 |
 |
 |
 |
 |
|
Monday, May 23, 2005
It's official: Tapos na ang summer term! Naaalala ko pa ang huling bilog na aking nilagyan ng shade sa final exam namin... Inabot ako ng 15 minutes para lang masagutan nang tama ang item na yun.
Pero matapos ang exam, hindi pa kami pinauwi. Meron pa kaming discussion. Oo, discussion! Nagbiro pa nga ako na dahil ang last topic namin ay post-mortem care, idi-discuss namin ang tungkol naman sa burol at libing.
Tinuro ulit sa amin ang tungkol sa documentation and recording, dahil gagamitin namin ito para sa duty namin sa 3rd year.
Huling araw ko na ng pagsuot ng beige santana polo barong at chocolate brown pants kanina... Magpuputi na ako, kasama ang mga ka-batch ko!
Unless... Malaman kong may hepatitis B pala talaga ako...
****
Official na rin: Tapos na rin ang driving lessons ko! Matapos ang ilang delays, natapos na rin sa wakas. At dahil last ko na yun, sinigurado nila na challenging ang huling session ko, kahit hindi nila intention yun.
Sobrang ganit ng steering wheel ng kotse na pina-drive sa akin. Ma-ganit. Matindi ang resistance ng steering wheel.
Nasanay pa naman ako sa Ford Lynx namin na madaling i-drive... At dahil nasanay na rin ako sa mabilis na patakbo gamit ang Lynx, medyo napapabilis ko na rin ang kotse na aking dinrive (dinrive?!). Pero ayaw ng instructor na bilisan ko ang andar, at gusto niya nasa pinaka-kanan na lane ng highway ako mag-drive kahit may mabagal na jeep sa harap ko. Ok lang, nahihirapan din naman ako sa sasakyan na yun e...
****
Ang naging preparation ko para sa final exams namin kanina ay ang paglalaro ng Final Fantasy VIII. Galing ko 'no?
Pupunta na kami ng Cebu bukas. Mga 2 weeks kami doon. Simula na ng bakasyon ko. Gusto kong masunog sa ilalim ng araw habang nakababad sa tubig dagat hahaha...
I was here at 5/23/2005 8:33:06 pm
Isolate this entry
Sunday, May 22, 2005
ULAN YOUR ASS
Ulan. A worn-out topic. Your ass...!!!
"SHORTCUTS"
Cellphones na naman. Dahil sa cellphones, ang paraan ngayon ng pagsulat at pagta-type ay naiiba na rin.
aq= ako (Lgi na lang aq, aq, puro n lng aq)
me= ako (Hndi pa me handa!)
u = ikaw (Asan na u?!)
2 = pang-ulit ng syllable (babasahin = ba2sahin)
xa= siya (Sino ba xa?)
Maiintindihan ko pa kung sa text ginagamit yan. Pero pati sa chat, sa e-mail, sa blog, anak ng, pati sa lecture notes ganito na rin ang ginagawa ng iba...
WWE SHOWS MOVED
Na-move nga pala ang schedule ng WWE shows sa Jack TV (dating USA Channel, na dating Solar USA Channel).
WWE RAW = Saturday 8pm (moved from Wednesday 8pm)
WWE SMACKDOWN! = Sunday 8pm (moved from Friday 8pm)
Somehow, beneficial to para sa akin kasi imbis na nanonood ako pag Wednesday ng gabi, pwede na akong matulog na lang o kaya mag-PlayStation... Hahaha
ANONG "PASUKAN NA..."? "BAKASYON NA!!!"
May mga taong medyo nalulungkot na kasi malapit nang mag-start ang classes sa June, pero ako, magsisimula pa lang ang summer vacation ko! Hahaha...
Pupunta akong Cebu isang araw pagkatapos ng final exam namin.
DRIVING SCHOOL AMP
Supposed to be (yeah, supposed to be) ay tapos na ang driving lessons ko kaninang umaga. Isang oras na lang ang natitira at graduate na ako.
Pero ayaw mag-start ng kotse. Naubos ang isang oras, at hindi ako nakapag-drive. Re-schedule na naman amput...
MALL TOUR NG SEXBOMB
Bad trip... Kanina dapat ay nasa Robinsons Pioneer ako para mapanood ang Sexbomb Singers sa mall tour nila... Pero hindi ako nakapunta!!! AAARRRGGGHHH!!!
I was here at 5/22/2005 1:35:13 am
Isolate this entry
Monday, May 16, 2005
I have watched another stellar (cosmological/astrophysical?) performance by sessiOnroad yesterday at SM Sucat (Parañaque).
Ganda ng intro haha... English yun...
Nagpagupit si JV, pero may tinira siyang isang mahabang dreadlock. Naka-ilang ayos din sa mic niya dahil laging may topak yung mic. Pero astig pa rin...
Nanggigigil si Chavi sa drums habang si Richard naman ay tumutugtog ng bass (galing mag-bass, para tuloy gusto ko ring matuto hehe)...
Pinakita ulit ni Coy ang galing niya sa guitars. Pinagmamasdan at pinakikinggan kong mabuti ang pagtugtog niya, at ayun, sobrang galing... Napapaisip tuloy ako, "Paano ko kaya matututunan yung ganun?" Hehehe...
At si Hannah, ang vocalist. Magaling din mag-guitars. Galing din ng boses...
Matapos ng performance ay pinapirmahan ko ang 3 solo pictures ni Hannah at isang group picture (ako kasama ang banda). Nagulat si Hannah dahil 3 talaga yung pictures niya (waaaa... hindi intentional yun hehe) Nagpa-picture din ako pagkatapos...
Astig kayo!
Kung pwede nga lang, panonoorin ko kayo sa Thursday...
I was here at 5/16/2005 7:24:56 am
Isolate this entry
Saturday, May 14, 2005
Dear Blog, na-dismaya ako sa staff ni Kitchie Nadal
Pinanood ko na naman si Kitchie Nadal. Sa Robinsons Galleria siya nag-perform kanina. Dumayo na naman ako sa malayo para lang mapanood siya. Sheesh...
Needless to say (pero sasabihin ko... labo no), na-disappoint ako. May maaarteng staff na ipinagbawal ang pagkuha ng pictures habang nagpapa-pirma onstage. Bad trip, mahilig pa naman akong kumuha ng mga portrait shots.
Nakalimutan ko pang pa-pirmahan ang picture ni Kitchie (na ako mismo ang kumuha sa Dasmariñas noong March 5, 2005).
Hindi ko kinausap si Kitchie habang pinapa-pirmahan ko ang CD ko, hindi dahil wala akong masabi kundi dahil ayoko lang talaga, hindi ko trip.
Disappointed talaga ako. Naiisip ko tuloy, sana Sexbomb na lang ang pinuntahan ko, dahil kasabay ng gig ni Kitchie ay meron ding tour ang Sexbomb, sa Robinsons Metro East naman.
Si Barbie (ng Barbie's Cradle) ay nandun sa gig ni Kitchie. Hmmm... something smells fishy hehehe...
Bukas, sana matuwa na ako, dahil panonoorin ko ang sessiOnroad sa Sucat, Parañaque. Yeah!
I was here at 5/14/2005 11:33:29 pm
Isolate this entry
Sunday, May 08, 2005
Third session ko kanina sa driving school. Ako ay nag-drive sa highway mula Imus hanggang sa may kanto ng Salitran, lumiko papuntang Salawag, tinahak ang Daang Hari, nakaabot ng Alabang, bumalik ng Daang Hari, dumaan sa Molino, lumabas sa may Jollibee medyo lampas ng SM Bacoor, at nilampasan ang SM Bacoor, lumiko sa "Sheperdville", bumalik ng highway, at bumalik sa pinanggalingan namin sa Imus.
May mga problema pa rin ako sa driving. Marunong akong magpabilis, pero nahihirapan ako sa pagpapabagal (lalo na kapag kailangang lumiko). Ilang beses namatay ang makina ng kotse dahil sa hindi pa ako masyadong marunong kapag magpapabagal pag liliko.
Anyway, akala ko nga hindi matutuloy ang scheduled session ko ngayon dahil pagdating ko sa office sa Imus, naka-lock ang gate. Sarado. Sinubukan kong tawagan ang number na binigay sa akin dati (number ng nag-schedule sa akin), pero iba ang sumagot kaya binaba ko na after 8 seconds (bastusan). Napansin kong may naka-park ng puting kotse sa may labas ng 7-Eleven, at may lalaking nakaupo sa passenger seat at nagpapaypay gamit ang "green card" ng driving school na yun. Tiningnan ko ang likod ng kotse, at nakalagay dun ang "Warning: Student Driver". Tinanong ko ang lalake, at nalaman kong siya pala magiging instructor ko para sa araw na ito.
I was here at 5/8/2005 6:29:39 pm
Isolate this entry
Saturday, May 07, 2005
Ok, second session ko kanina sa driving school. Ang simula dapat ay 8:00am at magtatapos ng 10:00am. Pero dahil sa baguhan ang nagbabantay sa Imus branch, medyo nagkagulo ang schedule. May isa pang estudyante na masama ang loob at nagrereklamo dahil huling araw na niya dapat kanina, at dalawang linggo na raw naka-cancel ang driving sessions niya. At muntik pa akong maging "sacrificial lamb" para maasikaso ang estudyante na yun. Pero dahil sa sama ng loob ay nag-walk out na lang.
Magulo ang schedule. Ang unang sinabi sa akin ay one hour na lang daw muna ako ngayon, at sa next week na lang itutuloy ang isa pang hour. Pero nag-iba na naman ang ihip ng hangin, at nagsimula ako ng 9:00am at natapos ng 11:00am. Ako hindi naman naubos ang pasensya ko... Naiintindihan kong baguhan ang nagbabantay sa office kaya nagkaganun. Ok lang, mabait naman ako e. (Yung nagbabantay ay kamukha ni Gwen Garci)
Malayo ang narating ko kanina. Tinahak ko ang mga daan na sobrang sikip (dahil sa mga tricycle, mga taong biglang nagsusulputan, etc.), daan na sobrang luwag, at daan na sobrang traffic. Hindi ko namalayan na umabot na ako ng Salitran, dahil sa may looban kami dumaan. At nag-drive na naman ako sa highway, heavy traffic.
Pinagawa din nga pala sa akin ang U-turn at maneuvering.
Mukhang "Hanging" na lang ang hindi ko pa talaga nagagawa...
I was here at 5/7/2005 4:35:51 pm
Isolate this entry
Friday, May 06, 2005
Simula na ulit ng aming summer classes, at sa loob lamang ng 4 na araw ay marami nang nangyaring mga pangyayari na hindi kanais-nais na mga pangyayari (?)
NURSING FOUNDATIONS WITH DRUGS AND SOLUTIONS
Ito na ang subject na kinukuha namin ngayon. Tinatawag nila itong "Funda" (fun-da), pero kapag nababanggit ko ang subject na to, hindi ko sinasabing "Funda" kundi "subject namin."
Walang pasok noong Monday dahil holiday (moved holiday). Nagsimula ang klase ng Tuesday. Bago ako pumasok ay kinakabahan akong tunay, dahil naiisip ko na agad ang hirap na aking haharapin, dahil nasanay ako sa madali naming subject noong na Nutrition and Diet Therapy.
Oo, madali lang ang Nutrition namin. Pero ang mga kumukuha naman ngayon ng subject na yun ay nagrereklamo dahil sa mga hirap ng mga activities at exams.
Anyway, second day pa lang namin sa subject namin ay meron na agad kaming 4 na tests.
Dumating ang Thursday.
THURSDAY
Noong Linggo ko pa plano na pumunta ng Glorietta para mapanood ang Spongecola, Hale at Sugarfree. Pero may nangyaring hindi ko inaasahan.
Naunang ituro ang "bed making", isang maarteng paraan para palitan ang mga sheets ng kama sa ospital. Kinailangan kong mag-practice maigi kung hindi ay babagsak ako dahil kinabukasan na ang graded return demonstration.
Kaya nag-practice na lang ako. Sayang ang gig. Hindi bale, hindi naman ako masyadong nanghihinayang, dahil hindi naman sila sessiOnroad o Sexbomb hehe...
RETURN DEMONSTRATION
Kay Ma'am Nenette ako napunta. Mababa siyang magbigay ng grades sa return demo dahil may pagka-perfectionist siya. Nagko-comment siya matapos ng return demo para sa ikabubuti ng student. Pero ang mababang grade ay mananatili pa rin.
Marami akong nakitang X marks kanina sa evaluation sheet ko. Maraming comments si Ma'am. At hindi ko nalaman ang total score ko.
BIRTHDAY
Nagpakain ang isa kong classmate dati dahil birthday niya ngayon (Friday). Doon sa dorm niya siya nagpakain.
At napalibutan ako ng mga hindi ko kilala. At ang mga yun na hindi ko kilala ay mga magkakakilala pala.
OP ako. Hahaha...
I'VE BEEN ROBBED
Nagpaload ako sa SUN ng P100. Sinubukan kong i-convert ang P100 na yun para lumabas ang number string para maging Call and Text Unlimited.
Pagka-send ko ng message para i-convert, dumating sa akin ang message na nagsasabing nabawasan na ng P100 ang load ko.
Pero... hindi na dumating yung number string.
Kaya bumili na lang ako kanina ng card na Call and Text Unlimited. Gaguuu...
HEAVEN??!!
Ryan, Heaven ka diyan??!!!!!
I was here at 5/6/2005 9:21:13 pm
Isolate this entry
Monday, May 02, 2005
Kitchie Nadal and sessiOnroad
Galing akong Glorietta kanina kasama sina Gracielle at Ryan para mapanood si Kitchie Nadal at ang sessiOnroad. Kung dati ay pumunta pa akong Silang, Cavite (Kitchie Nadal) galing Ortigas (sessiOnroad) para mapanood silang pareho, ngayon ay sa iisang lugar na lang sila, magkasunod na magpe-perform.
SABADO
Nag-text si Gracielle mga bandang 6:00pm upang ibalita sa akin na kinabukasan ay magpe-perform si Kitchie Nadal at ang sessiOnroad sa Glorietta ng 3:00pm. Napadaan kasi sila doon ng kanyang inay, at saktong nakita niya ang banner/tarpaulin (?) na nagsasabing naroon nga sila kinabukasan.
Gustong pumunta ni Gracielle, pero may sakit siya, kaya nagpaalam siya sa kanyang inay. Pumayag ang kanyang inay, at kanyang sasamahan si Gracielle dahil nga siya ay may sakit.
Sinabi kong sasama ako, at doon na kami magkikita. Noong gabi ay niyaya ko si Ryan na sumama, at pumayag naman siya.
LINGGO
Napag-usapan namin ni Ryan na magkita sa 7-Eleven sa Imus ng 12:30 ng tanghali, pero lampas 1:00pm na kami nagkita. Bumili ako doon ng film na may 36 exposures. Dapat ay 24 exposures lang na film, pero dahil hindi available, yun na lang ang binili ko.
Nagsabi si Gracielle na kapag nandun na kami sa Glorietta ay itext ko siya.
Matagal kaming nag-abang ng bus na papuntang Pasay. Nang may dumating na bus ay sumakay na agad kami. At sa isang hindi malamang kadahilanan, nakasabay namin sina Gracielle at ang kanyang inay sa bus.
GLORIETTA
Dumiretso agad kami sa venue. Marami nang taong nakaupo. Nakita naming bakante ang mga upuan sa unahan, pero reserved daw. Kaya tumayo na muna kami sa likod hanggang magsimula ang performance.
KITCHIE NADAL
Unang nag-perform si Kitchie Nadal. Mga anim o pito o higit pang mga kanta ang kanyang... kinanta. Sandali lang ang performance niya, kasi dire-diretso lang siya.
Umupo ako sa aisle sa gitna. Pakapalan na ng mukha. Hindi man ako nakaupo sa pinakaunahan, at least maganda pa rin pwesto ko. Sumunod si Ryan at si Gracielle.
Kuha pictures. Yeah. Tapos may napansin akong problema.
CAMERA
Malapit na palang maubos ang battery ng camera ko. Kaya in-off ko ang flash para tipid sa baterya. Unang beses ko pa lang ginamit ang camera na yun nang walang flash, kaya hindi ko alam ang mga magiging resulta pa.
SESSIONROAD
Natapos na si Kitchie. Nag-alisan ang mga "VIP" na naka-reserve sa unahang mga upuan. Uupo na sana kami nang biglang may sumingit. Reserved na rin daw. Bubugbugin ko sana pero wag na lang.
Umupo ulit kami sa aisle. Nagsimula ang performance. Nagkaroon ng bakanteng upuan sa may kanan namin at doon kami umupo.
Matapos ng ilang shots sa camera ay in-on ko na ulit yung flash, dahil mukhang magtatagal pa naman. Ginamit ko ang 35 exposures sa performance ng sessiOnroad, na halos lahat ay naka-focus kay Hannah Romawac, ang vocalist.
Mapapansin na nangitim silang lahat, itim na galing sa exposure sa araw. Malamang ay nag-beach sila ilang araw bago sila nag-perform.
May mga ginawa silang covers ng ibang kanta. At kumpara kay Kitchie Nadal ay mas mahaba ang performance nila. Personally, mas nag-enjoy ako sa performance ng sessiOnroad.
AFTER NG PERFORMANCE NG SESSIONROAD
Lumapit ako kay Hannah. At nang mapansin niya ako ay parang nagulat siya. Hehe... namumukhaan pa niya pa rin pala ako kahit noong February pa kami huling nagkita. Oo, nagkita kami. Hehe... Bago daw hair-do ko... Siyempre tuwa naman ako...
Nag-request ako na picture-an siya nang solo. Pumayag siya. Naaalala niya pa rin ang madalas kong pagkuha sa kanya nang solo.
Linapitan ako ng mga kasama ko at sinabi sa akin na i-request kay Hannah kung pwedeng magpa-picture kami. Nahiya pa ako sa lagay na yun pero nasabi ko rin. At pumayag siya ulit.
KITCHIE NADAL VS. SESSIONROAD
Kitchie Nadal = may pagka-suplada siya kanina. Hindi siya masyadong nag-entertain ng mga magpapa-autograph at mga magpapa-picture matapos ng kanyang performance. Kahit dati pa ay ganyan siya (maliban sa Alabang Town Center.) Dahil na rin siguro sa nandun ang ilan sa mga kamag-anak niya.
sessiOnroad = Ine-entertain nila ang mga gustong magpa-autograph, magpa-picture o kahit simpleng usap lang. At willing talaga sila, hindi yung tipong pilit.
Mas sikat talaga si Kitchie kaysa sa sessiOnroad. Si Kitchie ay may pagka-masa na dahil sa mga kanta niyang "Wag na Wag Mong Sasabihin" at "Same Ground" na madalas ipagtugtog sa radyo at TV. At tipong "pop" ang style ng music ni Kitchie.
Ang sessiOnroad ay more on "rock." May pagka-masa rin sila dahil sa "Suntok sa Buwan", pero ang iba nilang kanta ay tila hindi na pang-masa.
At comment lang... Si Kitchie Nadal lang ang madalas makakuha ng "fame" at nai-ignore na ang mga ka-banda niya dahil sa pangalan lang niya ang ginagamit sa mga album, tours, promos, etc.
Hmmm... Maganda kayang pagsabayin si Kitchie Nadal at ang bagong Mojofly? Hehehe...
UWI
Bago kami umuwi ay nilibre kami ng inay ni Gracielle sa KFC. Nakakahiya nga e...
Sumakay kami ng bus pabalik ng Cavite. Pero nag-SM Bacoor muna ako para makapagpa-develop. Sinamahan ako ni Ryan.
PICTURES
Medyo nakaka-dismaya ang mga pictures, lalo na yung mga kinuha ko na hindi naka-on ang flash dahil malalabo ang kuha. May mga magandang kuha, may mga pangit. Pag naka-off ang flash ng camera ko ay naka-off din ang auto focus. Kaya malabo. AMP.
9:00pm na ako nakauwi.
I was here at 5/2/2005 12:26:12 am
Isolate this entry
Saturday, April 30, 2005
Lumalala na ang topak ng SUN. Biglang nawawalan ng signal (from "full bar" magiging empty), mahirap mag-send, hindi ako makapagpa-ring ng cellphone ng iba... Isang malaking AMP. Kaya balik na ulit ako sa Globe. Kaka-load ko pa lang ng P300 sa Globe ko, isang "feat" na matagal ko nang hindi nagagawa. Kapag naubos na ang load ng SUN ko, Globe na ang gagamitin ko pang-text. Naka-stand by na lang ang SUN ko pag nagkataon.
****
Wala umano kaming pasok sa Lunes, May 2. Nakasaad daw sa batas na kung ang isang holiday ay matapat sa isang Sunday, ito ay ililpat ng Lunes. Labor Day ang May 1, at dahil Sunday, linipat sa Monday.
Hindi ako natuwa sa pangyayaring to. Siguro kung nasa high school pa ako at ganito ang mangyayari, matutuwa ako dahil walang pasok. Pero pag college, ang bawat araw ay mahalaga. Planado na ang mangyayari sa buong term/semester. At pag may nalaktawan na isang araw, medyo hassle na, kasi kailangan makahabol, lalo na kung sakto lang ang schedule na nakasaad sa syllabus.
****
Um-attend ako sa isang lecture tungkol sa driving. Sa simula ay parang gusto ko nang umalis dahil:
1. wala akong ibang kilala sa mga iba pang a-attend ng lecture na yun
2. baka matanong ako ng nagle-lecture at wala akong masagot, baka mapahiya ako
So ayun nga... natanong ako once, pero ang kailangang sagot ay "oo", at nagawa ko namang sumagot ng "oo."
Natutunan ko ang troubleshooting pag nag-overheat ang sasakyan, kung ano ang pwedeng gawin pag ayaw mag-start dahil walang power ang baterya at kung ano ang mga pwedeng gawin pag nawalan ng preno at umaandar ka nang mabilis (pati handbrake wala na rin.) Natutunan ko rin ang mga common driving errors. Next week ay may lecture ulit. Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako. Pero sayang kasi kung hindi ako pupunta, marami pa naman akong matututunan dun.
****
Napanood ko ang dalawang huling episodes ng Full House sa Channel 7. Dati ay hindi ko yun pinapansin, pero nang magawa kong panoorin ay natuwa ako sa mga napapanood ko... sabay nai-relate ko sa mga nangyayari sa akin ngayon at parang naluluha ako... (WTF?!)
I was here at 4/30/2005 9:26:25 pm
Isolate this entry
Friday, April 29, 2005
http://keopaolo.blogdrive.com
Na-cancel ang second day ng driving school ko dahil ang instructor ay nasa ospital, nakunan daw kasi ang kanyang asawa.
Naaalala ko ang mga lessons na ituturo sa akin within 5 days. At sa naaalala ko, ang parking, highway driving at heavy traffic driving ay nasa may bandang dulo pa (4th-5th days), pero pinagawa na agad sa akin kahapon. Excited na sana akong mabangga kanina kaso na-cancel nga...
Pumunta na lang tuloy akong Lotus mall (yeah, Lotus). Bumili ako ng PSone CDs na Final Fantasy VII at Final Fantasy IX. Bumili rin ako ng DVD na 3-in-1, merong "My Sassy Girl", "Windstruck" at "My Crazy Love."
Nagpagupit din ako kahit kalbo ako (?).
Napakainit kanina, lalo na nang sumakay ako sa jeep pauwi sa amin. Tumutulo ang pawis ko. Sobra ang init ngayong summer. Sa kwarto ko na dalawa lang ang bintana (at hindi pinapasok ng hangin maliban na lang kung bukas ang pinto), tinotodo ko na ang electric fan upang maPAOE ang init.
Bertdey ko nga pala noong April 26. Salamat sa mga bumati, sa mga bumabati, at sa mga babati. Gumala ako noong birthday ko. Saan ako gumala? Sa LTO. Hehehe... Pahabol: Giving of gifts is encouraged.
Kahapon ko lang nasubukang laruin ang binili kong PS2 game na Tenchu: Fatal Shadows. Maganda yung laro kaso mahirap. Pero sa unang level, ang nakuha kong "ranking" ay "Expert Ninja."
SABON!!!!!!!!!!!!!
I was here at 4/29/2005 1:12:59 pm
Isolate this entry
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |