Visit http://paoe.blogdrive.com


Thursday, July 28, 2005
Eulogy

Before anything else, I would like to congratulate myself (?) dahil...

1.  Hindi ko pala talaga professor si Ma'am Doctor (Congratulations!)
2.  Ako ang unang naging scrub nurse sa group namin.  Salamat sa mga "nag-volunteer" sa akin.  Yehey!

****

Sun Cellular.  It was a friend since December last year.  We had a lot of memories.  We had our share of ups, and of course, downs.

It was there when I needed to call 15 minutes straight without worrying about "load shortage."

But it did also let me down.  It failed me.  I had to press the Send button around 25 times just to send a single f*ckin' message.  And I had to call a million times (engk) just to be able to call someone else.

F*ck you.  Hehehe...

****

Smart.  It was able to seduce me with its unlimited call and unlimited text offers.  But what has it done to me?   It made me a slave of my phone.  Yes, texting is a lot easier with it around.  But, it is a hindrance to progress (?).

F*ck you too.  Hahaha...


I was here at 7/28/2005 5:43:16 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, July 25, 2005
Mojofly, Prelim kapabayaan, et cetera

Ako ay nanood ng gig ng Mojofly kahapon sa Robinsons Imus.  Salamat kay Ryan Medina dahil pinahiram niya akong muli ng kanyang digicam.  Marami akong nakuhang pictures, at nakapag-video pa ako.

Pinapirmahan ko kay Lougee ang 8R solo photo niya na aking kinuha noong gig nila sa Robinsons Dasma noong nakaraang buwan.  Nagulat siya sa laki ng picture, at kanyang pinakita iyon sa kanilang manager.  At humihingi siya ng kopya.  Hehe...

****

Ako ay pabaya.  Isang tunay na disaster ang performance ko noong prelims ngayong semester.

Sa aming exam sa World Literature, ako ay nakakuha lamang ng 17/35.  Isang malaking kapabayaan.  Kung sineryoso ko lamang iyon ay mataas sana ang aking nakuhang score.  At kung seseryosohin ko lang sana ang lahat ng subjects ko, hindi ko mararamdaman ang nararamdaman ko ngayon.

Para akong wala sa sarili.  Pinanghihinaan ako ng loob.

Maraming magsasabi na hindi pa huli ang lahat.  Alam ko na yan... dahil sa formula na may Vitacreme na nagbibigay ng 48-hour softness!

****

Unang araw namin sa pagkuha ng subject na Obstetrics/Obstetric Nursing.  May dalawang magagandang "surprise" kanina sa unang araw na ito:

1.  Ang 30-item pre-test.  Actually hindi na talaga to "surprise", dahil anticipated nang meron ngang pre-test.  Pero hindi ako nakapag-aral.  Ang resulta:  2/30.

2.  May bago kaming professor sa subject na ito...  May pumalit kay Ma'am Fauni...  Sino siya?  <drum roll> . . . Si MA'AM DOCTOR!

****

This "hatred flush" is stupid, destructive, and totally unnecessary.

That's why this "rivalry" between you and me, it's over (for good).

"Because at Vengeance...  I'm gonna kick...  the devil's...  ass!!!"

I was here at 7/25/2005 7:55:55 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Thursday, July 21, 2005
Prelims, Prelim Exams

The prelim term has just ended.  And to sum it up, it was a total disaster.  A total wreck (?).  Let me give you a clear (yet blurred?) picture of what I've been through during the first part of three parts of this semester.

Pain and Surgery.  It was our subject for the entire prelim period.  It was a roller coaster ride: it had a lot of ups and downs.  Ups include easy quizzes courtesy of Ma'am Sharon Vicedo, Sir Leon "Wawie"/"Wowie" Fojas, the handscrubbing return demonstration, the lively discussions facilitated by our professors.  The downs, on the other hand, include a lot of "tragic memories" (?), like the gowning return demonstration, surprise pre-tests by Ma'am Resty Tan, the unit exams, and of course the "Ayoko nang mag-nursing"-inducing term exam.  And yeah, the first day fu*k...  The day when I arrived 15 minutes late for our first RLE day.  I became the first-ever make-up duty "awardee" in our batch.  Hehehe...

Pharmacology.  No matter how good the professor is, wala pa rin talaga akong matutunan.  Maybe because I do not have the interest for the subject.

LiteratureParang wala lang.

REEDIsa pang wala lang.  Our prelim period of REED could also be called "The Braveheart Class."

RLE/duty days.  Our first rotation was a fun experience.  And the next rotation turned out to be a torture.  There's a rain after the rainbow...? (WTF???!!!!)



PRELIM EXAMS

Pain and Surgery.  A real pain, according to Rhys the @$$.  Kung nakapag-handa at nakapag-aral lang ako at least one week bago ang exams, hindi sana ako nanghuhula ng isasagot.

Strategies of Health Education.  The term exam was an easy one, but the quiz attached to the term exam contained items which I was unfamiliar with.

Pharmacology.  We had an overdose.  Literally.  We were caught by surprise.  When I was still looking down at my test questionnaire pretending that I was choosing the right answer (when in reality I was just thinking of happy moments, to distract myself from the torture I was going through at that time), Ma'am Vicedo asked us if it was ok for us to take the unit exam along with the term exam.  It seemed like we had no other choice, so we took the unit exam.

Correction: Unit EXAMS.  It had around 5 pages of pure torture, ranging from basic terms and history of Pharmacology to the enumeration of different types of a specific drug and formulation of nursing diagnoses.

LITERATURE.  I read "An Ounce of Cure" and "A Rose for Emily" in lieu of reviewing for Pharmacology.  And since Fate was a bit tough that time, the two "short" stories were not included in the exam.  The essay type of test plagued the exam.

REED.  A breather.  Thank you Sir Vladimher for making a not-so-difficult exam.  Hehehe...

I was here at 7/21/2005 9:58:00 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Wednesday, July 20, 2005
Ulol

Nampowta...  Bagsak ata ako sa exam namin sa Pain and Surgery.  Hindi sa nagiging pessimistic ako, pero matapos kong sagutan ang mga items na sa tingin ko ay masasagutan ko, out of 100 items, 63 lang ang nasagutan ko.  At ang 63 na yun, hindi pa ako sigurado sa mga yun.  Napakahaba ng coverage ng exam namin na yun, kaya hindi ko malaman kung paano ko sisimulan ang pag-aaral.  (isang lame excuse para sa "Hindi talaga ako nag-aral"...  hehe)

Isa sa mga dapat kong sisihin ay ang DVD ng WWE Wrestlemania XX.  Kung hindi dahil doon ay nakapag-aral sana ako nang maaga. Hehehe...

Isa pa sa mga dapat kong sisihin ay ang antok.  Dahil sa antok, pinili kong matulog na muna.

Isa pang dapat sisihin ay ang alarm clock ng aking cellphone.  Medyo nilaksan ko na ang volume ng alarm para magising ako, pero hindi pa rin tumalab.

KASALANAN NIYO TO!!!!  Hehehe...

Bukas ay exam namin sa p*tang inang Pharmacology.  Magme-memorize na naman ako ng mga pangalan ng mga gamot.  Kaya ngayon pa lang ay naghahanap na ako ng pwedeng sisihin...  Aha!  Internet, kasalanan mo pag bumagsak ako sa test namin doon bukas!!!

I was here at 7/20/2005 5:32:28 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Friday, July 15, 2005
Ang sohhhhft

It's official...  Ang aking kalbaryo sa JP 3F ngayong semester na to ay tapos na.

And it ended with a 100+ points na exam.  Lagyan mo ng identification ng color coding ng JP hospital, ng meaning ng mga iba't ibang abbreviations, conversion, drug computations at marami pang drug computations, at yun na ang "Finisher" ng rotation ng duty sa JP hospital.  Finisher.  Tigok.  Chugi.  Amp.  Chugi amp*ta...

Ang aking ama ay in-operahan sa mata kanina, at sobrang tagal naming naghintay doon kasama ang aking ina.  Ako ang naatasang maging driver pauwi dahil hindi pwedeng mag-drive ang aking ama pauwi galing sa operasyon dahil apektado ang kanyang bisyon (vision).  Successful naman (ata) ang kanyang operasyon.

Sa ngayon ako ay pa-banjing banjing na lang...  Pwede akong mag-aral, mag-exercise, manood ng TV, achuchuchu...  Pero mas maganda kung makakapag-aral na ako para hindi ako bumagsak sa term exams namin next week.

Para sa aming CI sa JP 3F, maraming salamat...  At hindi lang ako ang nakita niyo ngayong week na to.  Hehehe...  Seriously, maraming salamat sa inyong paggabay sa amin, sa inyong malupit na nature na inyong istratehiya upang kami ay ma-disiplina at matuto.  *appear!*  (huh?)

****

Tang ina tong internet na to kanina pa nadi-disconnect AMPUTA...!!!!!!!!!!!!!!!!  Putang ina ka!!!!!!  GAGO!!!!!  Walang kwenta!!!!!!!!!!!

I was here at 7/15/2005 7:46:47 pm
Unleashed animals (1)  




Thursday, July 14, 2005
Mga hinaing

"Dito sa Pilipinas, kailangan nating maging resourceful, dahil tayo ay... ano?  Dahil tayo ay kulang sa resources."

Well...  I agree!
****

Bukas na ang huling araw ng duty ko sa 3rd floor ng JP.  It was a hell-ish experience (well, at least for me)...  Ako kasi ang laging napupuruhan, laging nakikitang mali, laging napapag-initan ng CI namin.

Sa duty days namin sa JP, pinagbawalan kaming umupo.  Dapat lagi kaming nakatayo sa tabi ng kama ng pasyente na na-assign sa amin.  Walong (8) oras ang duty namin, at siguro mga 6 na oras dun ay inilalaan namin para sa pagtayo.

Goodbye JP, hello JP.  OR naman next time.

****

Isang gabi ako ay nagmuni-muni habang nakasakay sa isang tricycle pauwi ng bahay.  Sumagi sa aking isipan, "Nakaka-miss mamasahe kapag umaga..."

Lagi na akong nagd-drive papunta ng school (at dina-drive ng aking ama pabalik ng bahay ang aming kotse).  Isa sa mga dahilan bakit ako nagd-drive papunta ay dahil late na ako umaalis sa amin.  Samahan pa ng traffic, ang resulta ay late sa klase.  Late sa klase = bawas sa grade para sa attendance or worse, make-up duty kung sakaling tumapat sa isang duty day ang pagiging late.

Isa ring dahilan ang puting uniform na aking suot.  Sa mga pampasaherong jeep, hindi makasisiguro kung ang loob ba ay malinis hangga't hindi ka nakasakay.  Ayokong magkaroon ng maitim na mantsa sa aking ass sa simula pa lang ng umaga.  Oo, ass.

Pero nakaka-miss nga ang mag-commute kapag umaga.  Nami-miss ko ang mga biglang pagtigil, ang biglang pagharurot, ang usok, ang pawis, atbp...

****

Napakabulok talaga ng SUN!!!  Nakakainis na!  Sayang lang ang ni-load ko last month na P150 text unlimited, dahil mula noong nag-load ako (hindi ko alam kung sinadya), muling naging bulok na naman ang SUN...  Delayed messages, nawawawalan ng signal, at ang pinakanakakainis ay ang 1 minutong "Sending message" na nauuwi lang sa "Message sending failed."  Kahit na madaling araw, kung kailan karamihan sa mga tao ay tulog, ganoon pa rin ang sitwasyon ng SUN...

Dati ay "main line" ko ang SUN...  Ngayon magiging "side drip" ko na lang...

Boo SUN!!!

I was here at 7/14/2005 5:44:25 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Saturday, July 09, 2005
/\/\/\/\

It's all about the game, and how you play it.

I was *forced* to play her game.  I wasn't ready.  I was caught off guard.  I knew nothing about the rules.  And eventually, I lost.

I have 3 days left to prepare for the game.  I will be playing it, again.  I do not want to, but I have to.

I was here at 7/9/2005 11:45:19 pm
UNLEASH THE ANIMAL  

@$$

"Alam mo, para kang laging wala sa sarili.  Pag inuutusan ka, parang hindi mo alam ang gagawin mo.  Ikaw ba'y gusto mo talagang mag-nursing?  O pinag-nursing ka lang?"

"Ganyan ang observation ko sa'yo..."

"Hindi ka ba nakapag-retdem? (return demo)"  (hindi ko malaman kung insulto ba yun o tanong talaga)

"Baka pumalpak ka na naman tulad kahapon..."

"Saan sunod niyong rotation?"  "Aba, hindi pwede ang ganyan sa OR...  Mapapa-scrub out ka niyan...  Kailangan, presence of mind..."

"Ano yung gamot na binigay mo?  Hindi mo binasa ang medication card...  Nakikita ko na kung sino mga basta na lang nagbibigay ng gamot nang hindi binabasa ang medication card."

"Ano mga bagong orders sa pasyente mo?  Ano pa?  Ano pa?  Ano pa?  Ano pa?" (hanggang sa wala na akong masagot...  then turn na ng iba, at...)

"Teka may kulang ka pa, may hindi ka pa nasabi tungkol sa pasyente mo..." (Bakit ako lang ata inulan ng maraming tanong?)

I was here at 7/9/2005 12:19:46 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, July 04, 2005
Good morning Keo... 2

Ako ay gumising mula sa aking pagkakatulog nang 6:00am upang mag-almusal at manood ng The Simpsons.  Nag-sipilyo pagkatapos at naligo ako.  Nagbihis ako at umalis ng bahay ng 7:30am.  Ako ang nag-drive papunta ng school.

Pinasok ko ang kotse sa loob ng Health Sciences Campus hanggang sa may chapel area, doon sa kung saan naroroon ang aming classroom, mga 5 hanggang 7 minutong paglalakad mula sa entrance.  Pinasok ko na ang sasakyan para tipid sa oras, dahil saktong 8:00am na ako dumating.

Hindi ko alam kung ano ang nag-aabang sa akin noong panahon na yun.

Bumaba na ako sa "underground" kung saan naka-locate ang mga classrooms.  Nakita ko ang kaklase ko dati doon.  At kanyang sinabi, "Late ka na!  Hindi kayo dito...  Doon ata kayo sa lecture hall!"

Ang lecture hall ay nandoon sa may malapit sa entrance ng school.

Ako ay napatigil.  Amp*ta...  OO NGA PALA!!!  Sabay takbo papunta ng lecture hall, dahil bukod sa late na ako ay may quiz pa kami.  Tumakbo ako kahit na may dala akong napakalaking libro at kahit naka-leather shoes ako.

Pagdating ko sa lecture hall ay tahimik nang nakatungo ang aking mga kamag-aral, na may mga piraso ng dilaw na papel sa kanilang harap.  Napatingin ako sa aking guro habang hinihingal nang malakas.

Mabuti't inulit ng aking guro ang katanungan para sa bilang 1 hanggang bilang 5.

Ngayon ay sumasakit ang aking mga binti.

****

Ginagamit ko ngayon ang scented mosquito coil na hindi ko malaman kung kulay blue o kulay violet.  Wow...   Sana magkaroon ng mga katol na amoy Hugo Boss o kaya Polo.

****

Napapaisip ako minsan...  Bakit ko nga ba kinuha ang kursong nursing, samantalang noong elementary at high school years ko, isa sa mga ayokong subject ang Health?  Isa yan sa mga subject na nahihirapan akong ipasa.

Pero ngayon, ako ay third year student na, naka-white uniform, nagdu-duty sa mga ospital...  Wow...  Mahal ko na ata ang nursing!!! (wtf?!)

I was here at 7/4/2005 9:04:09 pm
Unleashed animals (3)  




Sunday, July 03, 2005
Mayonnaise

Friday.  Kami ay nag-exam.  Evaluation exam.  Hindi ako nakapag-aral dahil internet ang inatupag ko noong umaga.  Pero buti na lang at medyo madali yung exam *ehem*...  Pumasa ako nang wala man lang ka-effort effort (joke).

Buong akala ko ay maaga kaming pauuwiin at wala nang duty sa araw na yun.  Nagkamali ako.  Meron pala.  At gabi rin kami nakauwi.

Last day/night of duty na namin iyon sa sem na to under the supervision of Ma'am Claire Sumagpao.  Inuulit ko, mabait nga siya, akala niyo lang hindi.  Medyo tough nga lang siya minsan, pero kailangan yun sa kanyang gawain kaya ganoon siya.

At noong Friday ko lang nalaman na tutugtog pala ang MAYONNAISE sa isang street party sa harap ng campus namin.  Kaya pagka-dismiss sa amin ay dumiretso agad ako doon.  Maraming tao, dahil karamihan sa kanila ay inaabangan ang MAYONNAISE.  Kaya nung tapos na sila at nang sumunod ang mga bandang wala sa tono ang mga bokalista (o di kaya'y mga nakakalimutan ang lyrics), nagsi-alisan na ang mga tao.

Nagpaalam ako sa amin, sabi ko ay kinabukasan na ako uuwi kasi late na matatapos ang program/party.  Nang umalis na kami sa party at patungo na ako sa dorm ng kaklase ko para mag-overnight, ako ay nanghiram ng gitara (yeah) at ayun, nagtugtugan muna hanggang... mga 1:00am ata yun.  Umalis na yung iba at tatlo na lang kami naiwan sa may labas (ako, Margaux, Bhen).  Usap-usap, tugtugan (?)...  Natulog na si Margaux ng mga 3:00am at kami ni Bhen ay pumunta na sa dorm niya.  Pagdating naman dun ay tugtugan na naman (amp).  Mga 6:00am na kami nakatulog, at gumising ako ng 7:00am para umuwi.

Halos 21 oras na pala akong gising.  Kaya pagkauwi sa amin ay nakatulog agad ako...  At ako ay ginising ng 9:15am, kung hindi ay hindi na ako nakapasok sa klase namin ng 11:00am.

I was here at 7/3/2005 10:26:09 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Next Page

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed