Visit http://paoe.blogdrive.com


Saturday, July 09, 2005
/\/\/\/\

It's all about the game, and how you play it.

I was *forced* to play her game.  I wasn't ready.  I was caught off guard.  I knew nothing about the rules.  And eventually, I lost.

I have 3 days left to prepare for the game.  I will be playing it, again.  I do not want to, but I have to.

I was here at 7/9/2005 11:45:19 pm
UNLEASH THE ANIMAL  

@$$

"Alam mo, para kang laging wala sa sarili.  Pag inuutusan ka, parang hindi mo alam ang gagawin mo.  Ikaw ba'y gusto mo talagang mag-nursing?  O pinag-nursing ka lang?"

"Ganyan ang observation ko sa'yo..."

"Hindi ka ba nakapag-retdem? (return demo)"  (hindi ko malaman kung insulto ba yun o tanong talaga)

"Baka pumalpak ka na naman tulad kahapon..."

"Saan sunod niyong rotation?"  "Aba, hindi pwede ang ganyan sa OR...  Mapapa-scrub out ka niyan...  Kailangan, presence of mind..."

"Ano yung gamot na binigay mo?  Hindi mo binasa ang medication card...  Nakikita ko na kung sino mga basta na lang nagbibigay ng gamot nang hindi binabasa ang medication card."

"Ano mga bagong orders sa pasyente mo?  Ano pa?  Ano pa?  Ano pa?  Ano pa?" (hanggang sa wala na akong masagot...  then turn na ng iba, at...)

"Teka may kulang ka pa, may hindi ka pa nasabi tungkol sa pasyente mo..." (Bakit ako lang ata inulan ng maraming tanong?)

I was here at 7/9/2005 12:19:46 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Monday, July 04, 2005
Good morning Keo... 2

Ako ay gumising mula sa aking pagkakatulog nang 6:00am upang mag-almusal at manood ng The Simpsons.  Nag-sipilyo pagkatapos at naligo ako.  Nagbihis ako at umalis ng bahay ng 7:30am.  Ako ang nag-drive papunta ng school.

Pinasok ko ang kotse sa loob ng Health Sciences Campus hanggang sa may chapel area, doon sa kung saan naroroon ang aming classroom, mga 5 hanggang 7 minutong paglalakad mula sa entrance.  Pinasok ko na ang sasakyan para tipid sa oras, dahil saktong 8:00am na ako dumating.

Hindi ko alam kung ano ang nag-aabang sa akin noong panahon na yun.

Bumaba na ako sa "underground" kung saan naka-locate ang mga classrooms.  Nakita ko ang kaklase ko dati doon.  At kanyang sinabi, "Late ka na!  Hindi kayo dito...  Doon ata kayo sa lecture hall!"

Ang lecture hall ay nandoon sa may malapit sa entrance ng school.

Ako ay napatigil.  Amp*ta...  OO NGA PALA!!!  Sabay takbo papunta ng lecture hall, dahil bukod sa late na ako ay may quiz pa kami.  Tumakbo ako kahit na may dala akong napakalaking libro at kahit naka-leather shoes ako.

Pagdating ko sa lecture hall ay tahimik nang nakatungo ang aking mga kamag-aral, na may mga piraso ng dilaw na papel sa kanilang harap.  Napatingin ako sa aking guro habang hinihingal nang malakas.

Mabuti't inulit ng aking guro ang katanungan para sa bilang 1 hanggang bilang 5.

Ngayon ay sumasakit ang aking mga binti.

****

Ginagamit ko ngayon ang scented mosquito coil na hindi ko malaman kung kulay blue o kulay violet.  Wow...   Sana magkaroon ng mga katol na amoy Hugo Boss o kaya Polo.

****

Napapaisip ako minsan...  Bakit ko nga ba kinuha ang kursong nursing, samantalang noong elementary at high school years ko, isa sa mga ayokong subject ang Health?  Isa yan sa mga subject na nahihirapan akong ipasa.

Pero ngayon, ako ay third year student na, naka-white uniform, nagdu-duty sa mga ospital...  Wow...  Mahal ko na ata ang nursing!!! (wtf?!)

I was here at 7/4/2005 9:04:09 pm
Unleashed animals (3)  




Sunday, July 03, 2005
Mayonnaise

Friday.  Kami ay nag-exam.  Evaluation exam.  Hindi ako nakapag-aral dahil internet ang inatupag ko noong umaga.  Pero buti na lang at medyo madali yung exam *ehem*...  Pumasa ako nang wala man lang ka-effort effort (joke).

Buong akala ko ay maaga kaming pauuwiin at wala nang duty sa araw na yun.  Nagkamali ako.  Meron pala.  At gabi rin kami nakauwi.

Last day/night of duty na namin iyon sa sem na to under the supervision of Ma'am Claire Sumagpao.  Inuulit ko, mabait nga siya, akala niyo lang hindi.  Medyo tough nga lang siya minsan, pero kailangan yun sa kanyang gawain kaya ganoon siya.

At noong Friday ko lang nalaman na tutugtog pala ang MAYONNAISE sa isang street party sa harap ng campus namin.  Kaya pagka-dismiss sa amin ay dumiretso agad ako doon.  Maraming tao, dahil karamihan sa kanila ay inaabangan ang MAYONNAISE.  Kaya nung tapos na sila at nang sumunod ang mga bandang wala sa tono ang mga bokalista (o di kaya'y mga nakakalimutan ang lyrics), nagsi-alisan na ang mga tao.

Nagpaalam ako sa amin, sabi ko ay kinabukasan na ako uuwi kasi late na matatapos ang program/party.  Nang umalis na kami sa party at patungo na ako sa dorm ng kaklase ko para mag-overnight, ako ay nanghiram ng gitara (yeah) at ayun, nagtugtugan muna hanggang... mga 1:00am ata yun.  Umalis na yung iba at tatlo na lang kami naiwan sa may labas (ako, Margaux, Bhen).  Usap-usap, tugtugan (?)...  Natulog na si Margaux ng mga 3:00am at kami ni Bhen ay pumunta na sa dorm niya.  Pagdating naman dun ay tugtugan na naman (amp).  Mga 6:00am na kami nakatulog, at gumising ako ng 7:00am para umuwi.

Halos 21 oras na pala akong gising.  Kaya pagkauwi sa amin ay nakatulog agad ako...  At ako ay ginising ng 9:15am, kung hindi ay hindi na ako nakapasok sa klase namin ng 11:00am.

I was here at 7/3/2005 10:26:09 am
UNLEASH THE ANIMAL  




Friday, July 01, 2005
Goodbye ward, hello 3F ng JP, kung anuman yun

Last day na namin ngayong prelim term sa ward ng UMC, ang 1300 ward.  May evaluation exam kami mamaya, ang una at huling exam namin under Ma'am Sumagpao.

Next week ay doon na kami sa 3rd floor ng JP Hospital.  Balita ko ay maraming namamatay dun.

Sa past 4 days na duty ko, isang bagay na natutunan ko ang hinding-hindi ko makakalimutan...

Nakakapagod palang tumunganga.

Anyway, kahapon ay parang naging clinical instructor ako (hehe) dahil pinagkatiwala sa akin ng aking CI ang responsibilidad ng pagtuturo sa isa kong kaklase tungkol sa tube feeding.

Wala lang.

Paalam UMC 1300.  Medyo pinahirapan mo buhay ko.  Medyo lang naman.  Hehehe...

I was here at 7/1/2005 8:48:32 am
Unleashed animals (2)  




Tuesday, June 28, 2005
Panawagan

Ako ay nagiging biktima ng isang maling balita ngayong mga panahon na ito.

In short, ako ay natsi-tsismis (nachi-chismis).

Aking pinabubulaanan (tama ba?) ang mga bali-balita...  Wag kayong magpapaniwala sa mga sabi-sabi o sa inyong mga obserbasyon...  Looks can be deceiving...  At kayo nga ay nade-deceive...

Wag kayong maging biktima ng maling akala.

Eto na lang...

Mahal ko si _ _ _ _ _

I was here at 6/28/2005 5:40:59 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Sunday, June 26, 2005
Mojofly

Kahit na kailangan kong mag-aral para sa NURS102 (Promotive and Preventive Nursing Care Management) at Pharmacology, gumawa ng computerized na drug study, mag-research tungkol sa 12 Olympian gods, at magsulat sa diary (isang requirement) tungkol sa mga nangyayari sa aming duty, still, nanood ako ng gig ng Mojofly.

Hindi ako magpapapigil...  Hangga't kayang isingit sa schedule ko, isisingit ko.  Hehehe...

Ito palang si Lougee, ang bagong vocalist ng Mojofly, ay may pagkakahawig kay Kitchie, ang dating vocalist ng Mojofly.  At ka-boses din ni Lougee si Kitchie pag nagsasalita.

Marami silang pinerform kanina, lampas sampu ata yun.

****

At... may free 8R recopy pala ang Photoline kapag nagpa-develop ng film na lampas ng 24 shots...  At matagal na raw sila nag-o-offer ng ganun.  At pinalakihan ko ang solo shot ko ni Lougee.  Ayos.  Ang problema ko lang...

Bakit ngayon ko lang nalaman to?!

I was here at 6/26/2005 11:51:28 pm
Unleashed animals (1)  




Saturday, June 25, 2005
Bomba (?)

Ngayon lang ako nakapag-internet ulit.  Masyado akong pagod (?) pag-uwi galing sa klase, o kahit saan man.


TUESDAY

Noong Tuesday ay aking napag-alaman na hindi raw pwede ang nabili kong white shoes dahil ang kailangan ay all white talaga (ang nabili ko ay medyo cream ang sole).  Wednesday kailangan ang white shoes, pero nalaman ko lang na bawal noong Tuesday ng lampas 7:00pm.  Isa lang ang pwede kong gawin: Pumunta sa SM at humanap ng kapalit, o kaya bumili na lang ako ng bago.  Hmmm... dalawa pala yun.

Ayun, pagkauwi ko sa amin ay dumiretso agad ako sa SM.  Mga 8:30pm na ako nakarating, at nahirapan pa akong humanap ng white shoes.  Muntik na ako abutin ng closing time ng SM nang ako ay nakabili ng bagong white shoes.  Ang una kong nabiling white shoes ay pinapalitan ko na lang ng black shoes.  BLACK SHOES.  Pamilyar to ah...  Wahahahaha...


WEDNESDAY

Muntik na akong ma-late (ulit) noong Wednesday.  Ang kaparusahan kapag na-late during duty days (tinatawag na RLE days) ay make-up duty pwedeng sa sem break o kaya summer.  Medyo maaga akong umalis sa amin noong araw na iyon para hindi ako ma-late.  Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay natandaan kong kulang ang aking mga nursing paraphernalia.  Kapag nagkulang ako ng 3 paraphernalia ay make-up duty rin.  Kaya bumili ako ng paraphernalia bago pumunta ng classroom.  Pawis na pawis ako pagdating sa classroom.  Whew.


THURSDAY

First hospital exposure.  Wala akong kaide-ideya kung ano bang dapat kong gawin sa ospital.  Pero dahil mabait si Ma'am Sumagpao (oo, mabait siya... akala niyo lang hindi), mga simpleng bagay lang muna ang pinagawa sa amin.

Ako ay kumuha ng vital signs ng isang batang amputated ang buong right leg.  Nakakaawa ang bata dahil siya pala ay nasagasaan ng isang kotse.

Nakakapagod palang tumunganga...

Matapos kong kumain pagkauwi ay antok na antok na ako...


FRIDAY

General assembly noong umaga hanggang tanghali.  Ang mga mag-aaral na may duty ng 0600-1400H sa section namin ay wala nang duty, samantalang kaming mga 1400-2200H ay meron.  Unfair.  Pero binigyan pa rin kami ng consideration kahit papaano, dahil imbis na 2200H kami umuwi, mga 1830H pa lang ay pinauwi na kami.

Maraming itinuro sa amin, pero tila (?) hindi ko matandaan lahat.

Ako ay kumuha ng vital signs ng isang 85-year old na lola na na-stroke.  Kinabahan ako at iyon ay napansin ng isang medicine student ata yun, at ako'y kanyang tinulungan.

Nag-inject din ako ng insulin sa isang pasyente.  Biglang in-order sa akin ni Ma'am Sumagpao e.  Hehe...


SATURDAY

Puta*g ina.  Nabangga ko kotse namin...!!!!!



Sa Linggo (bukas) ay manonood ako ng gig ng Mojofly.

I was here at 6/25/2005 11:19:37 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Saturday, June 18, 2005
Sexbomb... again

Kahapon (Friday) ay nanood ulit ako ng mall tour ng Sexbomb.  Kami ay dinismiss ng tanghali dahil tinapos lang namin ang naputol na orientation noong first day ng klase.  Sinama ko kahapon ang isa kong kaklase sa Robinsons Manila.  Buong akala namin ay walang makakakita sa amin doon dahil malayo yun sa gubat na aming pinapasukan.

Pero nagkamali kami.  Habang kami ay naghihintay na magsimula ang "mini-concert" (siyempre nasa unahan kami, hindi ko matatanggap pag nasa likuran ako amp), napatingin ang kasama ko sa may bandang kanan, at nakita niya ang isa naming kaklase, kumakaway, nakangiti, at sumesenyas na tila ibig niyang sabihin ay "Lagot!!!"

Ayon sa aming orientation, bawal kaming pumunta sa mga pampublikong lugar (e.g. malls, fast food chains, etc.) nang naka-uniform.  Pero ano bang pakialam nila...  Hehehe...  Sa Robinsons Manila ay may nakita rin kaming nursing student galing sa ibang section.  Bale may 4 na taga-DLSU-HSC na pasaway noong araw na iyon, at malamang marami pang mga pasaway.

Bago nagsimula ang performance ay nagkaroon ng Q&A portion.  Sumali ako (haha) kasi nakita ko ang premyo na kalendaryo na may pictures ng Sexbomb.  Nang nasagot ko na ang tanong ay binigyan ako ng kalendaryo at t-shirt galing sa Rev-X.

Mas maaga kumpara last week nagsimula ang "mini-concert".  Mga bandang 5:00pm ay nag-start na agad.

Kami ay nasa unahan, kaya ang ganda ng pwesto namin para kumuha ng mga pictures.  Hiniram ko ulit ang digital camera ni Ryan Medina (DAMBAIT EH).

Sa autograph signing ay kaming dalawa ang pinaka-unang umakyat.  Na-picture-an ko ulit sila isa-isa.  Bad trip nga lang at may humarang na mga daliri sa picture ko kay Rochelle.


FIRST DAY "FU*K!!!"

Sa unang araw ng aming RLE lecture ay na-late ako nang 15 minutes.  Noong araw na iyon ay wala akong kaide-ideya na RLE lecture pala namin.  Ayun, late ako. 

Noong una ay binalewala ko lang.

At kahapon ko lang nalaman na pag na-late pala ng total of 15 minutes, may make-up duty na kasama yun.

Hindi pa nga nagsisimula duty namin, may make-up duty na agad ako... AMP!!!


HEPATITIS B

Hindi pa rin ako mapalagay kung wala ba talaga akong Hepa B.  Sa wakas ay nakapagpakuha na rin ako ng dugo para i-test kung may Hepa B ba ako, kung mataas ba ang aking mga antibodies, etc...

Sa Tuesday ko malalaman ang result.

At pag nalaman kong may Hepa B ako, paalam Nursing... Waaaaaaa...

I was here at 6/18/2005 11:55:12 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Friday, June 10, 2005
Watta performance!

Yipee!!!  Napanood ko na namang muli ang aking mga favorite na SEXBOMB!!!  At yeah, andun si Che-Che Tolentino, ang isa sa mga favorite kong Sexbomb Girls na noong November ko pa huling nakita sa personal, at ngayon ay kasama na siya sa Sexbomb Singers!

Matagal akong naghintay.  Ang nakalagay sa banner sa labas ay 4:00pm ang start ng show.  Ang alam ko, 5:00pm.  Nagbiro pa ako na 6:00pm ang start.  Mali lahat ng nasabing oras.  Ang show ay nagsimula noong 6:45pm na.  Halos 5 oras ako naghintay...  Pero ang aking paghihintay ay nagkaroon ng magandang bunga...  Tuwang-tuwa ako nang napanood ko sila!  FEELS LIKE HEAVEN!

Nakabibighani ang kanilang mga sayaw...  Ang kanilang mga mata at ngiti ay nakabibighani rin...  Parang DREAM COME TRUE...  Hmm, hindi lang "parang"...  DREAM COME TRUE talaga...

Salamat sa digital camera na pinahiram sa akin ng aking kaklase dati, mas marami akong nakuhang mga larawan/litrato/picture/kodak (Kodak yung tatak ng digicam).  Hehehe...

At hindi masyadong strikto ang mga bouncers...  Na-picture-an ko ang bawat isa (Rochelle, Jopay, Izzy, Weng, Evette, Che-Che) gamit ang aking Canon camera, ang lagi kong kasama sa mga mall tours at gigs...  Sayang nga lang at naubos agad ang battery na binili ko para sa digital camera, pero ok na rin, in-ABUSO ko yung camera hehe...

Mabait ang mga Sexbomb... Wow, FEELS LIKE HEAVEN!!!

I was here at 6/10/2005 11:28:53 pm
UNLEASH THE ANIMAL  




Previous Page Next Page

Please leave a message after the tone...
Tuuuuuuuuuuut...


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed