Visit http://paoe.blogdrive.com


Tuesday, June 28, 2005
Panawagan

Ako ay nagiging biktima ng isang maling balita ngayong mga panahon na ito.

In short, ako ay natsi-tsismis (nachi-chismis).

Aking pinabubulaanan (tama ba?) ang mga bali-balita...  Wag kayong magpapaniwala sa mga sabi-sabi o sa inyong mga obserbasyon...  Looks can be deceiving...  At kayo nga ay nade-deceive...

Wag kayong maging biktima ng maling akala.

Eto na lang...

Mahal ko si _ _ _ _ _

I was here at 6/28/2005 5:40:59 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Sunday, June 26, 2005
Mojofly

Kahit na kailangan kong mag-aral para sa NURS102 (Promotive and Preventive Nursing Care Management) at Pharmacology, gumawa ng computerized na drug study, mag-research tungkol sa 12 Olympian gods, at magsulat sa diary (isang requirement) tungkol sa mga nangyayari sa aming duty, still, nanood ako ng gig ng Mojofly.

Hindi ako magpapapigil...  Hangga't kayang isingit sa schedule ko, isisingit ko.  Hehehe...

Ito palang si Lougee, ang bagong vocalist ng Mojofly, ay may pagkakahawig kay Kitchie, ang dating vocalist ng Mojofly.  At ka-boses din ni Lougee si Kitchie pag nagsasalita.

Marami silang pinerform kanina, lampas sampu ata yun.

****

At... may free 8R recopy pala ang Photoline kapag nagpa-develop ng film na lampas ng 24 shots...  At matagal na raw sila nag-o-offer ng ganun.  At pinalakihan ko ang solo shot ko ni Lougee.  Ayos.  Ang problema ko lang...

Bakit ngayon ko lang nalaman to?!

I was here at 6/26/2005 11:51:28 pm
Unleashed animals (2)  




Saturday, June 25, 2005
Bomba (?)

Ngayon lang ako nakapag-internet ulit.  Masyado akong pagod (?) pag-uwi galing sa klase, o kahit saan man.


TUESDAY

Noong Tuesday ay aking napag-alaman na hindi raw pwede ang nabili kong white shoes dahil ang kailangan ay all white talaga (ang nabili ko ay medyo cream ang sole).  Wednesday kailangan ang white shoes, pero nalaman ko lang na bawal noong Tuesday ng lampas 7:00pm.  Isa lang ang pwede kong gawin: Pumunta sa SM at humanap ng kapalit, o kaya bumili na lang ako ng bago.  Hmmm... dalawa pala yun.

Ayun, pagkauwi ko sa amin ay dumiretso agad ako sa SM.  Mga 8:30pm na ako nakarating, at nahirapan pa akong humanap ng white shoes.  Muntik na ako abutin ng closing time ng SM nang ako ay nakabili ng bagong white shoes.  Ang una kong nabiling white shoes ay pinapalitan ko na lang ng black shoes.  BLACK SHOES.  Pamilyar to ah...  Wahahahaha...


WEDNESDAY

Muntik na akong ma-late (ulit) noong Wednesday.  Ang kaparusahan kapag na-late during duty days (tinatawag na RLE days) ay make-up duty pwedeng sa sem break o kaya summer.  Medyo maaga akong umalis sa amin noong araw na iyon para hindi ako ma-late.  Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay natandaan kong kulang ang aking mga nursing paraphernalia.  Kapag nagkulang ako ng 3 paraphernalia ay make-up duty rin.  Kaya bumili ako ng paraphernalia bago pumunta ng classroom.  Pawis na pawis ako pagdating sa classroom.  Whew.


THURSDAY

First hospital exposure.  Wala akong kaide-ideya kung ano bang dapat kong gawin sa ospital.  Pero dahil mabait si Ma'am Sumagpao (oo, mabait siya... akala niyo lang hindi), mga simpleng bagay lang muna ang pinagawa sa amin.

Ako ay kumuha ng vital signs ng isang batang amputated ang buong right leg.  Nakakaawa ang bata dahil siya pala ay nasagasaan ng isang kotse.

Nakakapagod palang tumunganga...

Matapos kong kumain pagkauwi ay antok na antok na ako...


FRIDAY

General assembly noong umaga hanggang tanghali.  Ang mga mag-aaral na may duty ng 0600-1400H sa section namin ay wala nang duty, samantalang kaming mga 1400-2200H ay meron.  Unfair.  Pero binigyan pa rin kami ng consideration kahit papaano, dahil imbis na 2200H kami umuwi, mga 1830H pa lang ay pinauwi na kami.

Maraming itinuro sa amin, pero tila (?) hindi ko matandaan lahat.

Ako ay kumuha ng vital signs ng isang 85-year old na lola na na-stroke.  Kinabahan ako at iyon ay napansin ng isang medicine student ata yun, at ako'y kanyang tinulungan.

Nag-inject din ako ng insulin sa isang pasyente.  Biglang in-order sa akin ni Ma'am Sumagpao e.  Hehe...


SATURDAY

Puta*g ina.  Nabangga ko kotse namin...!!!!!



Sa Linggo (bukas) ay manonood ako ng gig ng Mojofly.

I was here at 6/25/2005 11:19:37 pm
Unleashed animals (1)  




Saturday, June 18, 2005
Sexbomb... again

Kahapon (Friday) ay nanood ulit ako ng mall tour ng Sexbomb.  Kami ay dinismiss ng tanghali dahil tinapos lang namin ang naputol na orientation noong first day ng klase.  Sinama ko kahapon ang isa kong kaklase sa Robinsons Manila.  Buong akala namin ay walang makakakita sa amin doon dahil malayo yun sa gubat na aming pinapasukan.

Pero nagkamali kami.  Habang kami ay naghihintay na magsimula ang "mini-concert" (siyempre nasa unahan kami, hindi ko matatanggap pag nasa likuran ako amp), napatingin ang kasama ko sa may bandang kanan, at nakita niya ang isa naming kaklase, kumakaway, nakangiti, at sumesenyas na tila ibig niyang sabihin ay "Lagot!!!"

Ayon sa aming orientation, bawal kaming pumunta sa mga pampublikong lugar (e.g. malls, fast food chains, etc.) nang naka-uniform.  Pero ano bang pakialam nila...  Hehehe...  Sa Robinsons Manila ay may nakita rin kaming nursing student galing sa ibang section.  Bale may 4 na taga-DLSU-HSC na pasaway noong araw na iyon, at malamang marami pang mga pasaway.

Bago nagsimula ang performance ay nagkaroon ng Q&A portion.  Sumali ako (haha) kasi nakita ko ang premyo na kalendaryo na may pictures ng Sexbomb.  Nang nasagot ko na ang tanong ay binigyan ako ng kalendaryo at t-shirt galing sa Rev-X.

Mas maaga kumpara last week nagsimula ang "mini-concert".  Mga bandang 5:00pm ay nag-start na agad.

Kami ay nasa unahan, kaya ang ganda ng pwesto namin para kumuha ng mga pictures.  Hiniram ko ulit ang digital camera ni Ryan Medina (DAMBAIT EH).

Sa autograph signing ay kaming dalawa ang pinaka-unang umakyat.  Na-picture-an ko ulit sila isa-isa.  Bad trip nga lang at may humarang na mga daliri sa picture ko kay Rochelle.


FIRST DAY "FU*K!!!"

Sa unang araw ng aming RLE lecture ay na-late ako nang 15 minutes.  Noong araw na iyon ay wala akong kaide-ideya na RLE lecture pala namin.  Ayun, late ako. 

Noong una ay binalewala ko lang.

At kahapon ko lang nalaman na pag na-late pala ng total of 15 minutes, may make-up duty na kasama yun.

Hindi pa nga nagsisimula duty namin, may make-up duty na agad ako... AMP!!!


HEPATITIS B

Hindi pa rin ako mapalagay kung wala ba talaga akong Hepa B.  Sa wakas ay nakapagpakuha na rin ako ng dugo para i-test kung may Hepa B ba ako, kung mataas ba ang aking mga antibodies, etc...

Sa Tuesday ko malalaman ang result.

At pag nalaman kong may Hepa B ako, paalam Nursing... Waaaaaaa...

I was here at 6/18/2005 11:55:12 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Friday, June 10, 2005
Watta performance!

Yipee!!!  Napanood ko na namang muli ang aking mga favorite na SEXBOMB!!!  At yeah, andun si Che-Che Tolentino, ang isa sa mga favorite kong Sexbomb Girls na noong November ko pa huling nakita sa personal, at ngayon ay kasama na siya sa Sexbomb Singers!

Matagal akong naghintay.  Ang nakalagay sa banner sa labas ay 4:00pm ang start ng show.  Ang alam ko, 5:00pm.  Nagbiro pa ako na 6:00pm ang start.  Mali lahat ng nasabing oras.  Ang show ay nagsimula noong 6:45pm na.  Halos 5 oras ako naghintay...  Pero ang aking paghihintay ay nagkaroon ng magandang bunga...  Tuwang-tuwa ako nang napanood ko sila!  FEELS LIKE HEAVEN!

Nakabibighani ang kanilang mga sayaw...  Ang kanilang mga mata at ngiti ay nakabibighani rin...  Parang DREAM COME TRUE...  Hmm, hindi lang "parang"...  DREAM COME TRUE talaga...

Salamat sa digital camera na pinahiram sa akin ng aking kaklase dati, mas marami akong nakuhang mga larawan/litrato/picture/kodak (Kodak yung tatak ng digicam).  Hehehe...

At hindi masyadong strikto ang mga bouncers...  Na-picture-an ko ang bawat isa (Rochelle, Jopay, Izzy, Weng, Evette, Che-Che) gamit ang aking Canon camera, ang lagi kong kasama sa mga mall tours at gigs...  Sayang nga lang at naubos agad ang battery na binili ko para sa digital camera, pero ok na rin, in-ABUSO ko yung camera hehe...

Mabait ang mga Sexbomb... Wow, FEELS LIKE HEAVEN!!!

I was here at 6/10/2005 11:28:53 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Thursday, June 09, 2005
Conversation w/ Kitchie Nadal

Grabe! Ang ganda ganda ni Kitchie sa personal!  Niyaya kasi ako ni Olibear na manood ng gig sa Alabang Town Center...  Medyo nag-hesitate pa nga ako kasi parang tinatamad ako...  Pero nung nagpunta ako, WOW!  Ang ganda ni Kitchie!!!  Ang galing-galing niya kumanta at mag-perform!  Hakot niya ang crowd!

So ayun, may autograph signing pagkatapos ng gig.  Dinala ko ang CD ko para sigurado.  Ang haba ng pila!!!  Pero ok lang, hinintay ko ang aking turn.  Hindi nagtagal at ang CD ko na ang pipirmahan ni Kitchie!  Shucks, na-STARSTRUCK ako!!!  Wala akong masyadong masabi kasi natahimik ako kasi nga na-STARSTRUCK ako.  Tinanong niya ako kung ano ba ang pangalan ko.  At pagkatapos nun ay PICTURE TIME!  Tinanong ko si Kitchie kung pwede ba magpa-picture, at pumayag naman siya.  Yeah! FEELS LIKE HEAVEN!!!


Conversation w/ Hannah Romawac of sessiOnroad

Akala ko nung una ay suplada siya, pero nagkamali ako!  Napakabait pala niya!  Hehe...  Akala ko nga maiinis siya sa kakulitan ko, pero hindi pala!

Dasma:  Dito ko siya unang napanood.  Wow!  Galing niya kumanta!  Hehe...  Watta gig!  Pagkatapos ng performance ay merong autograph signing.  Nagpakilala ako at nag-request sa kanya kung pwede ko ba siyang kuhanan ng picture at kung pwedeng magpa-picture kasama siya.  Pumayag siya!  Wow!  Katabi ko si Hannah!  FEELS LIKE HEAVEN!  Tinanong ko kung saan ba susunod nilang gig at kung meron ba silang tour sa Robinsons Manila.  Pagkatapos ng autograph signing ay naghintay sila ng sundo nila sa may ground floor.  Nilapitan ko siya at kinausap nang kaunti.  Yeah!

Ortigas:  Sa Robinsons Galleria naman ang sunod na napanood ko ang sessiOnroad.  Noong autograph signing, namukhaan niya ako!  Wow!  FEELS LIKE HEAVEN!  Dating gawi, picture at pa-autograph ulit!

Makati:  Sa Glorietta naman!  Weeee!!!  Pagkakita sa akin ni Hannah ay nasabi niyang "Ikaw na naman?!" nang nakangiti.  At sinabi niya na "Bago hair-do ah!".  FEELS LIKE HEAVEN talaga!

Sucat: Pang-apat na nood ko sa kanila!  Nagpahuli na ako sa naka-pila para... ayun, walang istorbo!  Hehehe...  Nakausap ko ulit si Hannah pati na rin ang ibang band members.  Nung nagpa-picture ako kasama si Hannah... FEELS LIKE HEAVEN!


Conversation w/ Rochelle Pangilinan of Sexbomb

Wow!  Na-STARSTRUCK ako!  Dahil ang pinaka-famous na member ng Sexbomb, nakausap ko!  At naka-shake hands ko pa...  FEELS LIKE HEAVEN!  Nanlalamig pa nga ako nun kasi kinakabahan ako hehehe...  Natanong ni Rochelle, "O, bakit nanginginig ka?" habang nakangiti...  Ang sagot ko ay "Uhh... napagod ako e... hehe"


Conversation w/ Anne

Una siyang nilapitan ng isang napakamalapit na kaibigan ng aking mga pinsan, tinuturing na nga rin siyang bahagi ng pamilya.  Sunod na lumapit kay Anne ang isa kong pinsan.  Nahiya pa ako sa una, pero nung nawala na, lumapit na rin ako.  Wow...  Ganda ng ngiti ni Anne, lalo na pag kausap ako.  FEELS LIKE HEAVEN!!!

Sayang...  Hindi ko na ata siya muling makikita... =(


Conversation w/ Manong Tindero ng Fishball

KEO: Magkano ho to?
MANONG: Singkwenta sentimos isa.


Conversation w/ Globe's Customer Care Service Representative

Wow!  Sabi sa akin, "Good afternoon sir!  What can I do to help you?"  FEELS LIKE...


Conversation w/ my cellphone na ayaw ma-send ang message

"Anak ng...  P***** I**, mag-send ka!!!!!!!!!!!!!!"  Hindi sumagot ang cellphone.

I was here at 6/9/2005 6:53:11 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, June 06, 2005
Cebu slash Bohol

SUMMARY

I, with my familia, went to Cebu for a 2-week vacation.  We went there right after the last day of my summer class.  All except one of my mother's brothers and sisters were also there in Cebu.

May 24 (Tuesday)

We arrived in Cebu at around 2:15pm.

Doon kami sa mansyon ng aking Aunt Bebot nanirahan at nanalagi (?).  Binigyan ako ng pera pang-kain sa SM Cebu, at naubos ko kasama ang dalawa pang pinsan ang P500 para lang sa pagkain.

May 25 (Wednesday)

Pumunta kami sa Ayala Center, isang malaking mall sa gitna ng napakalaking city ng Cebu, kasama ang bagong dating na pinsan namin galing Indiana na si Amy (ee-mee) at iba pang mga pinsan (JR <gee-arr>, Jasmine <jez-meen>, Caryn <ka-rin>).

May 26 (Thursday)

May rehearsal ng kasal ng aking Aunt Calot at Uncle Gary.  Bago kami pumunta sa rehearsal ay nilibre kami ng aking Aunt Sandra ng pagkain (pinapataba nila ako...).  Pagkatapos ng rehearsal ay nanood kami ng pinsan kong si Kevin (Kibin) at Liry ng "Why?  Because I can!"

May dinner noong gabi, courtesy of my Uncle Caesar (tinatawag naming Daddy Caesar).  Kasama namin ang mga foreigners na kasama sa entourage ng kasal ng aking Aunt Calot.

May 27 (Friday)

Kasal.  Ako ay isa sa mga usher, kaya sumayaw ako ng "Yeah" (nah)

Dami na namang pagkain noong reception.  At pagkatapos ng kainan ay inuman.  Amp, nahilo ako...  Hahaha...

May 28 (Saturday)

Lumipat na kami sa "farm".  Hindi ito farm na may malawak na lupain na sinasaka na may kalabaw at mga palay...  Meron ditong mga pabo, manok, baboy, at may matinong bahay, kuryente, basketball court, halogen lamp, incandescent bulbs, kitchen, water tank, blah blah...

May 29 (Sunday)

Pumunta kami sa... nakalimutan ko, parang Tubod Flowing Water Resort ata yun.  May swimming pool na malawak, may pool na spring water ang tubig.  May slide na mataas.  Hehehe...  Masaya.  Gabi na kami nakauwi nun.

Dodong Dennis (di-nis) way klaro...

May 30 (Monday)

Pumunta naman kami sa Hadsan Beach Resort.  Hindi masyadong maganda ang tubig dahil maraming lumot nung oras na nandun kami.

Sumama sa amin sa beach ang aming Aunt Calot dahil paalis na siya papunta sa... hindi ko alam, basta abroad.

May 31 (Tuesday)

Pumunta kaming Bohol.  Dalawang (2) oras ang biyahe mula Cebu papuntang Bohol (sa Tubigon) sakay ng barko.

Una kaming pumunta sa isang site kung saan tanaw na tanaw ang "Chocolate Hills".

Sunod naman kami sa lugar kung saan may mga tarsier (tah-siyey).  Andun din ang river kung saan nag-shoot si Cesar Montano ng "Panaghoy sa Suba".  Nag-cruise kami sa river na yun.  Ganda ng tubig, ganda rin ng "mini-falls" sa may dulo ng river.

Nakaabot din kami sa Panglao Island.  Na-badtrip nga lang kami sa driver na naghahatid sa amin dahil ayaw sumunod sa usapan/kontrata.

Sa resort sa Panglao na napuntahan namin, may magandang swimming pool at magandang dagat.  Malalim ang swimming pool.  Nung susukatin ko kung gaano kalalim ang pool, bigla akong tinulak ng pinsan kong si Loloy.  Buti na lang, medyo marunong akong lumangoy, salamat kay Sir Rebuyas (?).  Nag-practice din kami ng diving sa pool.

Naghanap ako sa dagat ng starfish.

May na-meet ako doon sa may swimming pool, ang pangalan niya ay Anne.  Sayang...  Sana taga-Manila o Cavite na lang siya hehehe...  Layo ng Bohol e...

June 1 (Wednesday)

Sa Panglao pa rin noong umaga.  Umalis kami ng mga tanghali, kumain sa isang kainan malapit sa pier sa Tagbilaran City.  Pagkatapos ay pumunta kami sa Marcela (mall) at BQ mall.  Bumalik kami sa pier sa Tubigon para sumakay ng barko pabalik ng Cebu.

June 2 (Thursday)

Walang nangyari. <Pahinga>

May program kami noong gabi, pero hindi naman ako nasiyahan...  Kkkkkkkkk

June 3 (Friday)

Pumunta ang iilan sa amin sa Argao (south ng Cebu) upang maligo sa "tubod" (spring).  Sobrang lamig ng tubig.  Sinipon tuloy ako.

June 4 (Saturday)

Road trip followed by food trip.

Hinatid namin sa airport ang aking Aunt Sandra.  Pero bago siya umalis ay kumain muna kami sa Majestic Restaurant.  Ito ang kanilang principle sa buhay (?):

"For us to be able to continue serving sumptuous buffets, we are implementing No Leftovers, No Sharing Policy... or else you pay double."

Sarap ng pagkain dito...  Na-pressure nga lang ako kasi kailangan ubusin ko ang maraming pagkain na kinuha ko.

Malayo ang airport sa "farm" na tinutuluyan namin.

Pagkabalik sa farm galing airport, inimbitahan kami ng Aunt Bebot namin na kumain sa kanilang mansyon.  Isang mahabang biyahe ulit.  Pagkatapos ay bumalik ulit kami ng "farm".  Halos buong araw ay nasa daan kami.  Road trip followed by food trip.  Pagod na kaming lahat pagbalik sa farm.

June 5 (Sunday)

Last day.  Kumain ulit kami, sa isang Chinese restaurant naman.  Sarap ng pagkain.  At may mga magagandang chinita doon.  Hehehe...

Nilibre kami ng aking Aunt Bibic ng hotdogs bago kami tuluyang magkahiwa-hiwalay, dahil babalik na siya sa Indiana habang kami naman ay babalik na sa Cavite Cavite lagi ka sa puso ko (?!)


Chinita

Kanina ko lang naisip, para madali akong makahanap ng mga magagandang chinita na may lahing Chinese talaga, sa mga Chinese restaurant ako maghanap...  Hehehe...  Kanina nga pagpasok ko pa lang may nakita na agad akong magandang chinita...


Starstruck?

Hmmm...  Masyado ka atang exaggerated...?

I was here at 6/6/2005 2:05:39 am
Unleashed animals (1)  




Monday, May 23, 2005
Dear Blog

It's official:  Tapos na ang summer term!  Naaalala ko pa ang huling bilog na aking nilagyan ng shade sa final exam namin...  Inabot ako ng 15 minutes para lang masagutan nang tama ang item na yun.

Pero matapos ang exam, hindi pa kami pinauwi.  Meron pa kaming discussion.  Oo, discussion!  Nagbiro pa nga ako na dahil ang last topic namin ay post-mortem care, idi-discuss namin ang tungkol naman sa burol at libing.

Tinuro ulit sa amin ang tungkol sa documentation and recording, dahil gagamitin namin ito para sa duty namin sa 3rd year.

Huling araw ko na ng pagsuot ng beige santana polo barong at chocolate brown pants kanina...  Magpuputi na ako, kasama ang mga ka-batch ko!

Unless...  Malaman kong may hepatitis B pala talaga ako...

****

Official na rin:  Tapos na rin ang driving lessons ko!  Matapos ang ilang delays, natapos na rin sa wakas.  At dahil last ko na yun, sinigurado nila na challenging ang huling session ko, kahit hindi nila intention yun.

Sobrang ganit ng steering wheel ng kotse na pina-drive sa akin.  Ma-ganit.  Matindi ang resistance ng steering wheel.

Nasanay pa naman ako sa Ford Lynx namin na madaling i-drive...  At dahil nasanay na rin ako sa mabilis na patakbo gamit ang Lynx, medyo napapabilis ko na rin ang kotse na aking dinrive (dinrive?!).  Pero ayaw ng instructor na bilisan ko ang andar, at gusto niya nasa pinaka-kanan na lane ng highway ako mag-drive kahit may mabagal na jeep sa harap ko.  Ok lang, nahihirapan din naman ako sa sasakyan na yun e...

****
 
Ang naging preparation ko para sa final exams namin kanina ay ang paglalaro ng Final Fantasy VIII.  Galing ko 'no?

Pupunta na kami ng Cebu bukas.  Mga 2 weeks kami doon.  Simula na ng bakasyon ko.  Gusto kong masunog sa ilalim ng araw habang nakababad sa tubig dagat hahaha...

I was here at 5/23/2005 8:33:06 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Sunday, May 22, 2005
Wala Lang

ULAN YOUR ASS

 

Ulan.  A worn-out topic.  Your ass...!!!

 


"SHORTCUTS"

 

Cellphones na naman.  Dahil sa cellphones, ang paraan ngayon ng pagsulat at pagta-type ay naiiba na rin.

 

aq= ako (Lgi na lang aq, aq, puro n lng aq)

me= ako (Hndi pa me handa!)

u = ikaw (Asan na u?!)

2 = pang-ulit ng syllable (babasahin = ba2sahin)

xa= siya (Sino ba xa?)

 

Maiintindihan ko pa kung sa text ginagamit yan.  Pero pati sa chat, sa e-mail, sa blog, anak ng, pati sa lecture notes ganito na rin ang ginagawa ng iba...

 


WWE SHOWS MOVED

 

Na-move nga pala ang schedule ng WWE shows sa Jack TV (dating USA Channel, na dating Solar USA Channel).

 

WWE RAW = Saturday 8pm (moved from Wednesday 8pm)

WWE SMACKDOWN! = Sunday 8pm (moved from Friday 8pm)

 

Somehow, beneficial to para sa akin kasi imbis na nanonood ako pag Wednesday ng gabi, pwede na akong matulog na lang o kaya mag-PlayStation... Hahaha


 

ANONG "PASUKAN NA..."? "BAKASYON NA!!!"

 

May mga taong medyo nalulungkot na kasi malapit nang mag-start ang classes sa June, pero ako, magsisimula pa lang ang summer vacation ko!  Hahaha...

 

Pupunta akong Cebu isang araw pagkatapos ng final exam namin.

 

 

DRIVING SCHOOL AMP

 

Supposed to be (yeah, supposed to be) ay tapos na ang driving lessons ko kaninang umaga.  Isang oras na lang ang natitira at graduate na ako.

 

Pero ayaw mag-start ng kotse.  Naubos ang isang oras, at hindi ako nakapag-drive.  Re-schedule na naman amput...



MALL TOUR NG SEXBOMB


Bad trip...  Kanina dapat ay nasa Robinsons Pioneer ako para mapanood ang Sexbomb Singers sa mall tour nila...  Pero hindi ako nakapunta!!! AAARRRGGGHHH!!!


I was here at 5/22/2005 1:35:13 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, May 16, 2005
sessiOnroad sa Sucat

I have watched another stellar (cosmological/astrophysical?) performance by sessiOnroad yesterday at SM Sucat (Parañaque).

Ganda ng intro haha... English yun...

Nagpagupit si JV, pero may tinira siyang isang mahabang dreadlock.  Naka-ilang ayos din sa mic niya dahil laging may topak yung mic.  Pero astig pa rin...

Nanggigigil si Chavi sa drums habang si Richard naman ay tumutugtog ng bass (galing mag-bass, para tuloy gusto ko ring matuto hehe)...

Pinakita ulit ni Coy ang galing niya sa guitars.  Pinagmamasdan at pinakikinggan kong mabuti ang pagtugtog niya, at ayun, sobrang galing...  Napapaisip tuloy ako, "Paano ko kaya matututunan yung ganun?"  Hehehe...

At si Hannah, ang vocalist.  Magaling din mag-guitars.  Galing din ng boses...

Matapos ng performance ay pinapirmahan ko ang 3 solo pictures ni Hannah at isang group picture (ako kasama ang banda).  Nagulat si Hannah dahil 3 talaga yung pictures niya (waaaa... hindi intentional yun hehe)  Nagpa-picture din ako pagkatapos...

Astig kayo!

Kung pwede nga lang, panonoorin ko kayo sa Thursday...

I was here at 5/16/2005 7:24:56 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Next Page

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed