|
Well... I agree!
****
Bukas na ang huling araw ng duty ko sa 3rd floor ng JP. It was a hell-ish experience (well, at least for me)... Ako kasi ang laging napupuruhan, laging nakikitang mali, laging napapag-initan ng CI namin.
Sa duty days namin sa JP, pinagbawalan kaming umupo. Dapat lagi kaming nakatayo sa tabi ng kama ng pasyente na na-assign sa amin. Walong (8) oras ang duty namin, at siguro mga 6 na oras dun ay inilalaan namin para sa pagtayo.
Goodbye JP, hello JP. OR naman next time.
****
Isang gabi ako ay nagmuni-muni habang nakasakay sa isang tricycle pauwi ng bahay. Sumagi sa aking isipan, "Nakaka-miss mamasahe kapag umaga..."
Lagi na akong nagd-drive papunta ng school (at dina-drive ng aking ama pabalik ng bahay ang aming kotse). Isa sa mga dahilan bakit ako nagd-drive papunta ay dahil late na ako umaalis sa amin. Samahan pa ng traffic, ang resulta ay late sa klase. Late sa klase = bawas sa grade para sa attendance or worse, make-up duty kung sakaling tumapat sa isang duty day ang pagiging late.
Isa ring dahilan ang puting uniform na aking suot. Sa mga pampasaherong jeep, hindi makasisiguro kung ang loob ba ay malinis hangga't hindi ka nakasakay. Ayokong magkaroon ng maitim na mantsa sa aking ass sa simula pa lang ng umaga. Oo, ass.
Pero nakaka-miss nga ang mag-commute kapag umaga. Nami-miss ko ang mga biglang pagtigil, ang biglang pagharurot, ang usok, ang pawis, atbp...
****
Napakabulok talaga ng SUN!!! Nakakainis na! Sayang lang ang ni-load ko last month na P150 text unlimited, dahil mula noong nag-load ako (hindi ko alam kung sinadya), muling naging bulok na naman ang SUN... Delayed messages, nawawawalan ng signal, at ang pinakanakakainis ay ang 1 minutong "Sending message" na nauuwi lang sa "Message sending failed." Kahit na madaling araw, kung kailan karamihan sa mga tao ay tulog, ganoon pa rin ang sitwasyon ng SUN... Dati ay "main line" ko ang SUN... Ngayon magiging "side drip" ko na lang... Boo SUN!!! |
| Leave a Comment: |