang mga estudyanteng nag-kumpulan sa makitid na daan. May amoy mandirigma, may amoy lupa, at mayroon ding amoy Elmer's Glue.
Nakarating na kami sa Biological Sciences Department. Pero nasa PCH201 daw ang pipirma. Bumalik ulit kami sa PCH building.
Nang kami'y makarating sa PCH201, ang sabi ay after luch break pa siya available. Naghintay kami ng isang oras.
Pagbalik namin doon ay wala pa rin ang pipirma.
Isang RPG (role-playing game) ang pagpapapirma ng clearance. Teka, may kalaban. Attack! Damage: 1844 HP...
****
Wowowee sino'ng 'di mawiwili?
I was here at 3/29/2005 12:59:03 am
Isolate this entry
Sunday, March 27, 2005
Happy Easter to everyone...!
****
Finally. After spending hours and hours in a typing workshop, I am here, typing in another entry. And now I can type faster than a speeding... speeding... kariton.
Well, that is crap. Just read on...
****
Naaalala ko ang mga araw ng CAT (Citizens Army Training) namin. Nagsisisi ako noong una dahil balak ko talagang maging officer, pero dahil sa <insert reason here>, hindi ko nagawang sumali sa COCC. Pero nang lumaon (yeah, lumaon) ang panahon, natanggap ko na rin na isa lang akong private. AMP.
Nakikita ko ang mga kaibigan kong naka-uniform na pang-officer tuwing Friday. At naaalala ko rin ang kanilang biglang pagbabago pagsapit ng 3:00pm. Halimbawa ay 14:59:59 pa lang, kaibigan at tao pa ang turing nila sayo. Pero isang segundo ang lumipas, tae ka na.
****
Naaalala ko rin noong bata pa ako... naglalaro ako ng Family Computer. Marami akong bala (cartridges) noon. Maraming mga "in-one" na mga games at iba pa.
Naaalala ko rin ang mga pagkakataon na pag natatalo ako ay nagwawala ako. Ilang controllers din ang nasira ko dahil madaling uminit ulo ko pag naglalaro ako nun. At hanggang ngayon ganun pa rin ako (ulul.)
Magaling ako sa larong Megaman dati. Nagsimula ang lahat ng maipahiram sa akin ng isang kaibigan ang laro ng Megaman. At mula noon ay nilaro ko na rin ang iba pang Megaman. Natapos ko ang Megaman hanggang Megaman 5. Noong 2004 (last year) ko lang natapos ang Megaman 6 dahil last year ko lang nalaro ito (sa PlayStation™ 2 pa.) Ang Megaman 7 naman ay nalaro ko sa SNES (Super Nintendo Entertainment System). Naabutan ko ang boss na si Dr. Wily, pero hindi ko matalo-talo. Last year ko lang din natapos ang Megaman 7. Ayoko ng Megaman X series. Ewan ko kung bakit. Baka nahihirapan lang ako.
****
Bukas na ang bigayan ng class cards namin. Pasado kaya ako sa Microbiology? Pasado kaya mga kaklase ko? Bakit bilog ang sago?
Malalaman ko ang mga kasagutan bukas. Maliban dun sa huling tanong...
I was here at 3/27/2005 12:37:29 pm
Isolate this entry
Wednesday, March 23, 2005
1st semester
Sir Orpia (Anatomy) - mabait, considerate pagdating sa grades at exams; mahinahon; minsan nga lang nagkakaroon siya ng error sa speech (e.g. "yung... yung... yung... yung...")
Ma'am Dimas (Anatomy) - nakakaantok ang boses; sadista magbigay ng exams (mahaba at mahirap na exams)
Sir Rebuyas (PE-swimming) - kamukha ni Jose Gregorio Manaig; minsan lang magbabad sa swimming pool, mataas magbigay ng grades
Sir Guapo (Basic Statistics) - hindi pinapansin ang mga nagtatanong na mga lalaki, pero ngumingiti pag babae ang nagtatanong tungkol sa lesson; walang pakialam kung maingay ang klase
Sir Obligado (Phil. Government with Constitution) - kamukha si Papa Jesus; mahilig magpa-recitation na hindi masasagot kung hindi mo nagawang buklatin ang aklat (oo, aklat); sadista magbigay ng major exam (essay type palagi)
Sir Binavente (Phil. Literature) - mahilig magbigay ng mga tanong na mahirap sagutin; madali lang magbigay ng major exam; mababa magbigay ng grades lalo na sa mga assignments; minsan nakakaloko ang mga facial expressions
Ma'am Martin (Health Ethics) - mabait; wala masyadong pakialam kung may mga maingay sa klase; medyo madali magpa-exam, basta nag-aral ka pasado ka na; magaling mag-discuss, kaso nagpa-report na nga lang noong final term
Sir Papa (Health Care I) - professional ang image na pino-project; magaling mag-discuss; approachable; nakaka-intimidate minsan; kaso sa kalagitnaan ng semester umalis papuntang... hindi ko alam, abroad ata (hirap talaga pag magaling, napupunta sa ibang bansa)
Ma'am Rodriguez (Health Care I) - mabait, pero sabi ng iba mataray daw (?); laging ngumingiti; umalis din papuntang abroad
Ma'am Icasa (Health Care I) - sobrang bait, hindi strict, kaya may mga umaabuso
Sir Lepardo (REED103) - magaling mag-discuss at mag-kuwento, pero hindi lumalabas sa exams ang mga ine-explain niya
Ma'am Parot (Health Care I) - isa sa mga pumalit sa mga umalis na professors; magaling mag-explain; mahirap magpa-quiz lalo na pag na-bad trip
Sir Barlis (Health Care I) - isa rin sa mga pumalit; maangas ang unang projected image niya; magaling mag-discuss ng Health Care; madali magpa-quiz (pero isang beses lang ata namin siya naging professor)
Ma'am San Juan (Health Care I) - isa sa mga pumalit; "Ma'am Two-man Carry"
Ma'am Elema (Health Care I) - isa sa mga pumalit; hindi ko matandaan kung yan nga surname niya; may pagka-moody at nagawang barahin ang isa sa mga estudyante;
2nd semester
Sir Valera (REED104) - muling nagbalik; kamukha ni Vic Sotto at ng lalake sa commercial ng Del fabric softener; magaling mag-explain kaso wala masyadong nakikinig sa kanya; minsan mainit ang ulo; nakakaloko ang ngiti; mahirap gawin ang requirements niya; nagbigay ng exemptions
Ma'am Alcantara (Physics Lab) - nerd; walang pakialam kung maingay o nagkokopyahan ang klase... gumaganti na lang sa pamamagitan ng mga binibigay niyang mga seatworks at quizzes; nakikisama sa mga estudyante
Sir Vibal (Physics Lab) - hindi ko to naging professor, kasi sa kabilang half ng section namin siya nagturo; nakakaloko ang ngiti
Ma'am Dimas (Health Care II) - mas magaling magturo ng Health Care kesa Anatomy (oo, "kesa")... Pero nakakaantok rin naman talaga kasi ang Anatomy kaya ganun; sadista magbigay ng quizzes; palaban pag na-insulto
Ma'am De Leon (Health Care II) - magaling mag-explain; sadista rin magbigay ng exams; medyo masungit
Ma'am Icasa (Health Care II) - ang facilitator ng group na kinabibilangan ko para sa Community Exposure (naiinggit yung ibang groups)
Ma'am Sta. Maria (Health Care II) - mabait, ayos ding magturo
Ma'am Sta. Maria (Science, Technology and Society) - mahirap ang mga hinihingi niyang requirements (pero ganun ata talaga sa lahat ng sections... ewan ko lang); madali lang magpa-exam
Sir Barlis (Health Economics) - mahilig sa mga jokes na suggestive (define suggestive) para manatiling gising ang mga estudyante dahil nakaka-antok ang subject na economics (natapat pa ng tanghali hanggang hapon); kinaiinisan ng ilan (particularly mga babae) dahil sa mga jokes niyang medyo green; astig ang boses; sa kanya ko natutunan kung ano lang ang hindi tumataas
Ma'am Doctor (Microbiology) - mahirap magpa-exam; mahilig magpa-report; sadista magbigay ng mga tanong sa mga reporters; magaling magturo kaso masyadong mabilis; aming-amin ang mga microorganisms ("YOUR S. aureus, YOUR E.coli, YOUR... YOUR... YOUR!!!")
Ma'am America (Microbiology-Lab) - nasa Philippines; hindi madaling magalit... kung magalit man, hindi pa rin makikita sa mukha; nakakagulat magbigay ng grades dahil mataas sa ine-expect ang binibigay
Sir Doctor (Computer) - mabait; pasensyoso; medyo mahirap ang mga long quizzes niya pero ok na rin
Sir Pugay (PE-basketball) - kamukha daw ni Eddie Garcia; nagturo sa amin ng mga stretching exercises at basics ng basketball
Sir Ignacio (Speech) - magaling mag-English; nakikisama sa mga estudyante; ....
Sir Basila (Physics) - mahina ang boses; hindi nagagalit kahit maingay ang klase
I was here at 3/23/2005 7:24:33 pm
Isolate this entry
Tuesday, March 22, 2005
Qualifying exams are over, the whole second year is over, and I am over.
Let me take you to the world I was in these past days...
FRIDAY
May must-attend activity kami na ginanap sa Volet's Resort. Ang mga hindi um-attend ay may pabaon umanong "Good luck" mula sa authority. Hindi ko alam kung totoo ba ito o isa lamang alamat.
May program sa simula. Ang natatandaan ko lang sa mga nangyari doon ay ang solo dance number ng isang estudyante (magaling... humanga ako) at ang intermission ng mga bagong halal at mga lumang halal na mga officers ng Student Council (nanyo!).
Wala talaga akong balak na mag-swimming noon. Pero nagbago isip ko nang malaman kong marami-rami rin pala ang mga may balak mag-swimming. Dahil wala akong dalang kahit anong pampalit, bumili ako ng shorts sa Kadiwa sa halagang P80. Ayan, may pampalit na ako sa t-shirt at pants ko.
Hinayaan na kaming mag-swimming noong bandang hapon na. Masarap salubungin ang waves sa pool nang nakatayo lang.
SATURDAY
Ang plano ko ay mag-aral na para sa qualifying exams na gaganapin sa darating na Lunes. Pero 4:00pm ko lang naisipang ayusin ang mga handouts/hands out na kailangan ko para sa review. Nagkaroon ng handout segregation sa kuwarto ko. Matapos kong magsimba nang 6:15pm-7:30pm, hindi ko na nagawang mag-aral dahil tinamad ako. Napag-desisyunan ko na lang na sa kinabukasan na lang ako mag-aaral. Pero biglang nagkaroon ng konting burst ng kasipagan, kaya ini-scan ko ang notes ko sa Health Care I.
SUNDAY
Plano ko ay mag-aral nang todo. Kaso naisip ko na panonoorin ko muna ang laban ni Manny Pacquiao.
Dapat nga ay pupunta akong Sta. Rosa, Laguna ng araw na to para panoorin ang sessiOnroad nang live ulit, pero hindi ako natuloy at naisip kong dapat mag-aral ako. Pero hindi rin ako nakapag-aral.
Umabot na ng 9:00pm pero wala pa rin akong naaaral bukod sa mga na-scan kong notes sa Health Care I kinagabihan at habang commercials sa pagitan ng mga rounds ng laban ni Manny Pacquiao. Nakapagbasa pa ako ng kaunti para sa Health Ethics at Socio-Anthropology. At nakatulog na ako.
MONDAY
Nagising ako ng mga bandang 3:00am, at inisip ko kung mag-aaral ba ako para sa Anatomy. Pero umiral ang katamaran ko at natulog na lang ulit.
Bago ako umalis nang bahay para pumunta na ng school at mag-exam, nagawa ko pang buklatin ang makapal at mabigat na libro ko sa Anatomy. Yun nga lang, binuklat ko lang.
Set A ng exam ay mga major subjects, kasama na rin ang mga subjects na umaastang major.
Evaluation ko sa mga items na lumabas per subject ng Set A exam:
HEALTH CARE - Medyo madali, dahil karamihan sa mga lumabas ay alam ko ang mga sagot (stock knowledge at dahil sa pag-scan ko ng notes)
MICROBIOLOGY - Isa itong malaking AMP. Pagkatapos ng mga 60 items ng Health Care, biglang lumabas ang mga tanong tungkol sa Microbiology without warning. Wala lang, nagulat lang ako. At siyempre wala akong maisagot sa mga tanong kaya nanghula na lang ako.
HEALTH ECONOMICS - Medyo madali rin... Wala nga lang tanong na ganito ang thought: "Alin sa mga sumusunod ang hindi tumataas?"
SCIENCE, TECHNOLOGY AND SOCIETY - AMP. Para itong History na puro pangalan at kung anu-anong ka-ewanan.
HEALTH ETHICS - Yeah. Ito ang pinakamadali sa lahat. At ito rin ang pinaka-kaunti ang items.
ANATOMY - May mga tanong na mahirap, may mga tanong na madali. Sige na nga, mahirap na.
Sumunod naman ang Set B exam, na naglalaman naman ng mga tanong galing sa mga minor subjects.
PSYCHOLOGY - Mga tanong mula rito ang unang lumabas sa exam. Hindi ko ito naaral kaya wala akong naisagot masyado. Puro hula.
LOGIC - Isa pa to. Wala rin akong masagot dahil wala akong alam.
CONSTITUTION - May mga items na nagawa kong sagutan with an amount of certainty. Very good.
PHILIPPINE HISTORY - Ironically, halos lahat ng tanong dito ay nasagutan ko, kahit na ito ang pinaka-ayokong subject sa lahat.
COLLEGE ALGEBRA - Lumabas na naman ang pagiging henyo ko dito. Pero... wala lang... Mga simpleng tanong lang ang lumabas e...
BASIC STATISTICS - Basic... YOUR ASS!!! Wala akong maisagot dito... Variance, standard deviation... YOUR ASS!!!
CHEMISTRY - Walang computations. Buti naman.
PHYSICS - Wala ring computations (meron ba?)... Ayaw ko rin sa subject na to pero marami akong nasagot.
BIOLOGY - Ang mga questions dito ay para ring sa Anatomy kaya medyo madali na rin... ata.
SOCIO-ANTHROPOLOGY - Nakakainis yung choices. Parang more than 1 answer/choice kasi ang applicable sa supplied statements.
Sa dalawang exams, medyo satisfied naman ako sa naging performance ko. Sana enough na yun para sa mga sadistang evaluators at staff ng College of Nursing. I know I could have done better, pero... Yun na yun.
May swimming (overnight) pagkatapos ng qualifying exams sa Double V Resort. At kaninang 7:00pm lang ako nakauwi.
I was here at 3/22/2005 10:21:16 pm
Isolate this entry
Saturday, March 19, 2005
Sun Cellular has recently launched the new 24/7 Unlimited Text service. And there are several changes along with the launch of the said service.
24/7 Call and Text Unlimited
P100 = unlimited calls and text for 7 days
P350 = unlimited calls and text for 30 days
To purchase 24/7 Call & Text Unlimited valid for 7 days:
text CTU <space> 7 & send to 247
To purchase 24/7 Call & Text Unlimited valid for 30 days:
text CTU <space> 30 & send to 247
24/7 Text Unlimited
P50 = good for 7 days
P150 = good for 30 days
To purchase 24/7 Text Unlimited valid for 7 days:
text TU <space> 7 & send to 247
To purchase 24/7 Text Unlimited valid for 7 days:
text TU <space> 7 & send to 247
Some may complain because of the price increase, but this is a move done by the network for them to be able to expand their network and accomodate more subscribers and be able to offer quality service. Currently the network is still suffering from congestion because of the sudden increase in the number of subscribers.
Before the year ends, it is expected that the network will be able to accomodate 6 million subscribers. Right now the network can only handle 2 million subscribers, and the number is still increasing.
I was here at 3/19/2005 3:12:34 pm
Isolate this entry
Thursday, March 17, 2005
Game Over... Continue? 9... 8... 7... 6...
Technically, the second semester, and more importantly the second year of my college life is over. But problems aren't over yet. I, along with my batchmates, blockmates, seatmates and cheatmates, still have to overcome a big obstacle. It's not the summer class (although it is also a problem)... It's the qualifying exam. It seems that our school is really decided in kicking our asses off the Health Sciences Campus turf.
Ayoko nang mag-English.
Bukas ay kailangan naming pumunta sa isang compulsory activity sa isang resort na malapit sa school namin. Imbis na makapagpahinga kami at makapag-aral para sa qualifying exams, nandun kami. At may mangyayari daw na hindi kanais-nais kapag hindi kami pumunta. Nanyo...!!!
****
Hindi ko nagawang mag-aral para sa exam namin kanina sa Microbiology. Nang magising ako ng madaling araw, sinubukan kong mag-aral, pero walang pumapasok sa isip ko, at naaasar na rin ako, kaya natulog na lang ulit ako.
Mahirap ang exam para sa mga hindi nakapag-aral tulad ko. Siguradong bagsak ako. Kaya hindi na rin ako sigurado kung sa La Salle pa ba ako magpapatuloy ng nursing.
****
Clearance. Kailangan naming ma-complete ang clearance para kami ay... ma-clear. Pabalik-balik kami kung saan-saan para makakuha ng mga pirma ng mga kinauukulan. Nakakapagod. At may mga kulang pa akong pirma. Tatapusin ko na lang siguro bukas.
****
Tapos na ang sem. Anu-ano ba ang mga natutunan ko sa mga subjects na kinuha ko? Ito ang aking mga natutunan sa bawat subjects ko:
HEALTH INFORMATICS
- networking
- proper etiquettes when using the Internet
- natuto akong mag-isip kung bakit pinapasukan ko pa tong subject na to
REED
- kung paano magpahaba ng reflection paper na iisa lang naman ang content
PHYSICS LAB
- kung paano mag-harvest ng mga sagot mula sa ibang estudyante
- paano mag-ubos ng oras pag walang masagot sa mga seatworks at tests
HEALTH CARE
- paano kumausap sa mga hindi kilala
- paano lutasan ang walang kamatayang problema na dulot ng mga quizzes nina Ma'am Dimas at Ma'am De Leon
STS
- paano gumawa ng mga written documentation mag-isa
- paano magmakaawa sa mga groupmates na tulungan ako
- paano gumawa ng PowerPoint for the first time nang mag-isa
HEALTH ECONOMICS
- paano mag-compute ng taxable income, etc.
- kung ano lang ang hindi tumataas
MICROBIOLOGY
- wala akong natutunan
MICROBIOLOGY LAB
- paano maglinis ng mga agar plates at mga tubes na naglalaman ng mga specimen
BASIC COMPUTER CONCEPTS
- paano gumamit ng Excel at PowerPoint (isa akong mangmang)
PE
- paano pataubin si Maynard sa 3-pt shooting
SPEECH
- paano magsalita sa harap ng camera
- paano mag-readers theater
- paano mag-dub
- paano mag-isip ng mga kailangang sabihin on the spot
PHYSICS LECTURE
- paano mangopya
****
Bukod pa sa mga nabanggit sa taas, may mga iba pang mga bagay akong natutunan sa nagdaang sem.
1. paano pumunta sa Hotel Intercontinental at Hyatt Regency Hotel
2. paano umuwi nang madaling araw
3. paano mag-handle ng mga problemang sobrang bigat na sabay-sabay dumarating (pero bulok pa rin ako pagdating sa ganyan)
4. paano makipagtalo sa mga taong oportunista at mga feeling
5. paano maging late sa klase
6. kung ano ang ibig sabihin ng "out of pocket"
7. kung ano ang kukratch, jenny pig at keriyoki
8. na ating-atin pala ang mga E.coli, ang S. aureus, at iba pa
9. kung ano ang Maneds Helt Kerr
10. kung bakit bawal tumayo sa may shore ng dagat sa Naic
Wala na akong maisip... Hindi ako makapag-isip nang ayos... Nalulungkot kasi ako... This was not the way I wanted things to be... Umuwi na naman tuloy akong mag-isa pagkatapos ng exams... Akala ko pa naman uuwi akong masaya... WAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!
At isa pa ulit... HUWAG NIYO I-SET SA WARM ANG AIRCON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
I was here at 3/17/2005 5:12:08 pm
Isolate this entry
Wednesday, March 16, 2005
Basahin mo... kahit yung pangalawa lang
Hindi ko na nagawang mag-aral para sa exam namin sa Science, Technology and Society at sa Health Economics dahil gustong bumawi ng katawan ko ng tulog. Nag-decide ako na matulog sandali at pagkagising saka magre-review, pero ang nangyari ay natulog na lang ako nang tuluy-tuloy. Very good. Palakpakan.
Exempted naman ako sa exam namin sa Computer. Nag-aral na lang ako nang kaunti sa library bago mag-exam.
Medyo madali ang exam sa STS. Kaso may sinamang mga items tungkol sa mga topics noong midterm.
Pagkatapos ay pina-print ko ang part ko para sa project namin sa Health Economics dahil deadline na (hindi pala napasama sa diskette yung ginawa ko), at pina-print ko na rin ang ilan pang pages ng project namin. Yeah, para na rin akong kumain ng lunch dahil sa naging gastos ko.
At nahirapan ako sa exam sa Health Economics, dahil na rin sa hindi ko nagawang mag-aral nang mabuti para dito.
Bukas na ang last exam namin. Exempted nga pala ako sa REED exam.
****
Hindi ko maintindihan...
Sa aming room ay mayroong dalawang aircon. May mga tao na ayaw nalalamigan kaya pinapatay ang isa sa mga aircon para hindi masyadong malamig.
Pero may mga tao na hindi ko malaman kung ano ba talaga gusto nilang mangyari na patay na nga ang isang aircon, itotodo pa sa WARM ang temperature ng isa pang aircon...
Meron namang mga engot na sa FAN lang nakalagay habang patay ang isang aircon...
At ang masama pa diyan ay may mga pagkakataon ding parehong naka-ON ang aircon... At naka-todo sa WARM...
Tang ina...
I was here at 3/16/2005 7:02:24 pm
Isolate this entry
Tuesday, March 15, 2005
Pagkatapos ko gumawa ng requirements kaninang madaling araw, ako'y nag-aral na at natulog ng mga 5:30am. Gumising ako ng 6:00am para kumain, at natapos ng 6:10am. Tutal maaga pa, natulog na muna ako dahil inaantok pa rin ako. At nagising na lang ako ng 6:45am. Hindi pa ako kumilos ng lagay na yan kaya 6:50am na ako nakabangon.
As expected, late na ako nakaalis sa amin. At late na rin ako dumating. Dire-diretso ako sa CNM 9, dahil akala ko ito ang aming testing room. Hindi ko na tiningnan ang mga estudyante sa loob sa pag-aakalang mga kaklase ko ang nasa loob. At pagbukas ko ng pinto... "Boom... hindi ko kilala ang mga to...!!!"
Medyo na-taranta na ako dahil late na nga ako para sa exam namin sa Health Care. Naisipan kong tumawag sa mga kaklase ko, pero hindi sinagot ang tawag ko kasi simula na nga ng exam.
At saka ko naisipang pumunta ng faculty room. Bago pa ako nakarating doon ay nakasalubong ko si Ma'am Alico (Level 2 coordinator), at tinanong ko kung saan ang testing room namin. Sa CNM 15 daw. At takbo ako papunta doon.
Madali lang ang exam sa Health Care, kahit na may iilang items na medyo nakaka-tanga.
At sunod naman ang SADISTANG exam sa Microbiology Lab. Si Mr. Norbel Tabo na naman ang gumawa ng exam kaya mahirap. Gusto kong umiyak, gusto kong magwala kanina. Pero ngumiti na lang ako habang binubulong ang "tang ina..."
I was here at 3/15/2005 9:48:28 pm
Isolate this entry
Exam week na. Pero hindi ko pa rin maintindihan bakit tuwing final exams na saka sila magbibigay ng sangkatutak (hindi ko alam meaning niyan) na mga requirements. Ganito rin noong midterm, noong prelim, noong 2nd year 1st sem, noong 1st year 2nd sem, noong 1st year 1st sem, at noong 4th year HS. Pati na rin 3rd year, 2nd year at 1st year.
Kaya imbis na nakapag-aral na ako (matapos kong manood ng No Way Out at matulog), ay gumagawa ako ngayon ng requirements. Sadista talaga tong mga professors namin. Nanyo!!!!
Wala lang.
Exempted nga pala ako sa Computer final exam.
**** Sa isang fast food chain... na naman... matapos kausapin ang manager:
CUSTOMER: "O siya sige, patatawarin ko kayo... Sa susunod ayusin niyo ha..."
MANAGER: "Pasensya na po... Sige po kayo po ang bahala..."
(at palabas na ng fast food chain ang customer)
GUARD: "Thank you sir... Come again!"
CUSTOMER: "Anak naman ng... Kaka-punta ko pa lang pababalikin niyo na naman ako?! Wala na akong pera!!! Ganyan ba kayo ka-gipit ngayon?!"
I was here at 3/15/2005 3:32:22 am
Isolate this entry
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |