Visit http://paoe.blogdrive.com


Monday, November 29, 2004
Mall Tour

I'm not denying it.

Kahapon ay nagpunta akong Robinsons Manila para mapanood ang Sexbomb Dancers.  May dala pa talaga akong camera.  At siyempre may plano ako habang autograph signing para ma-picture-an ko lahat ng gusto kong picture-an.

Ayun...  Mga alas-5pm nagsimula ang show.

Naroon sina Mae, Aira, Aifha, Cynthia, Jacky (Rivas), Jhoanna at Mia.

Isang surprise ang paglabas ni Jacky Rivas dahil hindi talaga siya kasama sa *original lineup*.

Maganda si Jacky sa personal...  Parang napakabait niya nga e...  Natulala na naman ako nung nakita ko siya...

At siyempre naroon ulit si Mae...  As always maganda pa rin siya...

I was here at 11/29/2004 9:48:10 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Friday, November 26, 2004
|

Yesterday was one of my most memorable days.

Na-late ako ng pasok sa Microbio Lecture.  Wala man lang nagsabi sa akin na sa Room 15 pala magka-klase...  Dumaan pa tuloy ako ng Room 9...  E ang dalawang rooms na yan ay malayo sa isa't isa...  Nasa *himpapawid* yung isa at yung isa naman ay nasa *underground*...  Late na nga ako ng dating sa school, na-late pa ako lalo dahil sa hindi ko alam kung saan ba talaga magka-klase.

Pagdating ko pa sa Room 15 ay nakita ko ang mga seryosong mukha ng aking mga kaklase.  Tila sila ay natatae.  Yun pala nage-exam na.

Pagkaabot sa akin ng exam paper, nabago na rin ang mukha kong walang ekspresyon.  Lalo pang nawalan ng ekspresyon.

Anak ng...  Wala akong masagot sa mga tanong sa exam.  Maraming dahilan:

1. Hindi ako nakapag-aral
2. Kahit aralin ko textbook namin ay wala ring silbi dahil iba ang ginagamit na reference ng aming guro (na, by the way, kamukha ni MR. VICTOR CUARTO... napaisip na lang tuloy ako na baka siya ang 2nd year 2nd sem version niya)
3. Dahil hindi ko gusto ang subject na yun
4. Dahil tamad ako
5. Dahil puro ako excuses

And for the second time... nag-overtime na naman kami sa Microbio (mi-kro-byo).

Bumili kami ng kanin sa canteen, at dinala sa KFC (mahal kasi ang kanin sa KFC... P10 na ngayon...  At habang pamahal nang pamahal ay paliit din nang paliit ang mga binebenta nila).  Ang iba sa amin ay nahiya pa...  Mahirap na ang buhay ngayon, kailangang magtipid...

Matapos kumain ay pumunta kaming library para gumawa ng lab activity para sa Microbio Lab.  Sabi ng iba, 12:30pm andun na sila.  Pero mga 1:30pm na ata sila nagdatingan.

Kopya dito, kopya doon.  Alas-2 ang time namin.

At may nag-declare na wala na raw pasok dahil sa strike.

Siyempre masama na naman loob ng mga nerds.  Imbis na tumatanggap sila ng mga ikinabubuhay nilang kaalaman ay uuwi na sila.

Pumunta ako ng SM Bacoor para bumili ng book sa Microbio, para pumasa-pasa na rin doon.  Major subject pa man din yun, at dalawang quizzes na ibinagsak ko.  Pagdating ko ng SM ay wala palang ganung libro dun.  Kaya pumunta naman ako ng Robinsons Imus.

Habang nasa jeep ako, may isang pasaherong sumakay...  Medyo na-off balance, at napasigaw "My God! Mommy!!!"

At sa Rob Imus ay mayroong nagi-isang aklat na iyon.  Yeah, aklat.



Mayroong tatlong (3) sabungan.

Magbabayad ka ng P20 entrance fee sa bawat sabungan.  Pag nakapasok ka na, lahat ng pera mo ay itataya mo, at sure win ka sa bawat sabungan-mado-doble ang pera mo.  Pero, bago ka makalabas ng sabungan ay magbabayad ka ng P10 *exit fee*.

Tanong: Magkano ang dapat na dala mong pera para pagkatapos mong daanan ang 3 sabungan ay saktong wala nang perang matitira sayo? (zero pesos)

<wag sabihing kung magsasabong ay dapat may kitain ka... sagutin na lang yung tanong>

Ex.

May dala kang P50.  Magbabayad ka ng entrance fee na P20 sa unang sabungan (50-20=P30), itataya mo ang lahat ng natirang pera (P30), mado-doble ito (30 x 2=P60), at bago ka lumabas ay magbabayad ka ng P10 (60-10=P50)  Ang P50 na yan ang gagamitin mo sa sunod na sabungan.

Ang tanong ay magkano ang dapat mong dalang pera para matapos mong daanan lahat ng sabungan ay ZERO pesos ang matitira sayo.

May sagot diyan...  Isipin niyo.



Nangutang ka ng P50 sa isang tao at P50 sa isa pang tao.  Ang kabuuang utang mo ay P100.

Bumili ka ng isang T-shirt na nagkakahalagang P97.  May sukli kang P3.

Binigay mo ang P1 sa isa, at P1 rin sa isa.

Bale ang utang mo sa dalawang inutangan mo ay P49.

P49 x 2= P98 (ang kabuuang utang mo na lang ay P98)

Idagdag mo pa ang P1 natira sayo...

P98+ P1= P99

Asan na yung isa pang piso????!!!



Hahahaha...







I was here at 11/26/2004 6:05:58 am
Unleashed animals (2)  




Wednesday, November 24, 2004
Ahh...

Andito na naman ako sa isang computer shop...  Mamayang alas-5pm sunod na klase namin amp...  Hanggang gabi pa...  Pwede naman kasing paagahin...

Anyway...  Medyo tinamad ako lately mag-update ng blog...

Wala na rin naman akong masyadong mai-kwento.  O dahil puro negative lang maiku-kuwento ko so wala na muna akong nilagay.

Anak ng Health Economics yan...  Hindi ko nagawang mag-aral nang ayos kaya ayun...  Medyo mababa makukuha ko sa test na yun...

At bukas meron pang Microbio (mi-kro-byo)...

....

Waaaahhhh!!! (ulit)

Sana may mangyaring maganda bago matapos ang araw na to...

I was here at 11/24/2004 3:25:04 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Saturday, November 20, 2004
Zzzz....

According to our *new* professor in Speech (a.k.a. Dingdong)...

"An intelligent person talks about ideas...  The "average" person talks about events...  And the foolish person talks about others."

With that said...  I am average slash foolish.

But I prefer foolish.



I feel so helpless, so weak, so stupid.

Life has been cruel lately.

I've read a book entitled "Love Wisdom".  The front page says that you must hold a question in your mind, open the book wherever you wish, and the answer will be there.

I held a question in my mind, and... when I opened the book... the answer I got was... well, *sapul*...

I held the same question in my mind moments later... and for some strange reason, it was the same page, the same answer.

I held another question in my mind, and I got another *sapul* answer...

I do not know exactly what to do.

Sa mga ganitong pagkakataon... 

Maglaro tayo gagayahin mo ako
Gagayahin din kita sa lahat ng gagawin mo
Sa una ay sabay di ka pwedeng sumablay
Pabilis nang pabilis hanggang sa ika'y mangalay

Sumayaw tayo ng step na gusto mo
Mag-isip ka ng sayo dahil meron na ako
Kung sinong mataya sasayaw siya sa gitna
Kasali ang matanda at bata

Lumukso-lukso (Gayahin niyo ako)
Umikot-ikot (Sabay-sabay na tayo)
Kumembot-kembot na parang walang buto
Halukay ube halukayin niyo nang todo

Atok atok atok
A-peace a-peace a-peace
A-kiss a-kiss a-kiss
Apir apir apir

AY... NABALI? DILIGAN MO!


I was here at 11/20/2004 9:34:15 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Thursday, November 18, 2004
Lalang

Matagal-tagal na rin ang lumipas na panahon since my last entry...  And finally nagkaroon na ako ng time para i-update ito.

Ayun... nung Sabado ay may pasok kami.  Nakakatamad amp kasi isang subject lang ang papasukan namin, at napatapat pa ng tanghali.  Sana ilipat na lang ng Friday ng umaga (tutal 11am naman unang klase namin), o kung hindi pwede ay ilipat ng umaga ng Saturday.  At hindi naisakatuparan ang aking The Plan.

Linggo.  Nag-simba ako nung umaga at pagkatapos ay nagpagupit.  Inabot ng isang oras ang gupit sa akin, at hindi ko nagustuhan ang naging resulta - iba sa inaasahan ko.  Wala na rin akong magagawa...  Ang mahaba kong buhok ay natabasan na...

Lunes.  Walang pasok.

Martes.  Health Care, health statistics.  Puro kami compute.  Maraming formulas/e, at hindi ko nagawang sauluhin lahat dahil hindi naman ako monster.  Naiisip ko lang...  Ang mga statisticians ba na kumukuha ng health statistics/biostatistics, hindi rin gumagamit ng calculators?

Miyerkules.  Nagkaroon kami ng discussion sa Science, Technology & Society kung saan nag-request ako ng "transition" ng leadership sa next terms.  Health Economics... walang pumasok sa isip ko.  Nagkaroon ng lab activity, and as always wala akong naitulong.

Huwebes.  Microbiology (mi-kro-byo-lo-ji) [pag-aaral ng mikrobyo?]...  Anak ng, wala akong naintindihan sa mga sinasabi ng aming professor.  Sa Microbiology Lab, madaliang pagsagot sa worksheet ang naganap...  Kopyahan dito kopyahan doon kasi wala nang panahon, at wala ring data ang karamihan.  Nagkaroon din ng activity, at wala na naman akong naitulong.  Sa Computer Lab... wala lang.



Where sodium is, water follows.

....

Sodium siya, water ako?

I was here at 11/18/2004 8:49:44 pm
Unleashed animals (1)  




Friday, November 12, 2004
Wala...

Thursday.  Bago pa ako maka-upo para sa subject naming Microbiology ay napagsabihan na agad kami ng aming professor.

"You are not supposed to pass there."

Dumaan kasi kami sa room 12 na konektado sa room 9 kung saan ginanap ang klase namin.

At terror ang prof namin.

Waaahhhh....!!!

Pagdating ng hapon Microbio Lab naman...

Antok na antok na ko...  Nakaka-idlip na nga ako e...

Computer Lab.  Wala palang internet yung computers sa room namin (Bakit yung sa katabing room meron?!)

Friday.  PE=basketball.  At kanina may activity agad sa Speech (ni-record pa)...

Bukas may pasok kami... Namp...

At eto na naman ako...  Pinapalala ko ang simpleng problema...  AARRGGGHH!!!

I was here at 11/12/2004 10:14:32 pm
Unleashed animals (2)  




Thursday, November 11, 2004
Blog ang mundo

Two days have passed since my last entry... At eto ang kasunod.

(Yeah.. dumarami na English words ko)

Last Tuesday, it was deja vu... again.

Prof. Monina Dimas is back.

Ang "terror" ng Anatomy ay bumabalik para sa isa na namang semester... this time para naman sa Health Care.

Nung hapon/gabi ng Tuesday ay napapunta ako sa 4 na malls... SM Dasma, Rob Dasma, Rob Imus at SM Bacoor para sa lintik na mga libro na yan.  At yung sa REED lang ang nabili ko.  Para hindi naman sayang ang punta ko, bumili na rin ako ng CD ng Spongecola (Palabas) atsaka Eraserheads (Anthology).

Kahapon (Wednesday), pumasok ako sa paaralan nang magaan ang loob.

Pero...

Bago pa man matapos ang subject naming Science, Technology and Society...

Bumigat na loob ko.

Ang mga kaklase ko ay tinuro ako para maging leader namp***ng group na yan.

Ayoko ng ganito...  Sapilitan to e...  Namp...

I was here at 11/11/2004 5:35:09 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, November 08, 2004
Wala lang... ulit

Before anything else... gusto ko mapansin niyo na English ang unang 3 words ko sa entry na to.

At gusto ko puntahan niyo to: http://www.visprint.net/publications/bob/faq.htm kung gusto niyong makabasa ng FAQ (frequently asked questions... hindi variation ng f***) tungkol kay Bob Ong, ang otor (manunulat) ng ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino at Ang Paboritong Libro ni Hudas.

Anyway (wow, English na naman)...  Nakakapanibago...  Nakauwi agad ako ngayong araw na to.  Na-miss ko ang taong lagi kong kasama bago ako makauwi sa amin...

Hmmm...

It's deja vu all over again...

Si Mr. Madison Valera, ang isang guro namin sa REED (subject na may kinalaman sa religion) dati na kinaiinisan nila, ay nagbabalik para sa isa muling semester ng REED.

Sino pa ba ang magbabalik?

Si Mr. Victor Cuarto?!

...

WAG PO!!!



Bumili ako ng album (CD) ni Kitchie Nadal nung Biyernes... at may isa akong "reklamo" (report ba?) sa kopya ko...

Wala sa order ang tracks sa CD (hindi nag-tugma ang nakalagay sa likod ng CD case at sa mismong laman ng CD)...

Pero astig...

Ang ganda ng mga kanta... (naka-ilang ulit na ko kakapakinig)

At ang ganda rin niya...!

I was here at 11/8/2004 8:05:11 pm
UNLEASH THE ANIMAL  

WTF

WTF...  Andito ako ngayon sa isang computer shop na malapit sa aking pinapasukang paaralan...  Alas-10 daw ng umaga ang pasok pero wala naman kaming room at professor.  Kaya eto ako... nag-iinternet...  Alas-2 pa ng hapon sunod kong klase.  Tsk...

Sayang ang tuition.

Sayang ang pamasahe.

Sayang ang perang pangkain.

Sayang ang paggising ko nang maaga.

I was here at 11/8/2004 11:03:32 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Friday, November 05, 2004
Battle of the Brainless... as posted by RoNgie

Nakaw ko to galing sa Friendster, sa isang post ni Aaron Faustino YA...!!!

Q: What is the National Bird of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "M"(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: manok na pinirito.
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube



Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer
upang maligo.
Clue: Nagsisimula sa letrang "B" (Beach).

A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang
makikita
na mga babaeng naka-bikini.
A: beerhouse!



Q: What is the National Flower of the Philippines?
Clue: It starts with the letter "S" (Sampaguita)
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak!
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at
dagdagan ko pa: pangalan
ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S",
nagtatapos sa letrang "A"
at kapangalan ito ng isang sikat na singer
.
A: Si Sharon Cuneta!



Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of
Asia?
Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene
Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng
piyesa.
Yung kahulihulihang piyesa na lang.

A: Sylvia la Torre



Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa
500-peso bill?
Clue: ang initials niya ay "N.A"

A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw
ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador.
A: The former Senador Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na pala si Nora Aunor?



Question: Ano ang ginagamit na floatation device
sa dagat upang hindi
ka malunod?
Clue: starts with the letter "S" - Go!!! ("salbabida")
Beep!
Ateneo: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena.
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Beep!
San Beda: Siyokoy.
Host: Hinde!! Hinde ito Lalake!
Beep!
La Salle: Siyoke.



Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo
pag
ikaw ay nalulunod?
Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon
ang pangalan ng taong
ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito
pagpinagsama ang mga
dalawang sagot.
A: Safe boy.
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang
katawan.

A: Si Mr. Clean.



Q: Anong hayop sa dagat ang may walong
tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo"
(Octopus).
A: October.
Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
A: Octo-walo.
Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine
at malambot ang
katawan.
A: Octoart Dancer.
Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
A: Octoarts Dancers.
Q: Hindi pa rin.
A: Octomechanix



Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal?
Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L"
(Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin
ang kaniyang modern
name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa Rear Part...?

I was here at 11/5/2004 9:19:33 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Next Page

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed