 |
 |
 |
 |
 |
|
Thursday, December 30, 2004
The year 2004... Now with Sangkap Pinoy Seal!!!
Ilang oras na lang, YEAR 2005 na.
So bago pa ako magtatatalon pagsapit ng 12:00mn habang umaasang tatangkad pa, siguro ay balikan muna nating ang nagdaang taon, at magreklamo sa mga hindi kanais-nais na mga sinapit sa loob ng nagdaang 366 days.
Oo, alam ko Dec.30 ko ginawa itong entry na to, pero pakialam mo ba?!
Isang recap na naman to. Now Improved!!!
JANUARY = Ang TI na handsplay. Oo, TI. As in 't*** ina. Sino ba ang may gusto na habang ang ibang estudyante ay nagpapakasaya sa Lasallian Week, e malalagay sa isang buong linggo ng practice na inaabot ng madaling araw?! Noon ko na-realize kung gaano kasarap ang buhay bago pa sumapit ang TI na handsplay na yan. At ang pinakamasaklap diyan ay hindi ko nagawang makapanood ng favorite kong DAISY SIETE dahil sa mga practice na yan.
FEBRUARY = Hmmm, ano ba meron ng mga panahon na to... Research paper sa English? Wala naman akong masyadong reklamo, dahil nage-enjoy naman ako sa ginawa ko. Sinolo ko ang dapat na group work. Yeah. Tapos andyan din ang walang kamatayang community exposure para sa NSTP, kung saan pineperahan kami every meeting na magbayad ng P16 bawat isa para sa trip sa isang malapit na lugar.
MARCH = Kung hindi ako nagkakamali, um-absent ako (pasadya) sa isang klase namin ng PE na Table Tennis para gawin ang research project na pinasa rin sa month na to. No hard/bitter feelings sa mga ka-group ko... Nagpapasalamat nga ako at madali silang kausap.
Keo: "Oi, i-edit mo yung isang word diyan... May mali kasi... Bago mo i-print edit mo na muna..."
Member: "Sige..."
(kinabukasan)
Keo: [tiningnan ang pinrint] "Bakit hindi mo in-edit?!"
Member: "...ha?"
Dito rin naganap ang isang interview project para sa Philippine History. Ako ay naatasan na mag-transcribe ng mga binanggit ng mga matandang in-interview tungkol sa panahon ng mga Hapon. Mahirap na gawain yun. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga na-interview. At isabay pa diyan ang research namin sa English. Wala akong choice, kasi kung hindi ko gagawin ang pagta-transcribe, wala na akong naging contribution sa group namin. So with bitter feelings, tinanggap ko ang assignment na yun.
Marami pang ka-ututang nangyari sa buwan na ito. Kasama ng mga yan ang sunud-sunod na play sa Filipino (gusto pa ng aming guro doon ay magarbo ang presentasyon... Teka, ano ba yung "garbo"?), ang reporting sa Philosophy of Man (na hindi ko naintindihan kung ano yung in-explain ko), etc.
APRIL = Bakasyon na. Yehey. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at nalampasan ko iyon nang buhay. Binalak ko pa ngang mag-drop ng isang subject noon dahil parang hindi ko na kakayanin. Pero nalampasan ko.
Pumunta akong Cebu tatlong araw matapos ang aking kaarawan. Kinabahan pa nga ako sa airport dahil first time ko doon mag-isa. Naiisip ko na baka maligaw ako doon at baka hindi ko maabutan ang flight ko.
MAY = Nasa Cebu ako hanggang May 14, kung hindi ako nagkakamali, isang araw bago ang fiesta sa amin. Habang nasa Cebu ako ay maraming nangyari... Naranasan kong mapadpad sa northern at southern parts ng Cebu, makasakay sa pump boat na pumunta sa maalon na bahagi ng dagat, magpalutang sa malalim na bahagi ng dagat (kahit hindi pa ako marunong noong time na yun), mag-trekking papunta sa isang falls na maputik pala dahil sa malakas na pag-ulan, maglakad sa mainit na putik, maligo sa ulan habang papauwi galing sa isang beach, mag-internet na DSL ang gamit, mag-dishwash, at magdusa sa LBM.
Nang ako'y mabalik sa Cavite ay inubos ko ang bakasyon sa paglalaro ng PS2, pagba-bike, basketball at... yun lang.
JUNE = Nag-resume ang classes. Yehey. First day namin, discussion agad sa Anatomy. At isa ako sa mga nasawi sa unang araw pa lang.
SIR ORPIA: [natawag ako sa group namin] "Differentiate anterior from posterior."
KEO: [hindi alam ang sagot, bumubulong sa mga kaklase "Huy... ano yun?"] "Uhh, posterior po yung sa harap..."
SIR ORPIA: "Are you sure?"
KEO: [nabulungan ng kaklase ng tamang sagot] "Ay, anterior po yung sa harap, posterior po yung nasa likod..."
SIR ORPIA: "Okay... Give some examples."
KEO: [tumanga]
Una kong napanood ang Sexbomb Singers sa buwan na ito... Ang dating pangarap ko lang ay natupad na rin sa wakas... At *kinarir* pa... Kahit malayo, pinuntahan... Unti-unti na akong nagiging aware sa ilang bahagi ng Manila...
Sa month din na to unang nangyari ang swimming class namin. Nahihiya pa nung una... kasi kelangan naka-swimming trunks kami... AMP...
JULY = I got somewhat *addicted* (take note: "somewhat") to the Sexbomb Girls. I attended 3 mall tours during this month. (July 16, 30 and 31).
AUGUST = Ang continuous struggle para sa Anatomy. Taena naman kasing mga quizzes yan... Bawat meeting na lang... Laging ganun... At Monday na Monday, Anatomy agad ang sasalubong sayo... Hindi nakakatuwa yan.
SEPTEMBER = Nanghihinayang ka? Magsama kayo!!!
OCTOBER = Magsama din kayo nung "kaibigan" mong kinatutuwaan mo!!!
NOVEMBER = O ano? Sana pinakawalan mo na lang ako ng panahon na to para hindi na tayo umabot sa ganito... Bakit ba kasi pinigilan mo pa ako?!
Tungkol naman sa ibang bagay... Sa bandang simula at katapusan ng buwan ay napanood ko ang Sexbomb Dancers sa kanilang mall tours.
DECEMBER = Nilabas na ng Microbio ang kanyang tunay na kulay. Kulay TAE. Anyway, nakakainis at hindi ko nagawang araling maayos ang mga dapat aralin dahil sa late na ibinigay ang mga requirements.
Hmm... medyo nawiwili ako sa bakasyon na to ah... Nakalimutan ko na na pagdating ng pasukan ay impyerno na naman buhay ko.
I was here at 12/30/2004 11:35:17 pm
Isolate this entry
Saturday, December 25, 2004
Una sa lahat... MALIGAYANG PASKO!!! Ang tanong... maligaya nga ba kayo?
May isang bagay na bumubulabog sa aking isipan. Marami ang naghahangad ng makinis na kutis. Para mapunan ang *pangangailangan* na ito, nagsulputan ang kung anu-anong mga beauty products. Mga facial wash, facial scrub, toner, astringent, etc.
At hindi mura ang mga produktong ito, lalo na pag sikat ang pangalan. Mayroong mga taong mas pipiliin gumastos ng P300 para lamang sa mga produktong pipigil daw sa kanilang pagtanda kesa ipambili na lamang ng mga bagay na mas mahalaga... tulad ng Oriental Rice Bowl at mashed potato sa KFC.
At meron ding mga facial scrub na may claims na nagtatanggal ng mga dead skin cells. Sa pagkakaalam ko, tayo ay nagsh-shed ng dead skin cells nang hindi natin alam. Pag nagkamot ka ng ulo, may matatanggal na dead skin cells. Pag hinimas mo baba mo a la Sir Cuarto, tanggal ang dead skin cells mo. At pag sinampal ka ng isang volleyball player, tanggal ang dead skin cells mo pati panga mo.
Pero hindi ko alam kung totoo yan.
Assuming na totoo yan, isa palang malaking kasinungalingan ang claim ng mga produktong ito na nagtatanggal ito ng mga dead skin cells. Continuous ang proseso ng pagpapalit ng skin cells natin, at hindi natin kailangan ang mga ganyan. At sa kaso ng scalp, pag napabilis ang proseso ng pagpapapalit ng skin cells, nagiging dandruff o balakubak ito. Ano kaya kung mukha naman ang magka-balakubak dahil sa mga produktong ito?
Hindi natin kailangan ang mga iyan.
Pero kung makulit kayo, may mga alternatives diyan na hindi papabor sa mga kumpanyang inuuto lamang tayo.
Gamitin niyo sa mukha ang Scotch-Brite™ o sand paper...
(Hoy! Narinig ko yun! Ano sabi mo, " Ikaw na lang!!!" ?!?! Aba... Grrr... )
Sabi ko kanina ay may isang bagay na bumubulabog sa akin. Well...
"I lied when I said that..."
Taun-taon na lang ay may mga nagpapaputok pa rin sa kabila ng mga babala ukol sa panganib na dulot ng mga paputok. Taun-taon ding may mga napuputukan, dinadala sa mga ospital, umiiyak, nagsisisi. Bakit hindi nadadala ang mga tao?
Ang tao ay nag-evolve umano mula sa apes. Ito ang teorya ni Charles Darwin. Tinawag niya itong Theory of Evolution (kung saan kabilang sina Triple H, Ric Flair at Batista). Ang ape ay isang uri ng unggoy (o ang unggoy ay isang uri ng ape? Ano ba?! Wag mo ko guluhin...), at ang mga unggoy ay kilala sa angkin nitong kakulitan. Stubborn ang mga unggoy. Matigas ang ulo.
Kaya siguro ganito ang mga tao. Nakuha ko ang ideya kung bakit matigas ang ulo ng tao sa isang kaklase (click here).
Ako, ayokong magpaputok, pero oo aaminin ko mukhang masaya nga... Pero ayokong mawalan ng mga daliri, ayokong mawalan ng mga extremities, o ng ulo.
Mabuti't may alternative na ko ngayon para sa sasapit na Bagong Taon. Umubo lang ako, yun na, maingay na. Ma-plema pa naman ubo ko.
Naaalala ko noong nagsimba ako kagabi (Christmas Eve Mass). Nakatayo ako sa may likod... Ok naman ang aking paghinga ng bigla akong napa-ubo ng malakas, yung ma-plemang ubo pa. Tinignan ang ibang tao, akala yata may nagpaputok.
Wag na tayong magpaputok. Sapat na si BK para dun.
Ngayon ko lang naranasan ang advantage ng paggamit ng SUN CELLULAR. Noong una ay text lang ang ginagawa ko, pero ngayon tumatawag na rin ako. Yeah. Malaking katipiran ang 24/7 Call and Text Unlimited para sa mga tulad kong gumagamit ng cellphone... (o baka ako na ang ginagamit ng cellphone ko?!)
Hindi naman siguro. Hindi.
Anyway, dati ang isang P50 load ay hindi nagtatagal sa akin ng 2 oras... Ngayon ang P100, good for 240 hours, mapa-text o tawag!
Sir/Ma'am, bumili na po kayo ng SUN CELLULAR PREPAID!!! Murang-mura lang po, sa halagang P150, may P50 worth of load po kayo per month, for 3 months! Ang regular text rates po (para sa i-Text profile) ay P0.50/message pag Sun-to-Sun! Pag nag-load po kayo ng 24/7 CTU card, unlimited na po ang text at tawag sa other Sun subscribers!!! Wow... What an offah!!!
But wait, that's not all!!!
If you avail the SUN CELLULAR PREPAID SIM right now, you'll also get a FREE P100 24/7 CTU card for P100 only! Again, FREE P100 24/7 CTU card for P100 only!!!
Also available, FREE P250 24/7 CTU card for only P250!!! For postpaid subscribers, pwede ring ang 24/7 CTU! Madadagdagan lang ng P250 ang bill niyo, at automatic activated na ang inyong 24/7 CTU!
WOW, what an offah!!!
(Tumunog ang cellphone... may nag-text pala. Nagpa-Autoload Max sa malapit na tindahan para makapag-reply.)
Hindi ko maintindihan. Tuwing ako ay nanonood ng palabas ng World Wrestling Entertainment (WWE), laging pinapaalala sa mga manonood ang mga panganib na maaaring idulot ng paggaya sa mga nakikita sa palabas na iyon.
Ito ang sinasabi nila:
Some call these men the greatest entertainers on earth...
Flying without wings...
Defying physical limitations...
But the risks these men take are great...
Bodies have been battered...
Necks broken...
Careers ended in an instant...
Yes, this is entertainment, but the hazards are real...
No matter who you are, whatever you do...
Please...
Don't try this at home.
STOP!!!
Balikan natin ang last line na yun.
"Don't try this at home."
Sinusunod ko ang bilin na iyan dahil alam ko iyan ang aking ikabubuti.
Ano ibig sabihin niyan? Na sa tahanan (hindi bahay... ang bahay ay house) lang hindi pwedeng gawin? Pwede palang gayahin ang mga wrestlers sa labas ng tahanan - sa paaralan, sa daan, sa basketball court, sa Tower Records Alabang, sa plaza ng Imus, sa Festival Mall, sa restroom ng SM, sa KFC sa Waltermart, sa activity area ng Ever Grand Central, sa Orosa Atrium ng Robinson's Manila, o sa fountain area ng Robinson's Sta. Rosa?
Kaya ako ay nakikipagbugbugan sa kaklase ko sa loob ng classroom, dahil wag daw gayahin ang mga wrestlers sa home.
I was here at 12/25/2004 5:17:37 pm
Isolate this entry
Thursday, December 23, 2004
Mga subjects ko this 2nd semester ngayong 2nd year sa kursong NURSING ang aking tatalakayin sa segment na ito. Segment amp... Ano to, programa sa telebisyon?
BASIC COMPUTER CONCEPTS W/ HEALTH INFORMATICS = Isa itong subject kung saan ang medyo advanced concepts sa computers ay tinuturo. Mga networking, topologies, etc. Pero napapaisip lang ako... Asan ang Health Informatics dito? Naaalala ko once, pinahanap kami ng 10 websites na related sa nursing. Hmmm... Ah yun pala ang Health Informatics...
REED (Religious Education) = Oo, sabihin na nating kulang ang human experiences at ang Holy Mass para tayo ay matuto sa aspect na to... Pero may puna lang ako sa subject naming ito... Biased kasi... Dahil Catholic institution ang De La Salle, Catholic teachings din ang tinuturo... Pwede namang Christian teachings (in general) para angkop sa lahat ng mga Kristyano...
Sa sem na ito ay tungkol sa Sacraments, Marriage, and Family Life ang subject.
PHYSICS = As the name suggests (oh, English yun!!!), tungkol ito sa Physics. (nyak) Hindi ko malaman kung ano kinalaman nito sa Nursing, pero siguro para sa general knowledge na rin naming lahat.
PHYSICS LAB = Lab version ng Physics. Dito ay gumagawa kami (o mga ka-grupo ko lang) ng mga experiments. In other words, pahirap to sa buhay.
HEALTH CARE II = Continuation ng Health Care I nung 1st sem. Wala masyadong pinagbago... Once a week na nga lang ang meeting namin.
SCIENCE, TECHNOLOGY, AND SOCIETY = Akala ko madali lang ito. Hindi pala. Ito pala ay nagpapanggap lamang. Nagtatago sa acronym na STS. Pero ano ba talaga ang tunay na katauhan... o ka-subjectan, nitong STS? Muli palang nagbabalik... ang aking kinayayamutan. HISTORY. Oo, nagtatago sa likod ng pangalang STS ang History. Nag-iba lang ng konti ang anyo, pero History pa rin.
HEALTH ECONOMICS = Para sa prelim term, basic economic concepts. Sa midterm at final na siguro ang "Health" part.
MICROBIOLOGY = Yehey. Ang subject na tungkol sa mga microbiological organisms. Marami akong natutunan sa subject na ito. Natutunan kong magtimpi, habaan ang pasensya, at ang effective na paraan ng paglabas ng namumuong frustration.
MICROBIOLOGY LAB = Ho-hum... Dito ay lagi kaming tumitingin sa microscope para makakita ng mga microorganisms. " Wow, look at the staphylococcus aureus!!!" Kung yan man ang pangalan talaga nun, hindi ko alam. Wala akong interes sa subject na ito.
BASIC COMPUTER CONCEPTS W/O HEALTH INFORMATICS = Microsoft Word, Microsoft Excel, Microsoft PowerPoint... Wala bang kwenta? Hindi rin... There's always something new to learn...
PE (BASKETBALL) = Sa lahat ng subjects ko ngayong sem na to, ito ang pinakagusto ko. Natutuwa rin akong pagurin ang sarili ko, kahit na may subjects pa sa hapon... (tanghali ang aming PE)
SPEECH = English, speaking, video camera, playback, audience. Waaaaahhhhh!!!
I was here at 12/23/2004 11:55:52 pm
Isolate this entry
Wednesday, December 22, 2004
I am here...
Masakit ang ulo ko, may sipon ako, may tonsilitis ako (last last week lang may tonsilitis din ako), nanghihina ako... I'm stuck here, at wala akong magawa, dahil nga nanghihina ako.
Wala akong magawa kaya nagsasasagot na lang ako ng trivia sa isang channel sa mIRC... Natutuwa ako pag nauunahan ko sa pagsagot ang mga ibang sumasagot. Naiisip ko na lang, "Hahaha... Naunahan ko kayo hahaha..." Pero kapag ako naman ang naunahan, "@&*$?! Amp na lag to o..."
Malapit na ang Christmas Day. At dumarami ang mga oportunistang ginagamit ang araw na ito para sa sariling kita. Mga taong nangangaroling. Mayroong mga batang makulit na isa-isang pumupunta para mas marami silang maipon. Meron din namang mga grown-ups na, isang malaking grupo sila, na tipong habang kumakanta ay ito ang gusto nilang sabihin, "Bigyan niyo kami ng Pamasko... Kung hindi ay mapapahiya kayo."
Bawat taon na lang, parehong eksena ang aking nasasaksihan tungkol sa mga nangangaroling na to. Hindi ako natutuwa sa kanila.
Oo, panahon ng pagbibigayan. At kahit hindi Pasko, dapat magbigayan tayo. Pero... Abuso na to e.
I was here at 12/22/2004 4:22:57 pm
Isolate this entry
Tuesday, December 21, 2004
Kahapon, gig ni Kitchie Nadal sa Tower Records sa Alabang Town Center.
Nagsimula ang gig niya ng mga 5:30pm.
Wow... Maganda si Kitchie sa personal. Nagpa-autograph ako at nagpa-picture. Kaso hindi ko nga lang siya nagawang kausapin nang matagal dahil naubusan ako ng sasabihin... Saka hindi ako handa waaaaa...
Anyway, masaya naman ako at napanood ko siya... (yiii)
Salamat din sa mga kasama kong sina Margaux at Ryan...
A Portrait of Denial gig
Next stop... Gig naman ng A Portrait of Denial (composed of Aaron, Kirk, Oliver, Aldrin, "Hapon") sa Imus Plaza. Dumating kami doon ng bago mag-10:00pm. Ang sabi ay 10th band silang tutugtog, pero sa hindi ko nalamang dahilan, lalo pa silang napatagal. Mga 1:00am na sila nakatugtog. Pinagmadali na ang mga bands na sa huli tutugtog dahil "late na pare..."
Kumuha ako ng pictures nila, dahil bulok kumuha si Ryan your ass... (joke... pero bulok ka pa rin)
I was here at 12/21/2004 1:45:56 pm
Isolate this entry
Friday, December 17, 2004
Para sa mga kaklase kong... kaklase ko:
RONGIE - Bitterness... is not good for your health.
RYAN - Starry starry night... Paint your palette blue and gray...
RACHELLE - Hehe... Wala lang... Salamat sa ichtus... Saka sana akin na lang yung mainit na ice cream mo (a.k.a. mashed potato)
JEFF - Hoy!!! Mag-ingat ka sa pag-akyat mo sa mga bundok ng Maragondon!
MJ - Uncle Ronnie!!! Buhay ka pa pala? "Anjo Anjo"... ANJO YOUR ASS!!!
JUELY - Oi! May panood-nood ka pa ng DVD na nalalaman ha... Hehe...
CYRUS - Magbago ka na... Tama na ang pagiging SM...
KIRK - You can't see me... your ass!!! Pitikin kita sa ngipin e ano?!
CADIZ - Kalbo!!! Update mo na blog mo!
MINES - Nerd!!! Isa kang nerd!!! Isa ka ring poet, na isang gawain ng nerd!!! Haha
ARIANNE - Isa ka ring nerd!!! Colon D!!! Hindi ka na nago-OL!!! Siguro pag-aaral na rin ang nagiging palipas-oras mo no? Para ka nang si Mines!!! Hehehe...
KAREN - Thanks sa support!!! :)
CHARLOTTE - Pahinging pagkain... ;)
KAINE - Sikreto mo... >:)
MARGAUX - Yung relo mo... Hintayin mo hehe... (parang meron e no)
ANGELO - Yaman mo ah! Holdapin kita isang araw...
CHARLENE - Yiiii K***!
MAYNARD - Pagpalain ka...
MARK M. - Nerd ka rin! Hehe...
K. ROCHA - Queen of the nerds... (positive comment yan hehe)
DIANNE - Salamat... Tinulungan mo kami sa problema namin... Thanks! :)
GRACIELLE - Hoy! Isa kang nerd! Nasa honor section ka nung high school e hehe...
SALLY - Pahinging pagkain...
LOUWIE - Kaya mo yan...
SA MGA HINDI KO NABANGGIT - Magreklamo kayo!!!
I was here at 12/17/2004 9:26:56 pm
Isolate this entry
Cellphones. These gadgets are now considered as "essential goods" by a lot of people. I have read several surveys/questionnaires in Friendster, and some of them include questions like this: "Ano sa mga gamit mo ang hindi mo pwedeng iwan?", and the usual answer was "cellphone!!!" (kasama talaga yang exclamation points)
Una akong nagkaroon ng cellphone noong ako'y nasa 2nd year high school pa lang. Isang Nokia 3310 ang ibinili sa akin noon. Yeah. May pang-contact na ako kay... (kaso hindi niya ako nire-replyan before). Napatunayan ko rin dati na napakatibay ng Nokia 3310 ko... Dahil sa nagawa kong ibagsak (unintentionally) ang cellphone ko mula sa ikalawang palapag ng aming bahay, at bumagsak ito sa semento... Tanggal ang housing, ang battery, at ang... wala na, yun lang. Inexpect ko hindi na gagana ang cellhone ko, pero... WOW, gumana pa rin!!! Kaso nagha-hang na.
Lumala ang pagha-hang. Hindi ko na natiis. Kaya nagpabili ako ng bago. Nokia 3210. Yeah. Mahal ko tong phone kong to. Marami akong nagawa gamit ang phone na to. Lagi ngang nag-iinit ang battery nito dati. Pero, sa kasamaang-palad, nawala ito sa akin. May masamang loob na kumuha.
Nang ako'y manakawan ay hiniram ko ang cellphone ng isa kong kaibigan. Isang Nokia 5110. Medyo mahirap pindutin ang keypad, pero ok na rin... May nagagamit ako kahit papaano.(salamat)
Hindi nagtagal ay nagpabili ulit ako ng bago. Isang Nokia 3330. Mahal ko rin tong phone kong to. Marami kaming pinagdaanan nito. Ngunit wala na to sa akin ngayon. Hindi ito nanakaw... Napunta lang sa aking mother.
Nokia 6210 ang gamit ko mula December 2003 hanggang September 2004. Noong una ay ok lang na yun ang gamit ko kahit mabagal, dahil wala naman masyadong nagte-text sa akin. Muntik ngang mag-expire ang P300 load ko nung mga January to March, dahil walang nagte-text. Ngunit, pagdating ng June, dito ko nalaman na mahirap gamitin ang Nokia 6210. Malaki nga ang memory, pero nahirapan na talaga ako. Kaya pagdating ng September ay nagpabili ako ng Nokia 3315.
Ayoko ng mamahaling cellphone. Ang kailangan ko lang naman ay pantext at pantawag pag emergency. Hindi ko kailangan ng camera (meron akong Canon... mahal ko rin to) o anumang fancy feature ng mga bagong cellphone ngayon. Masaya ako sa cellphone ko ngayon.
Ngayong mga panahon na to ay maraming nawawalan ng cellphone. Sa section namin ay may 3 kaso na ata ng nawawalang cellphones within 2 weeks time lang.
Wag masyadong malungkot... Ang cellphones ay napapalitan naman...
Hindi rin buhay ang cellphone para iyakan... Matuwa kayo at hindi ang mahal niyo sa buhay ang nawala...
I was here at 12/17/2004 8:37:55 pm
Isolate this entry
The end has come... The end... of the end. There will be a beginning... A new one...
Kakatapos pa lang ng exams namin.
I-review natin ang nangyari sa akin noong exam week...
MONDAY. Exam namin sa Microbio Lab. Meron kaming handouts para doon, pero hindi ko nagawang aralin nang ayos dahil sa ginagawa ko rin noong mga panahon na iyon ang requirements namin para sa Health Economics at Micriobiology-Lecture. Teka, ginawa ko nga ba? Anyway, sumakit ang ulo ko dun sa exam na yun...
TUESDAY. Exam naman namin sa Computer. Maraming items, pero karamihan sa mga items na yun ay basic naman at kayang sagutan. Binalak kong tapusin na ang requirements para sa Health Economics at Microbio, pero hindi ko rin nagawa. Ang balak kong mag-aral na para sa Microbio ay hindi ko rin nagawa...
WEDNESDAY. Exams naman namin sa Speech at sa REED. Hapon pa ang exams namin ng araw na yan kaya gumawa muna ako ng requirement para sa Health Economics (natapos ko rin sa wakas) nung umaga. Speech lang ang nagawa kong aralin the night before, kaya ayun... Mukhang babagsak ako sa REED amp... Lahat ng tinanong makikita naman sa libro, pero dahil sa hindi ko nagawang aralin ay wala rin tuloy akong maisagot sa exam. Nung gabi ay gumawa ako ng requirement para sa Microbiology. Nung matapos ko ay nag-decide ako na matulog na muna saglit bago mag-review. Pero...
THURSDAY. Nagising na ako ng 2:30am mula sa original plan na 12:00mn. Anak namp... Tatlong subjects na mahihirap ang nagkasabay-sabay. Science, Technology and Society, Microbiology at Health Economics. Habang nasa jeep ako nung umaga papuntang school, bigla kong naalala yung requirement na kailangang ipasa sa araw na yun. Kaya pagkatapos ng mahirap na exam sa STS ay umuwi ako sa amin para kunin ang naiwan kong requirements. Nag-aral ako konti sa Microbio, pero hindi ko rin nagamit... Ang karamihan sa lumabas sa exam ay puro mga bagay na hindi ko alam... Ganito rin ako nung Anatomy test last sem, pero... Ewan ko, mukhang malabo nang magkaroon ng himala AMP... Ang test naman namin sa Health Economics ay ok naman... *whew*
FRIDAY. Huling exam namin, this time para naman sa Health Care. Hindi na naman ako nakapag-aral, dahil nung nakatulog ako ay nagising na ako ng 5:30am. Alas-8 ng umaga exams namin, at sa bagal kong kumilos, hanggang 6am lang ang time ko para sa pag-aaral. Mahaba pa naman ang coverage ng exam dun. At tama hinala ko, 130 items nga ang exam namin dun. Habang nag-eexam nga naiisip ko na lang, "Tanungin niyo naman ako ng mga tanong na alam ko ang sagot..."
Andito ako sa loob ng isang computer shop sa Imus. May internet naman sa bahay pero bakit nga ba andito ako? Dahil ba sa DSL to at dial-up lang ang amin? Siguro... Ewan ko... Wala lang siguro akong magawa sa amin kaya mas pinili kong sa labas na muna ako...
I was here at 12/17/2004 4:11:18 pm
Isolate this entry
Tuesday, December 14, 2004
Balikan natin ang aking makulay (literally) na taong 2003...
RECAP OF THE YEAR 2003
JANUARY = Ok... I was still in 4th year high school during this time... Gumagawa ng thesis na amp... Tungkol sa mga alcohol na walang kwenta...
FEBRUARY = JS Prom amp... Naaalala ko na sa umaga ng araw ng prom namin ay pumunta pa akong SM Bacoor (Feb.14 nun)... At hindi ko na matandaan kung ano binili ko dun. Nagsisisi nga ako at bakit nag-aksaya pa ako ng panahon para lang sa iasbfiabfiaqb
MARCH = Pahirapan to... Anak ng thesis yan o... Defense dito, revise doon...
APRIL = Hindi ko na maalala kung kelan ako grumaduate... April nga ata... Sa buwan din na to ako naibili ng PlayStation 2. Nainggit kasi ako sa isa kong kaklase... Hahahaha... Anyway, inasikaso ko rin sa month na to ang application ko para sa DLSU-D...
MAY = Dumating ang mga pinsan ko galing Cebu at nag-stay sila sa amin for 2 weeks (o 3 weeks?).
JUNE = Pasukan na... Naalala ko nung first day of classes, isa lang subject namin. Alas-9 dinismiss na agad kami. Pumunta akong kabilang campus (galing akong HSC) para... Para nga ba saan? Validation nga ba ng ID yun? Tanghali na ako nakauwi sa amin. Kumain pa kasi ako sa KFC sa Waltermart.
JULY = Ang naaalala ko ay naghahanda kami ng mga panahon na to para sa isang activity para sa Filipino.
AUGUST = Isang malaking AMP... Nanakawan ang iba sa mga kaklase ko ng mga mahahalagang gamit (cellphones, credit cards, pera)... Hindi sana nangyari ang lahat ng to kung hindi kami sumali sa Filipino na yan (bitter amp). Oo na, plastic bag na Watson's nawala sa akin, b*tch...
SEPTEMBER = May tumawag... Psychotic... Hehe
OCTOBER = Acquaintance party + handsplay... Doon sa Manila Hotel. Wala lang. Sembreak - nagpapayat lang ako nang todo... Nagmukha na nga akong sakitin e... At ito rin ang buwan kung kelan nagsimula pagiging *hibang* ko sa Sexbomb...
NOVEMBER = Simula na ng 2nd sem. Sa panahon na to una kong naranasan ang klase na hanggang gabi. Sa buwan din na to ako ibinili ng mountain bike, matapos ang mahabang pakiusap.
DECEMBER = Naaalala ko ang maingay na tunog sa labas na tumutugtog ng mga Christmas songs na monophonic... Naaalala ko rin ang sabon na Dial na Mountain Fresh ang scent... Naaalala ko rin ang Tang Lemon.
I was here at 12/14/2004 6:12:04 pm
Isolate this entry
Sunday, December 12, 2004
"No, this cannot be!!! AAAARRRGGGHHHH!!!" -Dracula
I was terribly depressed yesterday... Tipong kinailangan ko ng kaunting diversion para makalimutan ko mga problema ko...
Hindi ako umuwi agad matapos ang klase kahapon dahil ayoko pang umuwi talaga... Mas gugustuhin kong nasa labas na lang muna ako kesa mamroblema sa amin...
Ano ba to... Sa bahay may problema, pati sa school meron...
Nako-conclude ko rin na napakawalang kwenta kong tao... At tama nga naman...
Kahapon ay may make-up class kami sa STS (Science, Technology and Society.) Marami ang hindi pumasok... Either tinamad sila o tamad talaga sila.
Kahapon lang ako nakapagbayad para sa tuition. Anak namp, napakahaba ng pila kahapon. Dapat nga ay magbabayad na ako nung Thursday pa (kung kailan kakaunti pa lang ang mga nagbabayad), pero naiwan ko ang assessment slip ko, at hindi ko na rin magagawang magbayad siguro, dahil sa p*tang inang Microbio Lec na yan (actually hindi sa subject ako galit.) Inabot ako ng 12:00nn para sa pagbabayad ng tuition (kasama ko si Diorrhea, nagpasabay na lang ako.)
Ilang beses na naging problema ng La Salle ang mahabang pila habang nagbabayad, pero hanggang ngayon wala pa ring nagiging pagbabago AMP...
Simula na ng exams namin bukas. Yeah. At wala akong ganang mag-aral. Mas gugustuhin ko pa ngang gumala na lang ngayon e.
Mag-e-exams na, pero hindi ako nag-aalala. Habang namomroblema ang iba tungkol sa Microbiology at sa mga requirements, eto ako. Nakatunganga lang. Wala na akong paki sa pag-aaral ko. AYOKO NAMAN NG NURSING E. Unti-unti nang lumalabas ang epekto ng pagpili ng course na hindi ko naman talaga gusto...
I was here at 12/12/2004 9:18:16 am
Isolate this entry
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |